Lilo Malalim siyang napahinga sabay hawak sa tapat ng dibdib nang makita niyang binaba ko ang hawak na kutsilyo. Tanga ba siya? Kahit isaksak ko ito sa kaniya ay hindi rin siya nito mapapatay. Ngumisi ako sabay iling. Matakutin rin pala ito kapag nasampulan na. "Sige, mag-usap tayo. Magpaliwanag ka." Mainahon kong salita. Lumunok siya at tumayo ng maayos. Lumapit siya sa akin. "Wala naman akong ipapaliwag sa iyo. Totoo. Hindi kami magkasama ni Annie." Masama ko siyang tiningnan sabay nagngangalit ang mga ngipin ko. "Gusto mo ba ang mamatay? Mamili ka?" matalim ang mga matang tanong ko sa kaniya. Napalunok siya ulit. "Lilo, sa tingin mo ay papayag si Mommy na makasama ko si Annie? Promise, wala akong alam na nandoon rin siya sa Australia." "Nagsasabi ka ng totoo?" "Oo na

