XXVI. TATLONG LINGGO ANG lumipas ay hindi pa rin nagkaayos sina Lady at Hope. Kung tutuusin ay mas lumala ang away sa pagitan ng dalawa. Muntikan pa nga nagsabunutan kahapon. Mabuti na lang ay dumating si Earl at naawat ang dalawa. Para wala ng gulo, kahit walang kasalanan si Troy ay iniwasan na ito ni Lady. Kung may pipiliin man ito, iyon ay ang manumbalik ang pagkakaibigan nila ni Hope. Hindi na bale na alisin nito si Troy sa buhay nito huwag lang ang relasyon nito kay Hope. Wala namang nagawa si Lord para rito, buo na ang desisyon ni Lady na iwasan talaga ang binata. Bilang kaibigan, naaawa lang siya para kay Troy na alam niyang nalulungkot sa nangyari. Papapunta na sila Lord sa unibersidad at nasa biyahe pa sila. Kasama naman niya ang dalawang babae sa buhay niya. Nasa tabi niya ang

