Lilo Nang bumalik ang ulirat ko ay mabilis ko siyang sinundan sa loob ng Mansyon. He really pissed me! Minsan ay ang sarap niyang kalmutin sa mukha eh! Kung puwede lang sana ay matagal ko ng ginawa. Pumasok ako ulit sa loob ng kusina. Nakita ko siyang nakatayo na sa tapat ng mesa at hawak ang anak namin. Nilingon niya ako kaya nahihiya akong lumapit sa hapag. "We will inform you Dad, Mom about the wedding. Pero dadalhin ko na sa penthouse ko itong mag-ina ko," saad niya. Tumango ang Daddy niya. Pero ang Mommy niya ay sumimangot sabay tingin sa apo. "Sa akin na lang muna si Lulu hmm. Isasauli ko lang sa inyo bukas," sabi ng Mommy niya. Umiling si Lyndon. "Iiyak lang ito Mommy. Pumunta na lang kayo sa amin. You're welcome there." Binuhat na niya ang anak namin. Nilapitan ni Ma

