ONE

426 Words
Sabi nila hindi raw nami-measure ang pagmamahal. Walang anumang aparatus ang makapagdidikta kung ilang porsyentong pagmamahal mayroon siya para sa'yo. Eh, paano kung fail? Paano kung hindi pala kayo ang para sa isa't isa? Wala namang machine na magwa-warning ng system error para aware kayo 'di ba? So, kapag nangyari 'yon? Ano’ng gagawin mo? Hindi ko naman inakala na darating 'yong araw na 'to. Oo, walang system error pero mayroong intuition. And I think, that's the best warning system human beings have. "Let's break up. You're boring me out." Walang sorry-sorry. Walang paliwanag. Wala. Tanging pag-ihip lang ng hangin ang nararamdaman ko. Hindi ako bingi pero pakiramdam ko ngayon, hindi gumagana ang pandinig ko. Hindi 'agad ako nakakibo. Kinapa ko ang emosyong dapat na maramdaman ko ngayon. Galit? Pagkabigo? Sakit? Disappointment? Pero wala. I feel... nothing. After a moment of silence, nagsalita ako. Nakakatawa lang kasi ang unang salitang lumabas sa bibig ko ay... "Bakit?" Ah. The why's. Bakit ayaw na niya? Bakit hindi ako? Bakit hindi na lang ako? Bakit hindi p'wedeng kami? Bakit? Bakit? At marami pang mga bakit. Sa lahat ng bakit na naglalaro sa isipan ko, ito lang ang naging tugon niya: "To be honest, I've never loved you." Ah. Natawa ako. "Ah, okay." "That's it?" Oh. Akala ko ba gustong makipaghiwalay ng taong 'to? "You won't beg?" Itinikom ko ang bibig, nagpipigil ng tawa. "I don't beg." Nangunot ang noo niya. "Aren't you hurt?" Hindi ko na napigilan pa ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi. I gently shook my head, disappointed. "Honestly, no. Why would I? Should I be hurt by the words coming from the mouth of a jerk like you? Oh, come on. I'm not cheap." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay nilayasan ko na siya. (You didn't really love him?) Kinapa ko ang sagot. I didn't. Kasi kung minahal ko talaga siya, hindi na ako maghahanap ng dapat kong isagot hindi ba? Our relationship was more on percents and how much. Ilang porsyentong pagmamahal mayroon ako sa kaniya, at gano'n din siya sa akin. Gaano ko siya kamahal at gaano niya ako kamahal. At para sa akin, ang ganoong klaseng relasyon ay hindi nagtatagal. The why? Because I believe that once you've set the numbers, may it be percents or in how much, you're obligated to show it and make your partner feel that amount. And that's... not okay. I want a relationship where the both of us are free. Malayang ihayag ang mga nararamdaman namin sa mga paraang alam namin. And that, that's beautiful.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD