Chapter Eight

1796 Words
Kinagabihan, ang buong akala niya ay hindi na tutuloy pa si Aling Marieta sa binanggit nitong lakad dahil nagbihis na ito ng pangtulog. Pero maya-maya ay agad ulit itong nagpalit ng pang-alis at tila balisa na nagpaalam sa kanya. Tuloy na daw ang lakad nito at sandali lang daw ito at babalik agad. Hindi na siya nagtanong pa kung saan ito pupunta, sinamantala niya na lang ang pagkakataong iyon. Habang wala ito ay nag-impake siya ng damit. Kung ano ang dinala niya sa bahay na iyon ay iyon lang din ang dadalhin niya pag-alis. Sa sandaling iyon ay pinal na kanyang desisyon. Balak niya na lamang lisanin ang mag-ina. Alam niyang isang malaking kasalanan ang nagawa niya kay Maria at sigurado siyang kapag dumating ang oras na malaman iyon ni Marieta ay hindi ito magdadalawang isip na ipakulong siya. Although willing naman siyang pagdusahan ang kasalanang nagawa sa pinakamamahal na babae pero ayaw niyang makulong sa bilangguan. Noong gabing iyon, bago pa niya tuluyang lisanin ang bahay ng mag-ina ay gumawa na siya ng sulat para kay Marieta at doon ay ipinagtapat niya ang lahat dito. Bahala na, siguro naman sa oras na mabasa ito ng babae ay nakalayo na siya. Naabutan niya si Maria na nanonood ng tv habang nakahiga sa sofa nang pumababa siya sa unang palapag ng bahay. “Gabriel, aalis ka? Saan ka pupunta?” tanong ng dalaga na noon ay nakapangtulog na. Hindi siya nakasagot dito. Mabigat ang dibdib niyang tinitigan lang ito. Maya maya pa ay nagdesisyon siyang kausapin ito sa huling pagkakataon. “Maria, gusto ko sanang humingi ng tawad sa nagawa ko sa iyo. Pero gusto kong malaman mo, nagawa ko lang iyon dahil sa bugso ng damdamin ko. Mahal na mahal kita,” pagkukumpisal niya sa dalaga. Umupo siya sa tabi nito at hinawakan ang mga kamay nito. “Um, mahal rin kita Gabriel,” walang pag-aalinlangang sagot rin naman ng babae habang nakatunghay lang sa kanya. Nangilid ang mga luha sa mga mata ni Gabriel sa tila kirot na naramdaman sa dibdib. Masarap sanang pakinggan ang mga salitang binitawan ng dalaga kung totoo lang itong nararamdaman ni Maria para sa kanya. Pero alam niyang ang pagmamahal na nararamdaman nito’y para lamang sa isang kaibigan, o sa isang nakakatandang kapatid. “Maria, ingatan at alagaan mo ang sarili mo ha. Sumunod ka sa mga ipinag-uutos ng mommy mo para hindi ka laging napapagalitan,” mariing sambit pa niya dito. “Pwede ba kitang mayakap?” tanong niya pa sa kaharap. Nang makita niya ang pagtango nito ay agad niya itong niyakap. “Mahal na mahal kita, Maria,” saad niya pa dito habang kulong kulong ito sa mga bisig. Kung pwede nga lang na itanan niya na lang ito upang hindi na ito mawalay sa kanya ngunit hindi pupwede. Ayaw niyang maging makasarili dahil alam niyang hindi niya mapupunan ang pangangailangan ng babae lalo na sa kalagayan nito. Mas makabubuti kung mananatili ito sa pangangalaga ng sarili nitong ina. Ilang sandali pa ay kumawala na siya dito at walang lingon lingon na binagtas ang daan patungo sa main door ng bahay. Nang hahawakan na niya ang door knob ng pintuan ay bigla siyang natigilan nang marinig ang pagtunog ng sariling telepono na nasa bulsa ng kanyang jeans. Muli siyang kinabahan nang makitang numero iyon ni Aling Marieta. Hindi niya sana iyon sasagutin pero tila may nag-uudyok sa kanya na pindutin ang answer button. “Hello! Kilala n’yo ho ba si Marietta De Guzman?” tanong ng boses na galing sa kabilang linya nang itapat ang telepono sa kanyang tenga. “Oho. Bakit ho?” sa kabila ng kalituhan ay tanong niya. “Naaksidente siya. Bumangga ang sasakyang minamaneho niya sa poste ng kuryente. Kasalukuyan na siyang nasa ospital ngayon. Ikaw ang tinawagan namin dahil ang pangalan mo ang una sa listahan sa kanyang contacts sa phone. Kung gusto n’yo pang abutan siyang buhay, makabubuting puntahan n’yo na siya sa ospital ngayon din,” saad ng isang lalaking sa hinuha niya ay isang pulis dahil sa maawtoridad na tinig ng boses nito. Rinig din niya ang tunog ng police vehicle malapit dito. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya sa masamang balitang narinig. Nilingon niya ulit si Maria na noon naman ay nakatingin sa kanya na tila ba may kutob na sa kung anong nangyari sa ina dahil nangingilid na ang mga luha nito sa mga mata. Kumilos siya at binalikan ito upang sabay silang pumunta sa pinakamalapit na ospital sa kanilang lugar at doon nga nila naabutan si Marieta na kasalukuyan nang nag-aagaw buhay. Maraming aparatong nakakabit sa katawan nito maliban pa sa oxygen na nakapasak sa bibig. Kaawa-awa ang itsura nito na may mantsa pa ng mga dugo sa mukha. Agad na humagulhol sa pag-iyak si Maria nang makita ang kalagayan ng kaawa-awang ina. Siya man ay nangingilid na rin ang luha sa mga mata sa natamo ng kanyang among babae. Paano ba nangyari ito at bakit ito naaksidente? Ang mga katanungang iyon ay paulit ulit na tumatakbo sa kanyang isipan. Maya-maya pa ay nagising na si Aling Marieta. Kahit pa hirap sa paghinga ay sinubukan nitong magsalita. Inalis nito ang nakapasak na oxygen mask sa mukha. “G-Gabriel, nasaan si Maria?” tanong agad nito. Tinuro niya ang kasalukuyang natutulog na si Maria sa kalapit na upuan. Kumilos siya upang gisingin sana ito upang makausap ni Aling Marieta ngunit pinigilan siya nito sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang braso. “G-Gabriel…” sambit nito sa pangalan niya na sandaling inihinto ang pagsasalita dahil sa sakit na nararamdaman sa katawan. “Huwag na ho kayong magsalita. Baka po makasama pa sa inyo,” saad niya naman dito. “G-Gabriel, ramdam ko na hindi na ako magtatagal,” nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Aling Marieta, huwag n’yo hong sabihin iyan. Huwag n’yo hong iiwan si Maria. Kailangan niya ho kayo,” wika niya sa nararamdamang awa at pag-aalala. “Panatag akong aalis dahil alam kong nandiyan ka naman… Gabriel, gusto kong alagaan mo si Maria… Ikaw lang ang kaisa-isang lalaking pinagkakatiwalaan ko pagdating sa kanya,” bilin pa nito. “Ho?” napamaang siya sa sinabi ng kaharap. Ramdam niya ang matinding hirap na pinagdaraanan nito ngayon at sa tingin niya ay hindi na nga magtatagal ang babae kung kaya habang may hininga pa ito ay naisip niya na lamang na ipagtapat dito ang kasalanang nagawa sa anak nito. Para man lang humingi ng kapatawaran dito. Kung sakali mang magbago ang isip nito tungkol sa huling habilin nito ay tatanggapin niya na lang din ang desisyon ng babae. Basta bago ito malagutan ng hininga ay makahingi siya ng kapatawaran. “Eh, Ma’am, may gusto ho sana akong ipagtapat sa inyo…” Paninimula niya sa gusto sanang ipagtapat dito pero pinisil nito ang kanyang kamay at bahagyang umiling upang pangunahan ulit siya sa pagsasalita. “Alam ko na na matagal ka nang may pagtingin sa anak ko. At gusto kong malaman mo na sumasang-ayon ako. Ikaw lang ang kaisa-isang lalaking nagpakita ng malasakit sa kanya at alam kong hinding hindi mo siya pababayaan,” saad pa nito na tila nasamid pa kung kaya natigil ulit sa pagsasalita. Napaawang lang ang kanyang mga labi sa mga napakinggan. Ang ibig sabihin ba noon ay pumapayag itong pakamahalin niya si Maria? Na pasukin ng dalaga ang pakikipagrelasyon nito sa kanya? “Gabriel, alagaan mo siyang mabuti. Inihahabilin ko na siya sa iyo pati na ang lahat ng maiiiwan kong ari-arian na nakapangalan din kay Maria. Inihabilin ko roon na kung sino man ang lalaking mapapangasawa ng anak ko ay makakahati niya sa mga kayamanan ko. Pakasalan mo siya, at huwag na huwag mong iiwan,” mariin pang saad nito. Doon ay nangilid na ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata. Sa palagay niya ay hindi na niya kailangan pang sabihin ang nagawa niya sa dalaga dahil pakakasalan naman niya ito kahit hindi pa sabihin ni Aling Marieta. Ngunit sa mismong bibig na ng among babae nanggaling ang kumpirmasyong gusto nitong mangyari sa kanilang dalawa ng anak nito at wala na siyang paglagyan ng saya nang marinig iyon. “Salamat at dumating ka sa aming buhay Gabriel. Salamat at minahal mo ang anak ko,” iyon lang at humugot na ito ng huling hininga at tuluyang bawian ng buhay. Ang sayang naramdaman ay napalitan agad ng lungkot at pagluluksa. Hindi man lang siya nakapagpasalamat sa lahat lahat ng mga bagay na ibinigay nito sa kanya, partikular na ang paghagubilin sa kanya nito kay Maria. Samantalang nagising na lamang ang dalaga dahil sa ingay ng mga nagkakagulong nurse at doctor sa kuwartong kinapapalooban nila. Nag-iiiyak ito habang pinapanood lamang ang ina na sinusubukang i-revive ng mga doctor. Ngunit wala namang magawa ang mga ito, hindi na bumalik ang heartbeat ni Aling Marieta. Pumalahaw ito sa pag-iyak na para bang may idea na na wala na ang pinakamamahal na inang kahit na mahigpit sa dalaga ay dahil lamang sa iniingatan nito ang anak. At sa huli ay ang kapakanan lamang nito ang iniisip ni Aling Marieta. Niyakap niya ng mahigpit si Maria at inalo ito. Hindi niya alam kung gaano kasakit ang pinagdaraanan ng babae ngayon pero ipinapangako niyang nasa tabi lang siya ng babae sa madilim na yugtong pinagdaraanan nito sa buhay. Ngayong ulilang lubos na ang babae ay siya na lamang ang makakapitan nito at maaasahan at hinding hindi niya ito bibiguin gaya ng ipinangako kay Aling Marieta bago pa ito lagutan ng hininga. Sa mga sumunod na mga araw ay nalaman niya ang totoong dahilan kung bakit naaksidente si Aling Marieta. Nakipagkita pala ito sa isang lalaking naging karelasyon din nito at umutang ng pagkalakilaking pera dito. Noong gabing umalis ito bago maaksidente ay ang oras sana na inaasahan nitong babayaran ito sa utang ng lalaki ngunit hindi, kung kaya sa galit at sama ng loob ay uminom ito at nag drive ng lasing. Sa puntong iyon ay sinigurado niyang mababawi niya ang perang iyon sa lalaking sinamantala ang pagiging desperada ni Aling Marieta upang makahanap lamang ng lalaking tunay na magmamahal dito. Dumaan ang ilang linggo at natupad ang ipinangako niya kay Aling Marieta, ang pakasalan ang nag-iisang babaeng tinitibok ng kanyang puso, si Maria. Namuhay sila na parang normal na mag-asawa. Itinuro niya rito ang mga bagay bagay na kailangan pang malaman tungkol sa pag-aalaga sa sarili para sa sarili ring kapakanan nito, pati na rin ang mga bagay bagay na kailangan nitong matutunan sa pagiging isang may-bahay. Sa isip niya ay hindi niya mamadaliin ang babae. Kapag handa na ito ay tsaka sila magtatayo ng pamilya. Pero sa ngayon, si Maria muna ang pakamamahalin at pakaaalagaan niya. Dahil ang totoo, kahit pa nasa tamang edad na ito ay may gatas pa rin sa labi si Maria. -WAKAS-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD