XLII. KAKABABA LANG NI Soshmitta sa sasakyan ni Troy. Hindi naman niya mapigilan na mailang nang makita sina Lord at Lady na kakababa lang din ng sasakyan ni Lord. Nasa parking lot sila ng unibersidad. Wala namang pansinan ang nangyari nang magtama ang mga mata nila. Bilang aminado na may kasalanan, unang bumati si Troy sa dalawa. Nanlaki naman ang mga mata ni Soshmitta nang masaksihan na tumango at ngumiti si Lord. Hindi niya inaasahan iyon. Isang buwan na rin ang lumipas na hindi sila pinansin ni Lord. “Hi, Lord,” matapang na pagbati ni Soshmitta. Nagbabakasakali lang siya na pansinin din siya nito Tumango si Lord. “Hello.” Nilingon nito si Lady at hinawakan ang kamay. “Bhe, tara na.” “Bhe? Bakit, bhe?” tanong ni Soshmitta sarili Nauna nang umalis na sina Lord at Lady ay napataas na

