Umiiyak si Cyrel habang pinapatahan naman siya ng isa sa kanyang mga tito na si Gus. Sa murang edad ay naulila na si Cyrel sa kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente, isang car accident. Nabunggo ang sinasakyang sasakyan ng kanyang mga magulang sa isang truck na nawalan daw ng preno. Habang pinag-uusapan ng mga kamag-anak ng kanyang mommy at daddy kung kanino titira ang bata, nilayo muna ni Gus ang kanyang pamangkin upang di nito marinig ang pinag-uusapan ng mga nakakatanda.
"Sai-sai, wag ka na umiyak baby. Di ba big boys don't cry? Ano ba gusto mo? Halika bili tayo." Pag-aaya ni Gus sa kanyang pamangkin.
"Uhuuu..." patuloy pa ring pag-iyak ni Cyrel habang buhat-buhat sya ng kanyang tito. Nakayakap ito sa kanyang leeg at umiiyak sa balikat ng kanyang tito.
"Huwag ka na umiyak baby. Andito naman sina uncle eh. Tahan ka na pleaseeee... Iiyak na rin niyan si Uncle Gus! Huhuhu." Pagkukunwari nitong umiiyak.
Tumigil na ang batang si Cyrel sa pag-iyak at tumingin lang sa kanyang tito Gus.
"Bili tayo nung favorite mo, gusto mo? Bili tayo ng maraming lollipop!" Pagpapatahan ni Gus.
Tumango lang ang bata. Umalis sila at pumunta sa malapit na grocery store at bumili ng tatlong balot ng lollipop. Pagkatapos nila bumili ay bumalik na sila sa kinaroroonan ng nakakatanda. Nakita ni Gus na parang okay na ang lahat at napagdesisyunan na kung kanino titira si Cyrel.
"Sai, baby, ishare mo yung mga lollipop mo muna sa mga pinsan mo. May gagawin lang sina tito." Sambit ni Gus at agad namang tinugunan ng bata.
Tumakbo ang bata papunta sa kanyang mga pinsan. Kinuha ng mga ito ang tatlong balot na lollipop at binuksan. Limang piraso lamang ang natira para kay Cyrel.
"Ano ang desisyon kuya?" Tanong ni Gus sa pinakamatandang kapatid nila.
Si June na papa ni Cyrel ang pangalawang matanda sa kanilang apat na magkakapatid. Pinakamatanda ay si Eros, tapos ay si July at bunso naman sa kanilang magkakapatid si Gus o Augusto.
"Sa atin siya titira Gus." Sagot nito. Napangiti naman si Gus sa kanyang narinig.
Alam na niya na sa kanila mapupunta ang bata dahil alam nilang mas mabuti kung sa kanila titira ang bata. Laki sa hirap ang nanay ni Cyrel kaya't ganun din ang kanyang mga kamag-anak sa kanyang ina. Sa kabilang banda, may kaya naman ang pamilya ng kanyang ama. Mayaman ang mga ito dahil sa dami na rin ng business na kanilang naitayo. May kainan, palitan ng pera at huli ay isang firm.
Wala na rin ang mga magulang nina Augusto kaya't silang tatlo na lamang ang nakatira sa napakalaking bahay nila. Ang ama naman ni Cyrel ay bumukod sa kanila kaya't may sariling bahay sina Cyrel. Lahat naman ng mga ari-arian ng mga magulang ni Cyrel ay nakapangalan sa kanya at wala namang interes ang mga tito niya dito't dahil nasa kanila naman ang lahat. Hindi sila nag-aaway sa pera. Eto rin ang kadahilanan kaya't mas gusto nilang sa kanila mapunta ang bata, upang hindi pagsamantalahan ang mga iniwan sa kanya.
Pauwi na ang tatlong magkakapatid at ang nagmamaneho ng sasakyan ay si Eros. Naisipan nilang isang sasakyan na lang ang gagamitin upang hindi hassle. Katabi naman ng driver ay si July at si Gus ay nasa likod at pinapatulog ang pamangkin sa kanyang mga hita.
"Hindi natin ibebenta ang bahay nina Kuya. Maaari kasing magamit ni Sai-sai kapag malaki na siya."
"Paano yun? Sino magbabantay dun kuya?" Tanong ni Gus.
"Siguro'y kukuha nalang tayo ng caretaker." Sagot naman ni July.
"Pwede. Pero mas maganda yata kung minsan ay dun matulog ang pamangkin natin. Para maalaala nya mga memories nila ng parents niya." Mungkahi naman ni Eros.
"Hindi ba't mas mafifeel nya na mag-isa na siya?" Tanong naman ni Gus.
"Hindi naman mag-isa, sasamahan ng isa sa atin." Sagot ni Eros.
"Salitan?" Tanong ni July.
"Yup!" Maikling sagot naman ni Eros.
"Maganda na rin siguro yun para hindi sya manibago." Mungkahi ni Gus.
"Matalino naman yang si Sai-sai. Maiintindihan rin niya." Sabi ni Eros.
"Sabagay. Di ko nga alam kung anim na taon lang yan eh." Sabi naman ni July.
"Mana kay kuya syempre." Sabi ni Gus.
"Kaso kay ate Lyra nagmukha. Mukhang babae si Sai eh." Sambit ni Eros.
Pagkadating nila sa bahay ay bumaba na muna ang dalawang tito at ang bata. Ginarahe naman ni Eros ang kotseng ginamit nila sa likod ng bahay kung saan naroon ang iba pang mga kotse.
Hawak hawak pa ni Cyrel ang isang lollipop na natira mula sa binili nila ng tito Gus nya. Alam naman ng bata ang bahay ng kanyang mga tito ngunit sobrang laki nito at higit sa walo ang kwarto. May mga kwartong bakante pero ang nais ng mga tito niya ay huwag siyang matulog magisa sapagkat bata pa lamang.
Napagdesisyunan ng tatlo na salitan rin sila sa pagpapatulog dito. Maliit na bagay naman ito sapagkat napakamasunurin nitong pamangkin nila.
Kinagabihan, nagpaluto ng pagkain sa maid nila si July pagkatapos ay may tinawagan ito. Kakatapos lang nila magGym ng kanyang mga kapatid. Mayroon naman kasing gym sa loob ng kanilang bahay. Mga adik kasi sila sa paggiGym. Nagday-off siya ngayon na dapat sana'y araw ng kanyang duty bilang isang pulis. Hindi nya naman talaga kailangan ng pera. Nagtatrabaho siya bilang pulis dahil iyon ang kanyang pangarap mula bata pa.
Pagkatapos nila magpahinga at maligo ay nagtipon na sila sa kanilang dining area na katabi lang ng kitchen. Giniding na nila ang bata upang makasabay kumain.
Ayaw kumain ni Cyrel kaya't kinandong ito ni Eros atsaka sinubuan. Tahimik silang kumain dahil sa bago pa lamang ang alaala ng libing ng kanilang kapatid.
Si Gus na muna ang magpapatulog sa bata sapagkat wala naman siyang trabaho kinabukasan. Si Gus ay isang chef sa kanilang pagmamay-aring resto at minsan lang kung ito ay pumasok dahil marami rin naman silang na-hire na chef na maghahandle sa kanilang business.
Si Eros ay abala sa kanyang laptop dahil ito ay may tinatapos na Bill of Materials sa kanilang firm. Siya ang head engineer ng kanilang firm. Pwede naman siyang magresign sa kanyang posisyon at maging manager na lamang sapagkat sa kanila naman ang kumpanya ngunit ayaw niyang nawawalan ng trabaho sapagkat ito ang unang naipundar ng kanilang mga yumaong magulang.
Si July naman ay gumagawa naman ng protein shake para sa kanilang tatlo. Maaga siyang natutulog sapagkat buong maghapon ang kanyang trabaho.
Ang madalas na walang trabaho ay si Gus dahil sa kalimitan nitong pumasok. Ngunit, hindi ito madalas sa bahay nila dahil nagsasideline ito bilang isang fitness instructor na kanya naman talagang gusto. Napilitan lamang kasi siyang mag-chef dahil sa isa nilang business.
Pagkatapos inumin ni Gus ang kanyang protein shake ay pinatulog na niya ang batang Cyrel sa kwarto nito. Labis siyang naaawa sa bata dahil sa maaga niyang pagkaulila. Ganunpaman, nahihirapan siya sa pagpapatulog sa bata dahil hindi siya sanay. Hindi pa kasi siya nakapag-alaga ng bata.
"Baby, can we sleep na please?" Tanong si Gus.
Tumangi lamang ang bata at sumampa na ito sa kama. Lumapit siya sa nakahigang tito Gus nito at niyakap siya na kinabigla naman ng huli.
"Uncle, now that papa is gone, who's my papa now?" Malungkot na tanong ng bata.
"Baby... me, uncle July and uncle Eros can be your papa. We are your new papa now." Sagot naman ni Gus sa bata.
"Really? But... who's my mama then?" Tanong ulit ng bata.
"You don't need a mama anymore baby. You have three new papa! That's more than just a mama and a papa." Sagot ng nakakatanda.
"Really??? Okay. But... can I call you 'papa uncle'?" Tanong ulit ni Cyrel.
"Yeah! Of course you can baby Saisai! We're a family now." Sabi ni Gus.
Ngumiti si Cyrel sa kanyang tito Gus at niyakap ito ng mahigpit.
"Thank you papa uncle Gus!" Matamis na sabi ng bata.
"No worries baby. Now... can we sleep already?" Tanong ni Gus.
Tumango lang ang bata. Pagkakita sa reaction ng bata, pinatay na ni Gus ang natitirang ilaw sa lampara na katabi ng kanyang kama. Naging payapa ang kanilang gabi.
Nakatulog sila ng mahimbing.