AFTER that bittersweet night, hindi ko na nadatnan ang presens’ya ni Logan kinaumagahan. Nagising akong wala na s’ya sa tabi ko kahit doon s’ya natulog sa aking kama. “Gurl, may natitira ka pang lakas para makipag-boxing diyan sa punching bag mo?” nagaalalang tanong sa ‘kin ni Veranica habang sinusuntok-suntok ng paulit-ulit ang med’yo matigas na punching bag na naka-sabit sa kisame ng balcony. Pag-gising ko kasi, hinang-hina talaga ako lalo na nu’ng mapagtanto kong wala na si Logan sa tabi ko. Hindi p’wedeng tuluyan akong lamunin ng stress, dapat i-handle ko ‘to ng maayos. Kahit hindi talaga ako okay. “I am fine,” maikling tugon ko sa kan’ya sabay saglit na pinunasan ang tumatagaktak na pawis sa mukha gamit ang mga likod ng palad ko. Pinagpatuloy ko ulit. Kagaya ng kinakagawian ko, p

