LXIV. LABIS ANG PASASALAMAT ni Lord sa Diyos nang napagtagumpay ng mahal niya ang operasyon. Sa totoo lang, labis ang kaba niya kanina. Hindi niya alam ang gagawin. Habang nagmamaneho papunta sa hospital, ilang beses siya muntikang maaksidente. Wala lang siya sa sarili niya sa mga oras na iyon. Natatakot lang siya sa posibleng mangyari sa babaeng mahal niya. Masaya naman siyang ibalita sa pamilya niya na ligtas na ang babaeng mahal niya. Ang ipinagdasal na lang nilang lahat ay ang fast recovery ni Lady. Positibo si Lord na bukas, maaaring magising na ito. Pwede rin sa susunod na araw. Normal lang naman iyon sapagkat sa ulo nito ginawa ang operasyon. Iyon ang sabi sa kanila ng doctor. Alas tres na ng umaga at pinauwi na muna ni Lord ang ama nina Lady at Troy para makapagpahinga. Inilapit

