Chapter 55 Bella POV YUMUKO ako sa harapan ni Mika. "L–lumapit ka sa kanya at y–yakapin mo siya..." I stammered with the pain in my heart. Kailangan kong gawin ito, alam kong ito ang tamang hakbang. Naguguluhan si Mika, nakatitig sa akin. "Bakit po?" "Ang yakap mo ang magpapatahan sa kanya." Itinaas ko ang kamay ko, inipit ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tenga. "Pero Nanay–" mas kumapit siya sa mga kamay ko, tila nag–alangan. Sumulyap siya sa kinaroroonan ni Agatha, with a doubt on her face. "Sige na, lumapit ka sa kanya," utos ko sa bata pero umiling lang ito. Kumapit siya sa laylayan ng damit ko. "Sige na, Mika. H'wag matigas ang ulo." Bumitiw siya sa laylayan ng damit ko at tumingala sa akin. "Pero saglit lang Nanay!" Tumango ako sa kanya, ngiti na puno ng pang–unawa.

