GULAT na nanlalaki ang mga mata ni Mirathea sa sinabi ni Jenny. Ano ba ang pinagsasabi nito? Bakit siya na ang inakusahan nitong tumulak kay Gemini? “Diyos na mahabagin!” gimbal na bulalas ni Manang Esther, na kalalabas lang ng kusina kasama si Wenna. Umiling siya. “H-Hindi totoo iyan.” Pumiyok pa ang boses niya. “Anong hindi? Nakita kitang itinulak mo siya mula sa itaas.” Sabi nito ulit. Umiling-iling siyang hinarap sina Manang Esther at Wenna. Naiiyak na. “What are you doing here, Dra. Dela Vera?” Sabay-sabay silang napalingon sa may pinto nang marinig nila si Lawrence. Magkasalubong ang mga kilay nitong nakatingin kay Jenny na nakatayo malapit sa may pinto. “Well, nandito ako to apologize to your wife, at ibigay itong naiwan niya sa bar.” Sagot naman ni Jenny kay Lawrence. Nanla

