LIX. PAGDATING NI SOSHMITTA sa bahay nila ay agad siyang nagmano sa Tita niya. Niyakap naman niya ang mga pinsan niya na sinalubong siya nang buong saya. Pinisil niya ang mga pisngi nito at ginulo ang mga buhok. Natutuwa lang siya sa mga ito. Kahit lalaki ang mga ito, hindi nahihiyang maglambing sa kaniya. Hindi nagtagal, dumiretso na siya sa kaniyang kuwarto para makapaghinga muna. Pagdating niya, agad na siyang nagbihis. Nang natapos, humiga na siya at sinubukan na makatulog. Pero nang naalala niya ang mga bulaklak sa balcony, agad siyang napabangon. Kinuha naman niya ang tea pot sa balcony niya at nilagyan ng tubig sa banyo. Pagkatapos, bumalik na siya sa balcony para diligan ang mga mahal niyang bulaklak. “Hello! Ang ate Soshmitta niyo ito. Kumusta na kayo? Okay lang pa rin ba kayo?”

