IT'S been three days since Clyde found out about Lorenzo being his brother. Nakakagago lang. Ang papel na hawak niya no'n ay DNA test ng tatay niya at ni Lorenzo. And it's f*cking 99.99 percent f*cking positive! Hindi na niya inalam kung paano nangyari ang bagay na 'yon dahil pakiramdam niya ay sasabog ang utak niya sa dami ng isiniwalat nito. Kaya naman nagpasya na siyang umalis at mabuti na lang at hindi na sila pinigilan nito. Simula ng araw na 'yon ay naging abala siya sa sunod-sunod na transaksyon nila. Mga mataas na kalidad ng baril, granada at mga sasakyan na dadalhin sa black market upang doon ibenta. Sumabay rin ang marami nilang bihag na ibebenta rin. Mabuti na lang at mula pa noon ay hindi pinahihintulutan ng organisasyon nila ang kumuha ng mga bata. Mas interesado sila sa mga

