Lilo Tuwang tuwa si Lulu nang ibaba ni Lyndon sa malawak na court at nagtakbuhan silang mag-ama. Nang tiningnan ko ang ina ni Lyndon ay nakangiti itong nakatingin sa kanila. Inakbayan niya ako. "Hindi kaba pinapahirapan ng mga estudyante dito? Balita ko ay maraming mayayabang dito?" Napalunok ako. "Hindi naman po. Dati na akong pumapasok dito tatlong taon na ang nakalipas." Natigilan siya. Tinanggal ang kamay sa balikat ko. "You mean, dito ka pala pumapasok noon?" Ngumiti ako sabay tango. "Opo. Noong mag-announce ang university na ito tungkol sa scholarship ay nag-apply ako. Nakapasok ako sa top 5 kaya nag-transfer ako dito." Umawang ang mga labi niya. "Hindi ito nasabi ni Lyndon sa akin," sabi niya habang nakatingin sa anak. Sa totoo lang, gustong gusto kong itanon

