Chapter 01

2303 Words
Lilo Hindi ko maigalaw ang buong katawan nang magising kinabukasan. Mabigat ang talukab ng aking mga mata kaya pati pagdilat ay hindi ko kayang gawin. Ano bang nangyari sa akin? Wala akong maalala. Umungot ako at sinubukang gumalaw. Ngunit nang sumilay ang kirot sa pagitan ng mga hita ko ay bigla akong napangiwi. Anong klasing pakiramdam ba ito? Nasaan na ba si Lola? Muli akong gumalaw para ibinat ang katawan. "Aghh.." napadaing ako sa kirot. Dinalat ko ang mga mata pero laking gulat ko nang makitang nasa hindi pamilyar na Lugar ako ngayon. Malakas akong napalunok sabay bangon. Muli akong napangiwi nang sumilay ulit ang kirot sa pagitan ng mga hita ko. Malakas akong napasinghap nang makitang wala akong kasuotan maliban sa puting kumot na nakatakip sa akin. Napabaling baling ako sa paligid kung may ibang tao. Kung may kasama ba ako. Naiiyak akong kinapa ang sarili. Wala nga akong saplot sa katawan. Sinong. . .sinong kasama ko kagabi? Nag-init ang dulo ng aking mga mata hanggang sa dumaloy doon ang mainit na likido. Anong ginawa mo Eliana Alohi? Nakiramdam ako kung may kaluskos pero wala akong marinig. Bukas ang pintuan ng banyo pero wala akong nakitang tao sa loob. Napaiyak ako. Hinawi ko ang kumot at tiningnan ang pagitan ko. Lumakas lalo ang pag-iyak ko nang makita ang marka mula sa kinauupuan ko. I lost my virginity. Dahil sa kapabayaan ko ay nawala ang iniingatan kong puri. Nanginginig ang mga labi ko. Hilam ang luha ko sa mga mata. Ang mga kamay ko rin ay nanginginig, pati buong katawan ko. Kapag nalaman ito ni Lola ay baka isumpa niya ako. Kami lang ang magkakampi sa pamamahay namin. Palagi niyang pinapaalala sa akin na ingatan ko ang aking sarili, dahil ang p********e ko ay ang tanging kayaman ko dito sa mundo. Isusuko ko lang daw ang aking bataan sa lalaking mamahalin ako hanggang kamatayan. Pero ano itong ginawa ko? Ni hindi ko matandaan kung sinong lalaki ang nakasiping ko kagabi. Huli kong naalala ay may dance show kami sa event kasama ang mga kaibigan ko at kaklasi. Binigyan nila ako ng juice at hindi ko na maalala ang sumunod na nangyari. Binaba ko ang mga paa sa malamig na sahig at sinabunutan ang buhok. Paano kung. . .paano kung matandang lalaki pala ang nakasiping ko tapos ay takutin niya ako para balik balikan siya? Muli akong napaiyak. Hindi ko mapapayagan iyon. Hinding-hindi ko mapapayagan iyon! Pinilit kong ibalik ang memorya kagabi. Naaninag ko ang mukha niya lalo na noong nakikiusap akong tumigil siya sa paggalaw. Hindi siya matanda. Malaking lalaki at maputi. Nang mapagtanto kong mag-isa lang ako ay matagal akong umiyak hanggang sa manuyo ang aking lalamunan. Gamit ang kumot ay pinagpunas ko sa mga mata. Dahan-dahan akong tumayo para pumasok sa banyo. Para akong pilay habang naglalakad papasok sa loob ng banyo. Tila nagkusugat sugat ang pagitan ko ngayon. Nang makita ko ang hubad na katawan sa tapat ng salamin ay muli akong napaiyak. Minarkahan niya ang leeg ko pati sa ibabaw ng dibdib. Mabilis akong naghilamos upang tanggalin ang mga nagkalat kong make-up. Nang matapos ako ay hinahanap ko ang damit. Hindi ko na makita ang suot kong tube at maiksing palda kahapon. Anong isusuot ko ngayon? Nagpalinga linga ako sa paligid. Nakita ko ang sling bag sa mesa at may kasamang paper bag. Mabilis kong nilapitan iyon at tiningnan ang loob ng paper bag. Napahinga ako ng maluwang nang makitang nandon ang suot ko kahapon. Tiningnan ko pa ang ibang laman. May kasamang t-shirt at trouser. Hindi ako nagdalawang isip na isuot ang t-shirt at trouser. Wala na akong oras at kailangan ko ng makauwi. Baka nag-aalala na sa akin si Lola dahil kahapon pa ako 'di umuuwi. Inabot ko ang bag at tiningnan ang loob. Nandoon lahat ng mga gamit ko pati cellphone. Namimilog ang mga mata ko nang makita kung anong oras na. Tinanghali ako dito sa 'di kilalang kwarto. Inayos ko ang kama. Tinanggal ko ang bedsheet at nilagay sa laundry basket sa banyo. Sinukbit ko sa balikat ang sling bag at binitbit ang paper bag. Pero muli akong natigilan nang may makitang maliit na papel sa ilalim noon. Dinampot ko iyon at tiningnan ng maayos. Muli akong napasinghap nang makitang cheque pala ito. Lumunok ako. One hundred thousand. Muling nag-init itong mga mata ko. One hundred thousand ang presyo ng virginity ko. Huwag sana mag-cross ang landas namin ulit kun'di ipapakain ko sa kaniya itong cheque niya. Sa galit ko ay pinunit ko iyon at tinapon sa sahig. Muli na naman akong natigilan nang may makitang bracelet sa sahig. Dahan-dahan kong dinampot at tiningnan. "L. Salcefuedez." Nanlalaki ang aking mga mata. Sino kaya itong L. na hinayupak na ito? Kung ang nakasiping ko kagabi ay itong may-ari ng bracelet ay madali lang hanapin. Ano kayang relasyon niya sa may-ari ng unibersidad na pinapasukan ko? Hindi ko pa nakikita o nakikilala ang may-ari ng Salcefuedez University dahil kakatransfer ko pa lang. May offer silang scholarship sa akin dahil nakapasok ako sa top five. Umuwi akong parang malamig na bangkay. Nayuyupi ang dila ko at hindi ko alam kung paano sasagot mamaya kapag nagtanong si Lola. Nasa tapat ng inuupahan naming lumang building ang madrasta ko nang makarating ako. Tumaas ang kilay niya sa akin at pinasadhan ako ng tingin. "Natuto kana maglakwatsa, Lilo. Magdamag na di nakatulog si Inang dahil sa pag-aalala sa iyo. Pasalamat ka at hindi kita anak, kun'di basag ngayon ang bungo mo!" Humithit siya sa hawak na sigariliyo at binuga ang usok noon. Nagtaas-baba ang dibdib ko. I hate her to the core! Pareho ko silang kinamumuhian ni Papa! Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy sa hagdanan. Pero sinundan niya ako at muling pinagsabihan. "Wala kang galang na bata ka! Porket may pinag-aralan ka ay ganito mo na ako itrato? Baka nakakalimutan mong ako pa rin ang asawa ng papa mo! Pangalawang nanay mo rin ako gaga!" Tumigil ako sa paghakbang at nilingon ko siya. Dahil sa ugali niyang aso kaya naging matatag ako sa buhay. Hindi na niya ako basta-basta masasaktan ngayon tulad ng ginagawa niya sa akin noong bata pa ako. "Pasensya na po kayo, Ma'am. Kailangan ko lang mag-overnight sa trabaho para pambayad ko ng tuition. Paano, may magulang akong responsible," may kasamang insulto kong sabi sa kaniya. Kumuyom ang mga kamao niya at masama akong tiningnan. Kaya bago pa kami magtalo dito sa hagdanan ay mabilis ko siyang tinalikuran at umakyat na sa taas. Hinanap ko agad si Lola nang makapasok sa maliit naming kwarto. "La, pasensya na po kayo kung hindi ako nakauwi kagabi." Nginitian niya ako at hinaplos sa pisngi. "Basta tungkol sa trabaho apo ay maiintindihan kita. Humihingi ako sa iyo ng tawad dahil wala na akong kakayahan para buhayin ka. Mahina na ako at walang mahanap na trabaho." Nag-init ulit ang aking mga mata at muli kong naisip ang pagkakamali ko kagabi. Ginanap ko ang palad ni Lola at hinalikan. "Patawarin ninyo ako Lola kung hindi ko kayo naalagaan." Mahina siyang tumawa. "Ano kaba? Kaya ko naman ang sarili ko, apo. Pinapakain pa naman ako ni Tiya Esmeralda mo." Muli akong napayuko. Minsan ay natatakot akong ipagkatiwala sa madrasta ko si Lola dahil baka lasunin niya ito kapag wala kaming pareho ni Papa sa bahay. Inasikaso ko si Lola. Binilihan ko ng mga vitamins at gamot gamit ang perang natanggap ko kahapon sa dance show. May kaunti akong natira kaya ilalaan ko ito sa pamasahe ko at baon sa lunes. Second year college na ako at sa sikat na university pa pumapasok. Dapat talagang may sapat akong baon para hindi nakakahiya kapag um-order sa canteen. Mga bigatin pa naman ang mga kaibigan ko. Minsan ay nahihiya na akong magpalibre sa kanila. Nakakatanggap naman ako ng allowances kay Papa, kaso minsan itong madrasta ko ay panay reklamo na hindi raw kasya sa gastusin dito sa bahay ang binibigay ni Papa. Kaya sa huli ay ako na lang ang nag-aadjust, hindi ko na kinukuha ang allowance. Nang sumapit ang lunes ay maaga akong nagising. Pinlantsa ko ang damit at nagluto ng agahan. Pinakain ko muna si Lola bago iniwan sa bahay. Isang sakay lang naman papunta ng university kaya hindi ako gaano pagod sa biyahe. "Lilo!" "Lilo!" Nasa gate pa lang ako ay agad kong nakita sina Yassi at Danika. Kumakaway sila sa akin kaya mabilis ko silang nilapitan. "Lilo! Saan kaba nagpunta noong sabado ha? Panay hanap namin sa iyo. Nang-iiwan ka sa ere!" Reklamo ni Yassi. Napalunok ako. Wala kong kakayahan ngayon para sa sabihin sa kanila ang nangyari sa akin sa araw na iyon. Sinimangutan din ako ni Danika. "Nagpaalam ka lang na magbabanyo eh, tapos bigla ka na lang nawala!" Lumunok ako ulit. Ramdam ko na naman ang panginginig nitong mga kamay kaya nilikod ko iyon upang hindi nila mapansin. "Ah kasi, nahilo ako sa juice na binigay sa akin ni Dalia kaya pasensya na kayo kung hindi man lang ako nakapagpaalam." Pagsisinungaling ko. Napailing si Yassi sabay buga ng hininga. Nanlalaki pa ang butas ng kaniyang ilong. "Sabi ko na nga ba eh, umuwi ka lang ng bahay. Pinaggigiit kasi nitong si Danika na baka raw may dumukot sa iyo. Kapapalit mo pa naman ng number noong sabado kaya hindi ka namin matawagan. Hindi rin namin alam kung saan kayo sa Pasig." Tinaas ko ang kamay sa kanila. Ayaw ko na silang mag-usisa dahil hindi ko maiwasan na isipin ang nagawa kong pagkakamali. "Okay na iyon girls. Tara na sa loob, maaga ang klasi natin ngayon." Kumapit sila sa magkabilang braso ko. Hinanap ko si Dalia pero absent na naman ang gaga! Kaming apat ang magkakaibigan at hindi naghihiwalay. Lahat kami ay pasok sa Top five, na nabigyan ng special na scholarship dito sa Salcefuedez University. Malawak itong Salcefuedez University. May iba't ibang courses. Mayroon din Highschool. Malinis at malaki ang spasyo ng library at computer room. Mayroon ring dance department kaya doon kami madalas nitong mga kaibigan ko para mag-practice. Sa tuwing hapon naman at maaga ang tapos ng klasi namin ay nanonood kami ng basketball at soccer. Bigatin ang mga estudyente dito at ang guguwapo pa ng mga boys. "Lilo, sasama kaba sa amin? Pupunta kami ng mall ngayon?" tanong ni Dalia. Umiling ako. Tapos na ang klasi kaya uuwi ako ng maaga. Marami pa akong gagawin sa bahay namin. "Hindi. Sa susunod na lang. Wala kasing kasama ang Lola ko." Tumango silang dalawa. Bitbit ko ang laptop bag ay lumabas na ng Campus. Pero nang tumayo ako sa gilid ng kalsada para mag-abang ng jeep ay may lalaking nilapitan ako. Napaatras ako. Ngayon pa naging malinaw sa alaala ko sa lalaking nakasama ko sa kama. Hindi ako nagkakamali. Siya itong lalaki na papalapit sa akin. Naaanig ko ang mukha niya noong gabing iyon kahit wala na ako sa katinuan. Malaking lalaki siya, maputi at matapang ang awra. Kaya pala hindi ako makapaglakad ng maayos dahil sigurado akong malaki 'to! Binalot ako ng kaba at nakaramdam ng panlalamig itong aking katawan. Nagpalinga linga ako sa paligid at mahina akong napahinga nang walang nakatingin sa amin. He's wearing a black shiny tuxedo. Ang laki niyang tao. Ang ganda ng kaniyang mga mata. Namulsa siya sa harapan ko at pinasadhan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakaramdam ako ng insulto mula sa paninitig niya sa akin. "You're student here?" Parang napugto ang aking hininga nang marinig ang boses niya. Nanuot sa kalamnan ko ang tunog ng kaniyang boses. Ngumisi siya nang hindi ako makasagot. "Akin na!" Nilahad ang palad niya sa akin. Ang puti ng kamay. Ang linis ng mga kuko. Siya ba talaga ang lalaking nakasiping ko? Sandali? Anong, akin na? Iyong cheque ba niyang one hundred thousand? Sarap niyang duraan. Kapal ng mukha niya! "Akin na sabi, Miss?" Binuka ko ang labi para magsalita pero agad ko rin natikom. Pinunit ko na ang cheque niya kaya anong ibabalik ko sa kaniya. Malalim siyang bumuntong-hininga. "My bracelet, Miss. I'm sure nakita mo't dinala. Bumalik ako sa motel para hanapin pero walang nakita ang mga staffs sa kuwarto nang linisin nila." Muli akong napalunok. Bakit kasi ginagawa pa niya akong manghuhula eh? Mabuti nga at di ko tinapon itong bracelet niya. Kinuha ko iyon sa bag ko at inabot sa kaniya. Naging mute ako sa kaniyang harapan. Wala akong masabi. Malakas na dumagundong itong dibdib ko. Nang magdikit ang mga kamay namin ay para akong nakuryente. Ang init ng palad niya at tila ako nalapnos. Muli niya akong nginisihan pagkatapos niyang ibulsa ang bracelet. "You didn't take the money I gave you? Why?" Muli akong nakaramdam ng insulto sa kaniya. "Hindi ko kailangan ng pera mo!" naiiyak kong sabi. Hindi ako puwedeng umiyak sa kaniyang harapan, mas lalo akong magiging kawawa. He chuckled. He stepped forward. "Hindi ko alam kung anong sideline mong trabaho Miss, pero sa susunod ay huwag kang naglalasing." Babala niya sa akin. Ang sarap niyang sampalin. Siya na nga itong sumira sa akin tapos siya pa ang may maraming sinasabi. Lasing ako. Dapat tinanggihan niya ako at hindi ni-take advantage ang kalasingan ko hindi ba? Sira ulo siya! "Ang nangyari sa atin ay aksedente lang. Tinapon mo ang sarili mo sa akin. Lalaki ako, mabilis tigasan kapag nasa harapan ko na ang pain." Binulong niya ang huling salita. Kumuyom ang mga kamao ko. Hindi ko na napigilan at bumalong ang mga luha ko sa mga mata. Natigilan siya saglit nang makita akong umiyak. Pero masama ko siyang tiningnan nang abutan niya ako ng panyo. "Miss, I'm sorry for losing your virginity to me. I paid for it but you didn't take it." Nang hindi ko abutin ang kaniyang panyo ay napailing siyang tinalikuran ako. Nasundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa pumasok sa expensive sport car na nakaparada sa gate. "Demonyo ka.." bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD