Eight

2996 Words
Nagising ako na wala si uncle Gus sa aking tabi. Kinusot-kusot muna ang aking mga mata at nag-unat bago lumabas ng kwarto. Pagbaba ko ng hagdan ay wala ang mga uncle ko sa dining area na kung saan ay lagi silang nakapwesto upang mag-almusal ng sabay-sabay. Nakahanda na ang almusal ngunit wala ang tatlo. Tinignan ko ang orasan at alas siete na. Kung nagjogging man sila ay dapat kanina pa sila tapos. Kalahating oras na lang kasi ay aalis na sila papasok sa kanilang mga trabaho. Kalahating oras na lang ang natitira upang kumain at magsalo-salo. Nasakto namang wala ang mga maid. Yung iba siguro'y namalengke. Naglakad-lakad ako patungo sa kwarto ng dalawa kong uncle kahit na parang namamanhid ang pang-upo ko upang malaman kung nandun sila. Bukas ang unang kwarto, kwarto iyon ni uncle July. Sumilip ako sa loob ngunit patay lahat ng ilaw. Walang taong nandoon. Sumunod na kwarto ay ang guest room ngunit sarado ito at wala talagang tao doon. Ang huli ay ang kwarto ni uncle Eros. Nakita kong may ilaw doon at bahagyang nakabukas. Kakatok na sana ako nang biglang may magsalita. "Ilang araw ko na rin pina-iimbestiga. Totoo ang nakalap kong impormasyon." Sa boses niya'y kilala kong si uncle Eros iyon. "Nakakasigurado ka ba diyan kuya?" Boses ni uncle Gus ang sumunod na nagsalita. "Oo. I tried looking for the recent check-ups and diagnosis of Kuya Jan and all leads to this." Si uncle July. "B-but it's impossible! Cyrell looks a lot like his mom!" Malakas na sabi ni uncle Gus. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila ngunit dawit ako kung ano man iyon. Sa kanilang mga pag-uusap ay parang alam ko na ang susunod. "Shhh! Gus! Lower your voice! Baka gising na si Sai at marinig ka!" Sabi ni uncle Eros. "No, Cyrell can't be adopted! This is... this is impossible! This is insane!" Hindi makapaniwalang sabi ni uncle Gus. Nangingilid na ang mga luha ko dahil sa aking naririnig. Hindi ko alam ngunit may kakaibang kirot ang namutawi sa aking puso. Gusto ko nang umalis ngunit may puwang sa akin na tila kailangan ng kasagutan. Isang kumpirmasyon kung tama ang aking hinala. "Hindi Gus. Hindi nga adopted si Cyrell. Totoong anak siya ni ate Lyra. Ayon sa bloodtest sa hospital, match sila ng bloodtype ni ate Lyra." Ani ni uncle July. "Ngunit hindi siya anak ni kuya. Malinaw sa mga results sa check-up ni kuya na baog siya. Masyadong mababa ang sperm count niya upang makagawa sila ng anak." Dagdag pa ni uncle Eros. "So... sino talaga ang ama ni Cyrell?" Tanong ni uncle Gus. "Hindi rin namin alam. May diary na iniwan si ate Lyra sa bahay nila ni kuya Jan. I saw it and I read something. She wrote there that she was r***d by a foreign business partner when she was sent abroad for a business proposal." Pagpapaliwanag ni uncle July. "And that brought Cyrell to them?" Tanong ni uncle Gus. "Yes." Sagot ni uncle July. "So... hindi natin kadugo si Cyrell?" Muling pagtatanong ni uncle Gus. "Yes." Maikling sagot ni uncle Eros. Dire-diretsong tumulo ang aking mga luha. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Halo-halong emosyon ang dumaloy sa aking buong pagkatao. Nabablangko ang aking isip sa aking naririnig. "Kaya pala antagal bago makakuha ng dugo para kay Cyrell. I nearly ravaged when they said that we're not a match." Sabi ni uncle Gus. "Yeah. Hinanap muna namin ang mga kamag-anak ni ate Lyra upang maghingi ng dugo ngunit masyado silang gahaman sa pera kaya't ipinabayad nila." Sagot naman ni uncle July. "Shit..." mahinang mura ni uncle Gus. "What are we gonna do now? Are we going to pretend like we know nothing?" Tanong muli ni uncle Gus. "That's the best we can do for now. Besides, di rin naman alam ng bata." Sagot ni uncle July. "Isa pa Gus, masyado ka na napapalapit sa bata. Kahit hindi sabihin ni Cyrell, alam natin ang sekswalidad niya kaya pinapaalalahanan na kita." Sabi ni uncle Eros. Totoo ang kanyang sinabi. Alam ko na alam nila ang aking sekswalidad kahit hindi ko sabihin. Hinahayaan naman nila ako kung ano nagpapasaya sa akin. "Alam ko naman yun kuya. Pamangkin lang talaga ang turing ko sa kanya, wala na." Sagot ni uncle Gus. "Mahihirapan ang bata kapag lalong napamahal sa'yo Gus. Nag-iingat lang." Sabi ni uncle Eros. "Oo naman kuya, lalo na ngayong nalaman kong hindi natin kadugo ang bata." Sagot ni uncle Gus. I can't stand it anymore. Tumakbo na ako pabalik sa kwarto ni uncle Gus. Ni-lock ko ang pinto at pasubsob na humiga sa kama. Humahagulgol ako sa katotohanang aking nalaman. Umiiyak lang ako doon upang maibsan ang sakit. Bakit ganoon? Bakit kailangan ko pang malaman ang katotohanan? Bakit hindi na lang naging normal ang aking buong pagkatao. Ilang minuto lamang ang lumipas ay may kumatok sa kwarto. "Baby, kanina ka pa namin hinihintay sa baba upang kumain. Gising ka na ba?" Si uncle July. Bakit si uncle July ang kumakatok? Bakit hindi si uncle Gus na may-ari ng kwarto na ito? Pinihit niya ang pinto at hindi ito bumukas. Siguro'y alam niyang ni-lock ko ito. Kinolekta ko ang aking sarili at buong boses akong sumagot. "S-sandali lang po papa, nagbibihis lamang ako. Bababa na rin!" Pasigaw kong sabi. "Okay sige. Bilisan mo na lamang at baka hindi mo na kami madatnan. Late na rin kasi." Sagot na lamang niya at narinig ko na ang mga yabag ng kanyang mga paa na unti-unting humihina. Dali-dali akong pumunta sa banyo upang maghilamos. Naglagay na rin akong onting cream sa mukha upang hindi gaano mahalata ang pamumugto ng aking mga mata dahil sa kakaiyak. Bumaba na ako at kapansin-pansin ang katahimikan sa pagitan ng lahat. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanilang mga mata. Naiiyak ako tuwing iisipin ang nangyari ngunit pilit kong itinutuon ang aking isip sa ibang bagay. Bigla na lamang akong tinapik sa kamay ni uncle July na nasa aking harapan. Kita sa naka-tent na mga kilay niya ang pag-aalala. "Baby, kanina ka pa tinatanong ni papa Eros mo, hindi mo sinasagot. Katabi ko lang siya oh." Sabi niya. "A-ah... e-eh... Pasensya na po papa," sabi ko kay uncle July, "may iniisip lang po kasi ako." "Okay ka lang ba Sai?" Tanong ni uncle Eros. Tumango lang ako bilang sagot. Parang walang ganang tinignan lamang ako ni uncle Gus. "Bat parang namumugto mga mata mo. Atsaka, namumula pa." Tanong ulit ni uncle July. Naku! Anong isasagot ko? Hindi ko maaaring sabihin na narinig ko ang lahat at— "Nasobrahan lang siguro sa tulog kuya kaya medyo puffy ang mukha niya." Turan ni uncle Gus. Napatingin lamang ako sa kanya dahil sa di inaaasahang pagsagot niya. "Siguro nga." Maikling sagot na lamang ni uncle July. Natapos na kaming kumain at pumasok na sa kani-kanilang mga trabaho ang aking mga uncle. Naiwan ako mag-isa sa bahay. Nagbasa-basa na lang ako ng mga libro ko't natulog. Nagising ako sa isang tunog na nagmumula sa aking cellphone. May nagko-call rito, si Carl. "Huy! Ayos na ba gamit mo? Bukas na tayo ng umaga aalis!" Excited na bungad niya sa kabilang linya. "Hmmmm?" Wala sa sarili kong tugon. "Hoy Cyrell, bukas na tayo magsuswimming! Ano ba?" Sabi niya. "NANI?!?!" Maikli at eksaheradang tanong ko. "Oo! Sa tingin ko'y nakalimutan mo. Ayos na lahat ng gamit namin ni Trevor. Three days and 2 nights tayo doon di ba?" Pagpapaliwanag niya. "Ay s**t! Sorry, sorry! Nakalimutan ko!" Pagpapaumanhin ko. "Osya, mag-ayos ka na at maaga tayong aalis bukas." Sagot niya. "Anong oras pala at saan?" Tanong ko. "Alas kwatro ng madaling araw, sa amin na lang para diretso na tayo. Sasakyan naman namin gagamitin natin eh." Pagpapaliwanag niya. "Okay, okay! Mabuti na lang talaga at pinaalalahanan mo ako." Sabi ko. "Alam ko namang makakalimutan mo eh. Haha. Osya! Bibili pa ako ng snacks para sa byahe bukas. Ba-bye na!" Pagpapaalam niya. "Osya sige. Salamat uli!" Sagot ko na lamang at binaba na niya ang tawag. Susmiyo!!! Sa lahat ng matalino, ikaw pinakamakakalimutin Cyrel! Ano ba yan! Pero ganun ata talaga kapag matalino, di ba? Ay basta! Mag-ayos ka na lamang ng gamit mo! Kinuha ko ang malaking kulay itim na gym ba na nasa closet ni uncle Gus, sa kanya ata ito. Nagtipa ako sa aking bagong cellphone na bigay niya at nagsend ng message sa kanya. Hihiramin ko na muna ito. Naglagay na ako ng anim na set ng damit. Para makasigurado na rin. May dala rin naman akong swimming trunks. Hindi na ako nagdala ng mga toothbrush, sabon at shampoo. Meron naman din daw sa resort. Kakatapos ko lang maglagay ng mga gamit sa bag nang biglang pumasok nang pawisan si uncle Gus. Nakita niya ang bag na aking sinara. "Nagtext po ako sa inyo papa, di niyo po ba nabasa?" Pagtatanong ko. "Nagda-drive ako nung nabasa ko kaya't di na ako nakapagreply pa." Sagot na lamang niya. Nakatitig lang siya sa mukha ko at dahil doon ay nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Naiilang ako sa mga titig niya lalo na ngayong ubod siya ng pawis. Nangingintab ang kanyang katawan at sumisilip ang kanyang mga u***g at dibdib mula sa sandong pang-gym na kanyang suot. Namumukol rin ang kanyang harapan sa kanyang suot na kulay grey na short. Feeling ko ay namumula na ako sa kanyang kakatitig. "Maliligo muna ako." Pag-iiwas niya. "Ay oo nga pala papa, pwede mo ba akong ihatid bukas ng maaga?" Pagtatanong ko. "Pleaseeee..." dagdag ko pa. "Saan ka pupunta?" Tipid niyang tanong. "Bukas na po kasi kami aalis papunta sa resort nina Carl. Yung swimming po namin." Pagpapaliwanag ko. "Anong oras?" Ewan ko pero nagiging dry ang kanyang mga pagtatanong. "Alas kwatro po ng madaling araw, papa." Sagot ko. "Okay." Tipid niyang sagot muli. Di na niya ako pinansin at dumiretso na siya sa banyo at naligo na. Hindi ko alam ngunit nalulungkot ako sa kanyang mga dry na pagsagot. Iba siya kumpara dati. Hindi ko na maramdaman ang pag-aalala mula sa boses at mukha niya. Tili nagbago siya nang biglaan. Totoo nga siguro ang kanyang sinabi noong narinig ko ang pag-uusap nila. Pamangkin lang talaga ang turing sa akin ni uncle Gus. Nilagyan ko lamang ito ng iba pang kahulugan. Nag-assume lang ako na may iba mula sa kanyang mga ginagawa. Ngunit bakit parang lumalayo siya sa akin. Hindi ko mapigilan ang maluha. Napaka-eksaherada mo naman kasi, bakit ko naisip yun sa aking tito? May parte sa aking isip na nagsasabi na hindi ko naman talaga kadugo si uncle Gus kaya't may chance talaga na mahulog ang loob ko sa kanya. Ngunit ang kabilang parte ng aking isip ay nagsasabing bago ko pa lamang nalaman na hindi ko siya kadugo ay may nararamdaman na ako sa kanya. Totoo ang sinasabi ng aking isip, ngunit hindi ko ito matanggap. Kung hindi ko alam na hindi ko siya kadugo ay siguro lalo pang lumalim ang pagka-gusto ko sa kanya at hindi ko ito marerealize dahil sa aking akala ay pagmamahal ko lang iyon sa kanya bilang aking tito. Patuloy pa rin sa pagligo ang aking barakong tito. Bumaba na ako mula sa kwarto at pumunta na sa dining area. Nandoon na ang dalawa ko pang tito. Ipinaliwanag ko na lamang sa kanila na bukas na kami aalis ng mga kaibigan ko at inanyayahan ko si uncle Gus na ipag-drive ako bukas ng madaling araw. Kagaya pa rin ng dati, pagkatapos naming kumain ay nanood kami ng telebisyon sa sala. Pagkatapos ay pumunta na sa kwarto upang matulog. Nakahiga na agad si uncle Gus at mahimbing na natutulog. Nakatalikod siya mula sa akin. Nalungkot ako dahil dito. Siguro nga, nandidiri siya sa akin dahil hindi naman niya ako kadugo. Nandidiri siya sa akin dahil isa lang akong bunga ng kasalanan. Ni hindi nga niya ako hinawakan ngayong araw. Naluluha na ako sa sobrang sakit. Namimiss ko na ang dating uncle Gus, ang malambing at sweet kong uncle Gus. Namimiss ko ang pagiging clingy niya sa akin. Ngunit ngayon, ibang iba na siya. Hindi nila alam na alam ko na ang katotohanan. Hindi ko na kayang matulog kasama siya nang ganito kaya't nagdesisyon akong sa ibang room na lang matulog. Kinuha ko ang aking gym bag at iilang mga damit. Pumunta na ako sa guess room upang dito na muna matulog. Malinis na man dito mula nang ipagamit namin ito kina Carl. Dito na muna ang kwarto ko magmula ngayon. Hindi rin naman kasi ako mapapakali kung katabi ko matulog si uncle Gus. Sumubsob lang ako sa mabangong kama at umiyak. Hindi ko namalayan na sa kakaiyak ko ay nakatulog na ako. Tumunog ang alarm mula sa aking cellphone at nakalagay rito na alas tres na. Mabilis akong naligo at lumabas na papuntang dining area upang kumain ng cereal. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nandoon na si uncle Gus at seryosong nakaupo sa isang upuan. Nanlilisik ang kanyang mga mata, animo'y galit na galit. "Bakit sa guess room ka natulog?" Madiin at ma-otoridad niyang tanong. "A-ah... N-naisip ko p-po na dun na lang m-matulog para hindi ko na po kayo maabala pa." "Anong nakaka-abala doon ha, Cyrell? Ilang taon na rin naman tayo nagsasama matulog kapag umuuwi tayo sa inyo di ba?!" Ma-otoridad pa rin niyang sabi. "M-matanda na rin p-po k-kasi ak—." "Tangina naman Cyrell!!! Hindi ako nakatulog dahila akala ko ano nang nangyari sa'yo! Bigla-bigla ka na lamang nawala sa tabi ko!" Pasigaw niyang pagsingit. "Sorry po papa..." Maikli kong sagot. Naiiyak na ako dahil ramdam ko ang galit sa tono ng kanyang boses. Hindi ko alam pero parang nanlalambot ako sa kanyang harapan. Para siyang isang mabangis na lobo at isa naman akong maliit na puting kuneho na maaari niyang kainin anumang oras niya gustong gawin. Napansin niya ang pag-ipon ng luha sa aking mga mata. Natigilan siya doon kaya't yumuko na lamang ako at hindi na sumagot pa. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya. "Kain ka na ng almusal. Alis na tayo maya-maya." Tanging sabi na lamang niya. Ganun nga ang ginawa ko, kumain na lamang ako ng akonh cereal. Lumabas naman si uncle Gus hawak-hawak ang kanyang kape. Nagpapagaan siguro siya ng init ng ulo. Kahit kelan ay di ko maintindihan ang tumatakbo sa kanyang isip. Minsan para siyang teenager kung umasta, minsan naman para siyang isang leon na handa akong kainin ano mang oras. Binilisan ko ang pagkain at kaunti lamang dahil sigurado akong maraming iapapakain sa akin si Carl pagdating sa kanila. Inaya ko na si uncle Gus at handa na naman lahat nang gamit ko. Dumiretso na kami sa kanyang Jeep. Tahimik lamang kami sa byahe. Walang nagsasalita sa amin. Nagpasya ako na magsuot na lamang ng headphones upang mabaling ang atensiyon ko sa pakikinig ng music. Malungkot ang musika na tumutugtog sa aking headphones. Tinignan ko ang title ng kanta sa aking cellphone, random kasi ang nakaplay sa aking Spotify. 'If This Is Love by Ruth B.' ang pangalan ng awit. Malungkot ang himig nito at sumasabay naman ang malamig na hangin mula sa bintana ng kotse. Nakabukas kasi ito upang hindi na mag-aircon. Ang lamig ng hangin sa umaga ang sumasalubong sa aking mukha. Tinutumbasan nito ang lungkot na aking nadarama. Nakatanaw lamang ako sa labas ng bintana. Dinadama ang awit at ang lamig. Feeling ko ay nasa music video ako ng awit. Ilang sandali lamang ay nasa harap na kami ng bahay nina Carl. Pansin ang mamahalin, malaki at itim na van na nasa harapan. Nasa may pintuan nito si Carl at napansin niya ang aming sasakyan. Lumapit ito at sinalubong ako ng yakap. Nagbatian lamang sila ni uncle Gus. "Buti na lamang at pina-alalahanan kita kahapon." Pagbungad niya. "Oo nga eh. Maaasahan ka talaga." Sagot ko sa kanya. "Luh... wala yun no. Pinakuha ko lamang sa loob yung mga pagkain sa mga katulong." Sabi niya. "Asan yung isa?" Pagtatanong ko. "Asa loob rin si Trevor, tumutulong." Sagot naman niya. "Kailangan niyo pa ba ng tulong?" Tanong naman ni uncle Gus nang biglaan. "Uhm... last naman rin po iyon. Paalis na rin po niyan kami. Maraming salamat na lang po." Sagot naman ni Carl. "Uy! Andyan ka na pala Sai!" Biglaang bati ni Trevor. "Haha. Ingay mo, ang aga aga." Bungad ko naman sa kanya. "Sus! Teka... ba't parang namumugto mga mata mo?" Tanong niya. Sa di ko inaasahan ay hinawakan niya ang dalawa kong pisngi gamit ang kanyang mga kamay upang suriin ako nang mabuti. Napansin ko naman ang paniningkit sa mata ni uncle Gus ngunit hindi siya tumutol gaya nang dati. Inalis ko ang kamay ni Trevor dahil nahihiya na ako. Isa pa, baka marumi ang kanyang kamay, naglagay pa naman ako ng moisturizer sa mukha. "Aalis na tayo." Singit bigla ni Carl. Lumapit ako kay uncle Gus upang sabihin na mauna na siya. "Salamat po sa paghahatid. Mauna na po kayo. Aalis na rin po niyan kami." Sabi ko sa kanya. Tumalikod nako at sumama sa dalawa. "Sandali..." sabi niya. Tumingin ako sa kanya at nagtaas ng kilay. Inaasahan ang susunod niyang sasabihin. ".... ahm.... w-wala. Sige mauna na ako." Sabi niya. "Ingat po." Sabi ko na lamang. "Tara na Sai." Sabi ni Trevor. Hinawakan niya ang kamay ko at namula ako dahil sa paraan ng pagkakahawak niya sa aking kamay. Para siyang humawak sa kamay ng kanyang nobya. Nakita iyon ni uncle Gus at kita ang panlilisik ng kanyang mga mata. Hindi ko inaasahan ang paghila ni Trevor sa akin kaya naiwan na namin si uncle Gus doon. Alam ko kung ano yung sasabihin niya kanina. Lagi ko naman yun ibinibigay sa kanya, sa kanila ng mga uncle ko. Ngunit kailangan kong pigilan ang aking sarili gaya ng pagpipigil niya sa kanyang sarili. Kailangan ko munang isara itong puso ko sa kanya. Kahit hindi ko siya kadugo, siya pa rin ang uncle ko at ngayon, isa sa mga tumatayong tatay ko. Mali ang mga nararamdaman ko para sa kanya. Kaya kailangan kong alisin ang mga ito habang maaga pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD