Lilo Tuyo ang lalamunan at nahihirapan akong huminga nang ako'y magkamalay. Gusto kong idilat ang mga mata ngunit kay bigat ng mga talukab nito. Ano bang nangyari sa akin? Bakit ako nawalan ng malay? Nasaan ba ako? Pinilit kong ginalaw ang katawan pero para akong paralisado. Ang bigat ng pakiramdam ko. "Ugh..." Mahina kong ungol. Muli akong gumalaw. Isang malamig na kamay ang lumapat sa pisngi ko kaya mabilis akong napabangon. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita si Mama Claudia. Agad nag-sink in sa utak ko kung bakit ako hinimatay. "Nasaan po si Lyndon? Anong nangyari sa kaniya? Okay lang ba siya?" Magkasunod sunod kong tanong. Madiin niya akong hinawakan na tila pinapakalma. Nabasag ang boses ko. "Gusto ko siyang makita mama..." Bumalong ang luha sa aking mga mata. Umupo

