Lilo I was fine. I have to! Hindi ako pinuwersa sa kasal na ito kaya wala akong karapatan para hindi maging masaya. After all, I put myself in this situation. Tapusin niya o ipagpatuloy ang relasyon nila ni Annie ay wala na ako doon. I'm out of that matters. Buhay nila iyan ni Annie, ang akin na lang ngayon ay kung paano pag-aaralan na mawalan ng pakialam. "Talaga? Nag-uusap pa rin sila ng babaeng iyon hanggang ngayon? Oh my god! Oh my god, Lilo!" bulalas ni Yassi na hindi makapaniwala. Tumango ako sabay abot ng inumin. Nasa coffee shop kami ngayon na palagi namin pinupuntahan. Pagkatapos ng klasi ko kanina ay hindi ako umuwi ng deretso sa bahay. "Oo," sagot ko. Hilaw akong ngumiti sa kanila. Malalim na bumuntong-hininga si Danika. "Okay ka lang ba talaga ha? I mean, kasal na kayo

