Lyndon's POV Tinanggal ko ang mga kamay niyang nakahawak sa braso ko. Lumayo ako sa kaniya ng ilang hakbang. "Anong kondisyon?" tanong ko. Gumalaw ang aking mga panga sabay kuyom ng kamao. Umayos siya ng tayo. She was wearing a dress with high heels. Nakatali ang buhok niya at may hikaw na malalaki. Maganda siya kompara kay Lilo. Pero ngayon ay hindi ko na-appreciate ang kaniyang kagandahan. "Huwag mong putulin ang koneksyon nating dalawa," sagot niyang hindi kumukurap. Ngumisi ako. "Nonsense, Annie!" Hinawakan ko ang pintuan ng sasakyan para pumasok sa loob ngunit mabilis ang mga kilos niyang pinigilan ako sa pulsuhan. "Lybdon, hindi ko hihilingin na pangakuan mo ako ng kahit ano, ang akin lang ay huwag mong tapusin kung anong mayroon tayo noon. Let's continue seeing it's

