PAKIRAMDAM ni Mirathea ay dinurog ng sobra ang puso niya, pati ang isip niya. She feels exhausted from some frustrating things, thoughts and answered questions she doesn’t know how to believe. Hindi niya kayang paniwalaan, but then, nandoon na. Sinampal na siya ng katotohanang kaya pinatuloy ni Lawrence ang ex-girlfriend nito rito sa mansion dahil buntis ang babae sa anak nito. Masakit sa puso, masakit sa isip, masakit sa dibdib, masakit sa lahat ng pakiramdam. Gusto na nga lang niya ay maging manhid na lang. She sobbed. “Señorita, okay lang po ba kayo?” si Wenna. Nakita niya pa itong natataranta na kumuha ng baso at nilagyan nito iyon ng tubig para ibigay sa kaniya. Napasinghot siya at kaagad niyang pinahiran ang mga luha sa kaniyang pisngi. “S-Salamat, Wenna.” Aniya. “Ano po ba an

