Chapter Five

4785 Words
POV KEVIN TROY Flashback... "Thank you, Hon. For the wonderful night. Happy 1st anniversary to both of us." Masayang wika ni Michelle sa akin hindi mawaksi ang ngiti niya sa labi at ang ningning ng mga mata niya ay nakakabighani. Napaganda niya sa simpleng dress na off-shoulder na kulay old rose at ang maikling buhok niya ay linagyan ng plain headband na kakulay ng damit niya. I am really in love with her. Not because of her pretty looks but because of her jolly appearance, every time she saw me, her appearance is much brighter than the sun. And I love being with her. Specially, this special day. "Happy anniversary, Hon." Bati ko rin sa kanya. Ginagap ko ang kamay niyang dalawa na nakapatong sa mesa at dahang-dahan dinala iyon sa labi ko at dinampian ng halik. Habang ang mata ko ay hindi maalis sa kanya. "I love you..." Alam kong kinikilig siya dahil namumula ang mukha niya at hindi mapakali ang kumikibot-kibot niyang labi. "Wala ba akong I love you dyan.?" "Sandali lang naman kinikilig pa ako." Huminga siya ng malalim na parang kabang-kaba. Natawa ako dahil ganun-ganun siya ng sagutin niya ako sa panliligaw ko sa kanya. "Tagal naman." Napakamot ako ng ulo hawak pa rin ang kamay niya. "Wait... Ito na... I love you, Hon." Masaya niyang sabi. Lumawak rin ang pagkakangiti ko. "Thank you and I love you more. Ah! I have something for you..." May inilabas ako mula sa aking bulsa. Isang asul na maliit na pabilog na kahita. Hindi ko mapangalanan ang tuwa na nakikita ko sa mukha niya. "H..hon..." Nangilid ang Mata niya ng luha ng iangat niya ang anklet na kulay ginto na may pendant na tila isang patak ng ulan at kuminang iyon ng tamaan ng ilaw. "I..it's beautiful.." Paborito niya ang anklet. At kadalasan nakikita kong may suot siya lagi. "Let me...." Kinuha ko sa kamay niya ang anklet at pumunta sa side niya agad naman siyang humarap sa akin. "Hala! Nakakahiya...." Gusto kong matawa sa kanya dahil nakahawak ang dalawa niyang kamay sa pisngi niya habang inumwestra ang kanang binti ng lumuhod ang isang tuhod ko. Hindi ko kailangan pang agawin pa ang binti niya para ipatong sa isa ko tuhod. 'Iyan ang nahihiya nagkukusa..' Wika ng utak ko. "H...Hon daming nakatingin nahihiya ako..." "Kiligin ka na lang dyan. Hayaan mo sila." Tuluyan na talaga akong natawa ng impit siyang tumili ng mahina. Ang ikinagulat ko ng hawakan niya ang mukha ko at halikan ako sa labi. Mabilis lang iyon ngunit pakiramdam ko namula ako doon maraming mga matang nakasaksi. "Thank you ..." Ngumiti ako. At nahihiyang bumalik sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang masconservative sa aming dalawa. "I'm sorry hon if hindi ako nakapaghanda wala akong gift sayo. Nagmamadali ako pumunta rito. Galing pa ako sa school daming inaasikaso alam mo na grad waiting. Sorry hon talaga." "It's okay Hon.... as long as you are happy. Habang may ngiti d'yan sa labi mo. Magandang gift na 'yan para sa akin.... at tsaka...Ahmm..." tumikhim ako."...anyway you give me a kiss already." "H..hindi ko na pigilan sa tuwa." aniya sa mahinang boses subalit narinig ko pa rin. Kaya ako'y tuwang-tuwa talaga. Parang hinihele ka sa ulap sa sobrang inlove. Kinikilig lahat lahat hanggang buto-buto. Lalaki ako pero inaamin ko kinikilig ako kapag tumatawa siya ng dahil sa akin. Nagbubunyi ang puso ko sa simpleng ngiti niya. At ang sensirong mata niya ay laging nangungusap at sinasabing ako lang ang dahilan ng lahat ng kasayahan niya gaya ng sensiro niyang bibig na hindi pinagkakaila na ako ang dahilan kung bakit siya masaya. "Alam mo ba Hon..... 'yung ganitong saya ayaw ko ng matapos. This is really such a good feeling. Ang daming butterfly akong nakikita. Dinala mo pa ako sa romantic place na ito. I really love you Hon..." "Ikaw rin ang isang bagay na ibinigay sa akin. I don't want to waste it. You such a gem... A great rare gem. I love you too." I looked at her intently warmth. Sandali pa kaming tinapos ang kinakain namin at masayang nag-usap. At talagang sa simpleng ganito malaking bagay para sa akin, sa amin. Nagpunas ako ng labi hudyat na ako kumain. Tapos na rin si Michelle. Nagcheers pa ang kopita ng sabay kaming uminom. Nginitian ko siya ganoon rin siya sa akin. Subalit nawala ang ngiti ko ng mapadako ang tingin ko sa nang-aarok na mata sa hindi kalayuan. Diretsong nakatingin sa akin. Bigla ako nanlamig at hindi nakagalaw nanatili sa ere ang kopita ko habang napapalunok ako ng wala sa oras. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. 'Dad! Anong ginagawa niya dito?!' He's watching me with his narrowed keen eye in disapproving look. Nakaupo si Dad sa parting tago ng restaurant sa may sofa kasama ang mga kasama na sa tingin ko ay mga kaibigan o kaya naman ka bussiness meeting niya. "Hon... ano kaya kung ipaalam ko na sa parents ko ang relationship natin. Tutal malapit na 'yung graduation namin. Tiyak hindi na nila ako pagagalitan." wika ni Michelle. Hindi ako nakatugon sa kadahilang naglabas si Dad ng phone niya at mariin naglapat ang mga labi. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at napatungo sa kamay kong hindi mapakali. Ewan ko kung bakit pagdating sa ama ko ay masyado akong naduduwag. Hindi ko kayang labanan ang mga titig niya. "Hon... okay ka lang? Namumutla ka yata?" "H..Huh?!" napaangat ako ng tingin. At sinalubong ako ng matang nag-aalala. "O..Okay lang ako.. Ano nga ulit yung sinabi mo kanina?" pinagpapawisan na ako ng malamig. Iniiwasan kong mapatingin kay Daddy. Pinilit kong ngumiti ngunit talaga namang lintik na kaba ang nararamdaman ko. "Ang sabi ko kung pwde ko nang ipaalam sa parents ko ang relationship natin. Tutal malapit na 'yung graduation namin. Tiyak hindi na nila ako pagagalitan." masaya niyang sabi. "Sigu-" naputol ang sasabihin ko ng magtunog ang phone ko sa bulsa. Balisang hinugot ko sa aking bulsa. Napalunok ako ng makita kung sino 'yun.Nagkatinginan kami."-s..s...saglit lang si Dad, Hon. okay lang." Nakangiting siyang tumango. "Go on..." Tumayo ako. At medyo lumayo. Malapit kami sa veranda kaya doon ako pumwesto para sagutin ang tawag ni Daddy. Saglit ko pang sinulyapan si Dad. Ayun ang m-awtoridad nitong upo habang nakasandal sa kinauupuan niyang sofa. Hindi ko maiwasan hindi mapalunok kaya naman bago pa ako matuyuan ng laway ay sinagot ko na tawag niya at hmarap na lang sa girlfriend kong nakangiti sa akin. Kita ko kasi siya sa parting gilid nitong verandang kinalalagyan ko. Huminga muna ako ng malalim. "Hello Dad..." "Girlfriend mo ba ang kasama mong 'yan?" pambungad niya. "D...dad-" "Layuan mo 'yan. May usapan tayo at ng kapatid mo. Ayokong pumasok ka muna sa ganyang bagay. Alam mo 'yan. Hanggang maaga pa hiwalayan mo na 'yan. Kung ayaw mong uramismo ako magbuwag sainyo. Hindi ako magdadalawang-isip. Mapapahiya kayong dalawa." "D..dad..." "Makinig ka Kevin. Sa panahon ngayon walang puwang ang pakikipagrelasyon lalo pa't maraming bagay kang aalalahanin at gusto ko ay doon lang ang focus mo. Madi-distract ka lang. I don't want to repeat myself." aniya at saka nawala sa linya ang aking ama. Ng tumingin ako kay Dad sa kinauupuan niya ay nakitang kong sinenyasan pa ako na parang sinasabing bawat galaw ko ay nakatingin siya. And I hate the fact that I'm always being a coward when it comes to him. Mas inaalala ko ang sasabihin niya. Malungkot... gusto kong maiyak ngunit hindi dapat ako magpakita ng kahinaan lalo na sa taong mahal ko. Kaya hangga't maari ngumiti ako. "Let's go home Hon... H..Hinahanap na ako sa bahay. Baka hinahanap ka na rin." sabi ko pilit kong pinanatili ang sigla ng boses ko. Lumabi siya at magpoprotesta ngunit sa huli ay sumang-ayon na rin. Masaya ko siyang hinatid sa Shoujo Elite kung saan ko siya sinundo. Hindi na ako nagpaalam sa mga kaibigan niya. Ang Shoujo Elite ay lugar na Cafe at tambayan ng girlfriend ko dahil pagmamay-ari 'yun ng ina ng kaibigan niya. Kung siya ay masaya. Ako naman ay lulong sa bigat ng damdamin at pag-iisip. Hindi mawaksi sa aking isipan ang sinabi ng aking ama. Masakit para sa akin at lalo para kay Michelle ang desisyong iisa ang kakahantungan. Ayoko man makipaghiwalay ngunit ayoko ring biguin ang isunumpa ko sa aking ama. Hindi ko namalayan tumulo na lang ang luha ko habang nagmamaneho pauwi sa amin. Ang sakit isipin nakakabobo masyado. Ang pagiging duwag ko ang pinakakaayaw ko sa pag-uugali ko. Dahil ito rin ang kahinaan ko. "I'm Sorry Michelle.... I'm really sorry hon......... Damn it!." End of flashback........... "Sino nga 'yun Kuya?!" matining na boses ng kaptid ko ang nakapagbalik ng diwa ko. "Ang tagal mo namang mag-isip. Kanina pa ako paulit-ulit. You're not giving attention from what I'm asking!" "Ilang beses ko ba sayo huwag kang sisigaw. Kung gusto mong sumigaw sa gitna ka ng kalsada." "Eh... Sino nga ang Ms. Sanchez na 'yan. At bakit sinabi ni kyle ikaw na lang tanungin ko!. Dati isang tanong ko lang kay Kyle sinasagot na niya hindi na kailangan na galing pa sa bibig mo. Nakakahalata na ako." napahalukipkip pa ang kapatid ko. Bumuntong-hininga na lang ako kaya naman isinilid ko ang mga papeles ko sa folder at inilagay 'yun sa briefcase ko. "Kuya tell me!!!!" "Ex-girlfriend ko! Oh! Ano masaya kana! Tumigil kana kakatanong. Ang sakit sa tenga ng boses mo!." pakasabi ko ay tinalikuran ko siya at pumikit na lang. "Oh my backbone!!! Totoo!!" sigaw niya pa. "Shut up!" at nagpanggap na matutulog. Hinintay kong mangulit siya ngunit wala. Sa wakas natahimik rin. "I am happy!" kinikilig niyang sabi. 'Saan parti ba ng sinabi ko ang nakakakilig...' Naiiling na lang ako at bumuga ng hangin. POV Michelle Nasa isang tahimik na sulok ako pumwesto, nakaupo at naghihintay sa ka-meeting ko. Nakalipas na ang limang minuto simula ng dumating ako, medyo napa-aga lang ng kunti ang dating ko. I slowly sipped my choco vanilla smoothie while looking at the glass door every time there's a person's come and go. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Meron pang tatlong minuto bago masentensyahan na late ang taong ime-meet ko. I even looked at my wristwatch. One minute before the three o' clock strike, an unannounced presence of a man appeared walking gracefully towards me imposing how good-looking he is. My heart run tripled in 1000 meter dash. Nagpawis bigla ang aking kamay kaya napahaplos ako ng palihim sa aking hapit na pantalon. Nakakunot-noo ako at halos magsalubong ang mga kilay. I put my best distasteful face. 'Letse ang gwapo pa rin!' "What brought you here?!" Agarang tanong ko ng tumigil siya sa tapat ko. Pilit kong nilabanan ang kaba ko. Inignora lang niya ang tanong ko. Without my permission he sat down across my table. Ngayon ko Lang napansin ang kasunod niyang lalaki na kilala ko rin. Pinukulan ko si Kyle ng nagtatakang tingin. Ngumiti lang siya sa akin. Wala rin akong nagawa kundi ngitian rin siya. "Good afternoon, Ms. Michelle.." bati ni Kyle. Tinanguan ko siya. "Good afternoon Kyle." Binaling ko ng tingin ang lalaki na prenteng nakaupo harap ko. "Excuse me but this table was reserved and already taken. If you may not know?" Sinubukan ko huwag mautal at pinanatiling mataray ang aking boses. "That is why I reserved this table and meet you here." kaswal niyang wika pagkuwa'y inabot ang kanang kamay. Napanganga lang ako sa sinabi niya at napatingin sa nakalahad na kamay. 'Friends ba kami? Bakit may paglahad pa ng kamay.' Hindi ko alam kung kakamayan siya o tatapikin ngunit sa huli ay kinamayan ko pa rin siya. 'This is the first I held his hand after we broke up!' Napapitlag ako ng magdantay ang mga palad namin lalo na ng marahan niyang pisilin ang malambot kong kamay kaya agad ko iyong binawi. Hindi ako makapagsalita kaya naman nagiwas ako ng tingin. Papaanong siya ang may-ari ng VGH Arts.? At sa tagal tagal ko ng stalker bakit ang isang bagay na ito ay wala sa impormasyon ko?! O sadyang nagfocus lang ako sa takbo ng lifestyle at lovelife niya. At hindi inalam pa ang iba. Hindi maalis ang salubong kong kilay at tanong sa aking isip. "Tch! Your gonna be kidding me?!" Mapakla na may halong singhal ang pagkakasabi ko 'nun. "Sad to say but it's not." Sabi niya walang anu-ano may inabot siyang bulaklak. Where did that tulip come from.? Nakita kong nakangiti si Kyle sa akin. It must be Kyle who brought it. Nag-aalangan akong tanggapin iyon. Tinitigan ko iyon ng ilang saglit. Pinag-iisipan. "At anong nakain mo bakit may bulaklak ka pang nalalaman?" Mataray pa rin kong sabi ngunit ng mapasulyap ako sa maamong mukha ni Kyle ay lumabi at lumungkot ang mukha niya. "This is his idea... It's okay if you don't want it. I'll just throw it away." Wika ni Kevin at binalingan ang disappointed na mukha ni Kyle. "Make sure to put this in the trash." Kinuha ni Kyle ang bulaklak sa amo niya pagkuwa'y nagsabi. "Roger that sir." Nahimigan ko ang malungkot niyang tugon. "Sayang naman nito. Marami pa namang flower shop ang pinuntahan ko para lang makakuha ng maganda at fresh na Tulip. Bibihira pa naman ang ganito. Mabango at mahal pa." Mahinang wika ni Kyle at alam kong ako ang pinariringgan niya. "Sige boss, nalulungkot ako para sa bulaklak na ito. Nai-ichapwera ng walang kamalay-malay at walang kalaban-laban." Pinapakonsyensya niya ba ako? dahil kung Oo ay talagang tinatablan at tinatawag ako ng aking konsensya. "Did I say I don't want that flower? Akin na nga 'yan!" Pa-asik kong sabi. Mabilis pa sa segundo na ibinigay sa akin ni Kyle ang bulaklak. Bumalik ang lawak na ngiti ni Kyle. "That flower must be happy now because it's in the hand of the rightful owner." Bago pa ako makareact binalingan na niya ang amo. "I'll wait in the car sir. Here's what you need." Inilapag niya sa mesa ang envelop. Saka nagpaalam sa demuho kong kaharap. Nagpaalam rin sa akin. Isang ngiti ang ginanti ko. Well at least wala namang nagawang kasalanan sa akin si Kyle. Kaya hindi siya kasali sa pag-iinarte ko. Nakaalis na si Kyle ngunit walang unang nagsalita sa aming dalawa. Parang mga kuliglig sa pandinig ko ang ingay ng paligid. His presence made me uneased. Inayos ko ang pagkakaupo. I crossed my arms around my chest. And made myself more dignified. My gazed was averted from him. Habang ito naman ay komportable ring nakaupo at nakatitig sa akin. Awkward man ang pakiramdam ko ngunit hindi ako nagpahalata. Tumawag si Kevin ng waitress. "What do you want to order?" Tanong ni Kevin ng ini-offer ng waitress ang menu sa kanya. "I had enough with my drinks." Sagot ko saka tipid na nginitian ang waitress ni hindi ko pinukolan ng tingin ang nagtanong. 'Paki ko!' Kibit-balikat lang rin ang tugon niy at nginitian rin ang waitress, ibinalik ang menu. "Espresso will be fine to me." Pasipling inipit ng waitress ang kaunting hibla ng buhok sa likod ng tenga at tila kinilig na sinunod ang utos ng hudyo. 'Maglalandi lang sa harap ko pa! Nice!' Mapait akong ngumiwi sa pagdisgusto. At hindi napigilin na umikot ang mga mata ko. He leaned his back on his seat then tossed his gaze to me. "I think let's get down to the business." "Iyan rin ang iniisip ko. The time is precious specially to those who are engaged on there priorities." Ewan ko pero mukhang nahimigan ko ang sariling hugot sa tadyang. Kaya napaabot ako ng aking inumin at sumipsip sa straw. Napapitlag at napapikit ako bigla dahil sa lamig. Tila ba naipasok sa freezer ang buong utak ko ng magdamag. Damn it! "Are you okay..." His voice was concerned. Tumango lang ako ngunit hindi ko pa rin magawang magmulat ng mata. Ipinilig ko ang aking ulo para mawala ang pagkamanhid ng utak ko ngunit nagkawsa lang iyon ng p*******t ng ulo. Bakit naman kasi nawala sa isip ko na napakalamig pala ng iniinom ko. Kung inaabutan ka talaga ng katangahan. Kunti na lang maa-unfroze na din ang utak ko. "Maybe we postpone this me-" "Hep! No.! I'm fine now. No need to postpone." Naimulat ko agad ang napakaganda niyang bilugang mata. "You sure?." Nag-alala niyang wika sa akin. "Yup. You don't need to be concern yourself. Kaya ko sarili ko." Mataray kong tugon. Hindi man nawala ang pag-alala sa mukha ay ipinagkibit-balikat na lang niya. Muli inayos ng lalaki ang kanyang sarili sa pagkakaupo. "So, shall we start to our meeting.?" "Yeah!" Inayos ko rin ang sarili ko. Binalewala ang nakakahiyang eksena. Mabuti na lang at hindi yung eksena kagabi dahil kung hindi mas lalong nakakahiyang. "So...where do we start.? Should I sign a new contract so that the previous one can be void? How about the money Are you giving me right away or do you need my bank account.?" Agad kong tanong. Mas mabilis mas mabuti. Ngunit may parti sa akin na sana tumagal kami sa lugar na iyon. Matagal na akong stalker nito. Matagal na rin ng magdate kami. Matagal na rin kami nagkaharap sa iisang mesa at kaming dalawa. Kaya naman ang dagundong ng kaba ay rinig at ramdam ko. Pati ang pagpapawis ng palad ko. 'Letse! Mamaya kana heart steady ka lang!' Natawa siya sa tanong ko at napailing. "Have you read that contract?" Itinuro niya ang envelop katabi ng aking inumin. I simply shrugged my shoulder as if it doesn't matter to me. "Do I have to read it? My father, he briefly telling me what's written in that contract. Fortunately, I quickly understood without looking or even reading. Ganyan ako kagaling ngayon." Nakita kong hinaplos niya ang baba at pasimpleng ngumingiti. Habang tutok na tutok ang tingin sa akin na para bang hinihintay ang susunod ko pang sasabihin. At ako naman ay pinipigilang mailang. Kaya sinalubong ko rin siya ng tinging naniningkit ang mga mata. "Since, i don't want to be burden in your life. Like you said before. You know a long time ago. " Pagpatuloy kong sabi pinagtibay ko ang sarili para hindi mautal sa harap niya. "Anyway napagisipan ko na rin naman ng mabuti bago ako pumunta rito. Na talagang willing akong ipagbili na ang share ko. Baka isipin mo makikipag-tag of war pa ako sa kakapiranggot na share ko sa kompanya mo. Then I don't have intention to mingle anymore in your vein. Such a nuisance for me. At tsaka hindi ko naman alam na ikaw pala ang CEO ng VGH Arts. Malay ko ba?!." "Because you don't care and you didn't bother yourself to looked at in that contract. I can't imagine you actually agreed and did signed. Impossibleng namang hindi mo alam ang tungkol dito. Are you playing being dumb between us because for me I'm not buying it?." he said ironically. 'Ano daw?! Dumb?! A..ako!?' "Me?!Playing dumb?! Seriously-" Sabay turo ko bigla sa sarili. At binigyan ko siya na bahaw na singhal. "-Hah! I wouldn't come here if I knew it was you. Pinagsasabi mo dyan! At tsaka papaanong may pirma ako sa kontrata wala akong matatandaan na may pinir-" natigilan ako sa pagsasalita habang nakakakunot-noong inilabas ko ang dokumento at tiningnan kung totoo ang sinasabi ng kaharap. "See it for yourself." Wika niya. Dagli ko siyang inirapan at saka ibinalik ang tuon sa papeles na hawak ko. Napamaang akong binubuklat isa-isa ang papel at sinipat ng mabuti ang bawat pirma madaanan ng mata ko. Malinaw! Ang stroke ng pirma ay akin nga! Dahil sa mapahanggang ngayon ay hindi na nagbago ang pirma ko. Papaano nangyari?Napakunot-noo na naman ako ng may maalala. It was my devastating days ten years ago, I was heartbroken back then and my life was no where to be found as my friends said. My family didn't noticed it since they didn't know my relationship with this jerk handsome man in front of me. Hindi ako nagkwento sa pamilya ko na may pinagdaanan ako noon. Dahil alam kong mapapagalitan lang ako. Itinago ko sa kanila at hanggang ngayon ang pagkakaalam nila no boyfriend since birth ako. Alam kong masama ang maglihim pero ayoko talagang mapagalitan. Bata pa ako noon kaya araw-araw akong pinapangaralan. Malaki ang tiwala rin nila sa akin. Kaya strikto man sila ay kadalasan nasusunod naman ang gusto ko. At pinapayagan nila ako sa ano man ang gustuhin. Ang tanging pakiusap lang nila sa akin huwag na muna ako magkakaroon ng boyfriend hangga't hindi pa ako nakapagtapos o kaya dapat nasa tamang edad na ako. Kaya hindi ko magawang ikwento at ipakita ang nararamdaman ko noon dahil natatakot ako sa mga sasabihin nila. Ayokong mapahiya at masumbatan, daragdag lang iyon ng sakit sa kalooban ko. Ang alaala kong pilitin ko mang kalimutan, ay hindi pa rin maalis-alis dahil tumatak iyon sa kaibuturan ng pagkatao ko. Flashback..... Kakarating ko lang ng bahay, pakatapos ng limang araw na pamamalagi ko sa isang bahay bakasyunan ng kaibigan ko. Kasama ang mga kaibigan ko nagbeach kami dahil iyon daw ang magandang paraan para makapag-unwind, move-on, at makalimot ng ilang saglit sa sumasakit kong puso. Subalit ano mang gawin ko ay hindi naging masaya ang buong araw ko na pamamalagi doon. Okupado ng alala ng lalaking mahal ko. Mahirap makalimot, masakit isipin na iiwan sa ere ang pagmamahal ko para sa kanya. Pilit man akong patawanin ng kaibigan ko ay hindi ko magawang ngumit at sumaya. Nababalot ang buong katauhan ko ng lungkot at sakit. "Hija.... Buti't andito kana. Tatawagan ko na sana ang telepono mo para ipaalam saiyo na pinapauwi kana ng Daddy mo." Wika ni Mama Sils ang taga-pagsilbi namin. "Ganoon po ba? Pakisabi po nandito na po ako. Thank you po." Pilit kong pinasigla ang aking boses ngunit Wala pa ring kagana-gana na mahihimigan. Mataman akong pinagmasdan niya. "Kung ganoon humayo kana sa taas at magbihis. Mukhang pagod na pagod ka. Ipagpaalam ko na lang sa ama mo na pagod ka." "Hindi na po. Magbibihis lang ako. Tell Dad na lang po that I am here. Baka pagalitan ako if hindi ako magpakita. Ga'yung pinapauwi na niya po ako." Nag-alalang tumingin si Mama Sils sa akin ngunit kalaunan ay sumang-ayon na rin. "O sige, ipaghahanda kita ng meryenda. Idadala ko na lang sa kwarto mo." "Kayo po ang bahala. Salamat Mama Sils." Ngumiti ako ngunit hindi iyon kasing sigla ng ngiti na nakasanayan ko ipakita sa kanya. "Sige, sige..." Yumakap muna siya sa akin bago gumayak papuntang kusina ng bahay. Ako naman ay lutang na umakyat ng hagdan papunta sa aking kwarto at walang shower shower basta na lang along bumihis. Hindi mabilis bagkus parang tamad na tamad akong gawin ang nakagawian ko para sa sarili. Wala akong pakialam! Nababalot ako ng kalungkutan. Naabutan ko si Daddy na may kausap sa opisina niya. Nakapwesto sa may couch. Kung hindi ako nagkakamali ay si Attorney Davis. Ang may baby-face na mukha kasing edad nito si Daddy ngunit mas bata ito tingnan. "Hi dad, sorry to disturb you. I just wanna show you myself. Kakarating ko lang po." Wika ko na pilit pinasigla ang boses. "Good your here. I need to talk to you with Attorney Davis. Come here, hija. Sit down." Inumwestra ni Daddy ang single sofa katabi niya. Kaya naman sumunod naman ako ngunit mahahalatang lutang ako. "You seems tired, hija. I heard from your Dad, your on vacation with your friends. How is it?" Tanong ni Attorney Davis sa akin. "It's unplanned vacation po. I... it's fine... Sort of." Wala kabuhay-buhay kong sagot ngunit ngunitian ko siya ng slight. "I see..." Hindi na siya nagusisa pa. "Anyway, your dad have something to tell you. My presence is to listen and be a witness and also as Attorney." Tumikhim ang si Daddy. Bago nagpanimula. "Pasensya na kung naistorbo ko ang bakasyon mo." "It's okay Dad. Nasaktuhan pauwi naman po ako. Ituloy niyo na po kung ano sasabihin niyo po." "I know you're exhausted but this is really important. Nakasalalay ang kinabukasan mo balang araw dito sa sasabihin ko. Alam ko namang kinukulit kitang mag-aral ng business administration. Ngayong darating pasukan siguraduhin mong 'yun ang kunin mong kurso." Hindi ako umimik at hindi rin tumatatak sa isip ko ang sinasabi niya. Tanging si Kevin ang nasa isip ko at ang nangyari sa amin. Sumasakit na rin ang ulo ko marahil sa kulang ng tulog at pagkain. Mag-iisang linggo na rin ng maghiwalay kami. Hindi ko alam kong hanggang kailan ako ganito. "And I want you to work in our company after you graduate in college but if you want to study again like your brother in abroad, much better." Nakaplano na pala. Subalit pakarinig ko sa kompanya na doon ako magtatrabaho ay tiningnan ko si Daddy ngunit hindi ko mawari kung ano ang itsura ko. Parang gusto ko magsalita ngunit walang lumalabas sa bibig ko. Hindi rin ako makapag-isip. "The reason why I been calling you. Because of this matter..." May ibinigay na envelop si attorney Davis kay Daddy. At inabot naman ni Daddy sa akin. Kinuha ko ang inabot niya subalit ang isa kong kamay ay napahawak sa sentido, kung kanina mild lang ang sakit ng ulo ko. Ngayon bigla yatang pinipiga na. "What is this dad?" "Buksan mo at basahin mo." Utos ni Daddy. Sinunod ko naman siya. Subalit binuklat-buklat ko lang ang pahina niyon. Pinasadahan lang ng mga mata ko, hindi magawang magbasa lalo pa't sumasakit ang ulo ko. "What can you say about it?. Are you willing to lend your share in the company to them?" Daddy asked me. "If you have your own condition, I can revise the contract." Singit naman ni Attorney Davis. Napahawak ako sa sentido ng tumindi ang sakit. Napapikit ako. "I don't care attorney. Just tell me what to do?." "Hija, you are not feeling well, ipagpaliban na muna natin ito." nag-aalalang wika ni Daddy. Pasimple akong bumuga ng hangin, kahit ano pa 'yan hindi talaga ako interesado lalo kung tungkol sa kompanya. Tutal nakaplano nanaman siya saka na ako kokontra kapag nasa tamang huwisyo na ako. "Dad, it's okay. I understand." Binalingan ko si Attorney Davis. "Ano po ang dapat kong gawin?" Saglit man akong tinitigan ng Attorney ay nakabawi naman agad. Bumaling ito kay Daddy. Subalit tinanguan lang ito ni Dad. Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Sigurado ka ba, hija?" "Yes, Attorney." "Okay, I will explain to you further so that you will understand." "No need Attorney. Just tell me what to do?" Nginitian ko siya kahit pilit. "Go on. Attorney. Matigas ang ulo ng isang ito." Singit ni Dad. Nakasimangot ako habang ang attorney ay ngumiti lang. "Sa tingin ko nga. Anyway, I just need your signature here.." Ipinakita niya kung saan dapat ako lumagda. "...here... and..here, then this contract will be valid and legal by all means." "Precisely." Inalahad ko ang kamay aking kamay pakatapos pumirma para kamayan siya. Nakikita ko ang pag-aalinlangan sa mukha ng Attorney. Dahil siguro sa agarang pagsang-ayon. Kaya naman nginitian ko siya. Partida sumasakit ang ulo ko n'yan. "Don't worry Attorney Davis. I will not do anything to breach the contract. And besides, only you and Dad can determine if I fail to fulfill my obligations under the contract. Mas mabuting hindi ko po masyado alam. Less problem, less stress." Pinaglipat-lipat ko ang tingin ko sa dalawa. Nanatili pa rin nakalahad ang kamay ko. Attorney Davis smile widely and took my hand to give me a handshake. Clearly, that this conversations well done. "So, clever." "But Daddy is much clever." Nginitian ko si Daddy. Ngunit prente lang nakaupo si Daddy at walang kangiti-ngiti sa labi. Nanatiling nakamasid lang siya sa akin. Ng wala akong makuhang reaksyon, pasimple ko na lang inalis ang tingin sa kanya. "I think, I have to rest. Para na kasing minamartilyo ang ulo ko sa sakit." Wika ko na tumindig na sa pagkaupo ko. "You really don't care at all. I was expecting that you will ask about the other parties and their presence. But.... Nevermind. Go, take a rest." Alam kong medyo disappointed si Dad dahil wala talaga akong pakialam basta may kinalaman sa kompanya. I don't know why?.... "Thank you Daddy and thank you Attorney Davis." Paalam ko saka ako nagdiresto na sa pintuan. Pinihit ko na ang seradura upang bumakas iyon. I give a side glance to my Dad and mutely uttered. "Sorry Dad." Tumango lang si Daddy. At bumuntong-hininga. Saka naman ako tuluyang lumabas, dumeretso sa kwarto at tinulugan ang binibiyak kong ulo hindi ko na rin pinansin ang inihaing pagkain na dinala ni Mama Sils sa aking kwarto. All I need is sleep and get this shitty headache and heartache away. ........End of flashback...... ::S.E 1::
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD