SARILI n’yang dugo ang ibig kong sabihin. Baka dadagdag s’ya sa listahan ng tinanggalan ko ng bagang. Dapat marunong s'yang umiwas para hindi kami mag talo. Hindi ako makapag-focus sa trabaho dahil si Logan ang iniisip ko. Hanggang sa sumapit ang break time, hindi pa rin ako umalis sa kinauupuan ko dahil tuloy lang ang pagguguhit ko sa tablet. “Ah, Yucefina?” malumanay na tawag sa ‘kin ni Ysa. Napansin ko na lang na may nilapag s'yang sealed large cup of milk tea sa tabi ng keyboard ko banda. Favorite flavor ko pa iyon, matcha. “Binili namin ‘yan for you. Sasama ka ba sa ‘min? Pupunta kami sa living room,” marahang paanyaya n’ya habang naka-tayo sa likuran si Maica. “K-Kung ayaw mo okay lang naman sa ‘min. Nagaalala lang kami ni Miss Maica dahil… may problem ka yata.” Hindi naman ‘to p

