KATHERINE
“Kailangan pa ba kitang utusan na halikan rin ako?” Tanong niya sa akin na alam kong may kasamang utos.
“Anong gagawin ko? Dapat ko bang sundin ang batang ito?” Tanong ko sa sarili.
“Kiss me back, please.”
Sh*t! May pa please pa siyang nalalaman pero mali ito. Hindi dapat ito nangyayari kaya naman mabilis ko siyang itinulak. Hindi dapat ako magpadala sa kanya. Hindi talaga dapat.
“Tumigil ka nga! Ate mo na ako, kaya please lang tumigil ka,” sabi ko sa kanya.
“Paano kung ayaw ko?”
“Bakit ka ba ganyan?” Tanong ko sa kanya.
“Bakit ako ganito? Dahil sa ‘yo,” sagot niya sa akin.
“Ha? Bakit?”
“Ilang taon ka na ba?” tanong niya sa akin.
“42 na ako,” sagot ko sa kanya.
“42 ka na pero manhid ka pa rin,” sabi niya sa akin kaya mas lalo akong naguluhan sa kanya.
Hindi ko kasi talaga alam kung ano ba ang tinutukoy ng batang ito.
“Ano ba ang ibig mong sabih–”
Nagulat ako dahil muli na naman niya akong hinalikan sa labi na dahilan para manlaki na naman ang mga mata ko. Ano ba talaga ang ginagawa niya? Bakit naman niya ako hinahalikan? Bakit?
“Kiss me back, please.” sabi niya kaya hindi ko alam dahil parang may sariling isip itong labi ko para tumugon sa halik niya sa akin.
Ang gaan ng halik niya. Kakaiba na para bang may ibang ibig sabihin na hindi ko mawari. Hindi ko alam kung ano ba itong ginagawa niya sa akin. Ang gaan ng paraan ng halik niya hindi ko alam pero may kung anong damdamin ang nararamdaman ko na dahilan para pumatak ang luha ko.
“Why are you crying?” tanong niya sa akin at bigla na lang siyang tumigil.
“Mali ito, hindi mo dapat ito ginagawa.”
“Walang mali sa ginagawa natin,” sabi niya sa akin.
“Hindi mo alam kung anong klaseng babae ako. Marumi ako, maruming babae ako, Lauren. Kaya maghanap ka na lang ng iba,” sabi ko sa kanya para naman alam niya at para layuan niya ako.
“Kung iniisip mo na lalayuan kita dahil sa nakaraan mo ay hindi ‘yun mangyayari. Ngayon lang ako naging interesado sa isang babae, Katherine,” sabi niya sa akin.
“Wala kang aasahan sa akin,” sabi ko sa kanya.
“Can I court you?” tanong niya bigla sa akin.
“No, hindi ako payag. Ayaw ko na maging kahihiyan ako sa pamilya mo. Matanda na ako, separated at higit sa lahat ay hindi ako matinong babae–”
“Lahat naman ng ‘yon ay sa nakaraan na. Kaya bakit kailangan mo pang balikan?”
“Dahil ‘yon ang parusa sa akin. Parusa sa lahat ng kasamaan na ginawa ko noon. Kaya ‘wag ka ng–”
“Papatunayan ko sa ‘yo na seryoso ako,” sabi niya sa akin.
“Laure, makinig ka sa akin. Walang patutunguhan itong gusto mo dahil–”
“Dahil mahal mo pa ang ex mo? Okay lang, okay lang sa akin kung mahal mo pa siya. Walang problema sa akin dahil sisiguraduhin ko na sa akin rin ang bagsak mo. Wala akong pakialam sa agwat ng edad nating dalawa, kahit pa maging ka-edad mo ang mommy ko ay wala akong pakialam,” sabi niya sa akin at lumabas siya ng nakatapis lang ng towel.
Ako naman ang hindi makapaniwala sa lalaking ‘yon. Umaasa ako na aalis na siya kaya naman umupo na lang ako para kumain na dahil nagugutom na ako. Pero nagulat ako dahil bigla na lang siyang bumalik na dala ang mga damit niya.
“Mataas ang tubig sa daan kaya dito na lang muna ako,” sabi niya sa akin.
Tama naman siya. Baha talaga ngayon sa mga kalsada. Hindi ko rin naman alam kung saan ba siya nakatira. Pero mas mabuti na manatili na lang muna siya dito para safe.
“Kumain na tayo,” sabi ko na lang.
Nagbihis siya at talagang sa harap ko pa talaga. Alam ko naman na maganda ang katawan niya pero hindi naman niya ito kailangan na gawin. Babae pa rin ako kahit pa matanda na ako ay masasabi ko na bigla akong humanga sa abs niya tapos ang hot niya. Wala pa yatang balak na magsuot ng t-shirt ang bata na ito.
“Enjoying the view, ate?” nakangisi na tanong niya sa akin.
“Ate?” tanong ko sa sarili ko.
“Sabi mo ang bata ko para sa ‘yo kaya simula ngayon ay ate na kita,” sabi niya pa sa akin na para bang alam niya ang nasa isipan ko ngayon.
“Tama ka, dapat ay ate ang tawag mo sa akin,” sabi ko sa kanya.
“Ang swerte ko naman dahil ang ganda ng ate ko,” sabi niya kaya bigla na lang uminit ang pisngi ko.
“Kumain ka na lang d’yan,” sabi ko sa kanya.
“Okay po, ate ko. Kain na tayo,” nakangiti na sabi niya.
Ako naman ang nanibago sa lalaking ito dahil nakangiti siya. Normally kasi ay nakasimangot siya o di kaya ay nakakunot ang noo niya dahil ang seryoso niya lagi pero iba ngayon dahil nakangiti na siya.
Iba rin talaga ang trip ng batang ito.
“Gwapo ba ako, ate?”
“Bakit mo tinatanong?” tanong ko sa kanya.
“Gusto ko lang malaman,” sagot niya sa akin.
“Sakto lang,” sagot ko sa kanya.
“Anong sakto lang?”
“Normal lang, tulad lang rin sa iba,” sagot ko sa kanya.
“Really?”
“Nagtatanong ka tapos kapag sinagot ka ay parang ayaw mo naman tanggapin ang sagot ko,” sabi ko sa kanya.
“Kasi marami ang nagsasabi na gwapo ako tapos ikaw normal lang–”
“Sa 42 years ko sa mundong ito ay marami na akong nakilala na gwapo kaya anong inaasahan mo sa akin?” sabi ko sa kanya at pinagdidiinan ko pa ang edad ko para maniwala siya sa akin.
Baka kasi kapag sinabi ko na gwapo siya ay baka bigla na lang siyang umasa. Aayaw ko talaga na umaasa siya. Aaminin ko na nagustuhan ko ang halik niya pero hanggang doon na lang ‘yon. Hindi na ‘yon mauulit pang muli dahil alam ko na hindi ko dapat hayaan ang sarili ko na mahulog sa mas bata sa akin.
Masyadong nakakahiya kapag nalaman ng iba na pumatol ako sa mas bata pa sa akin. Alam ko na marami pa siyang makikilalang mga babae at hindi ako ‘yon. Hindi ako ang para sa kanya.
“Sorry, Lauren pero hanap ka na lang ng ka-edad mo,” saad ko sa sarili habang nakatingin ako sa kanya na ngayon ay kumakain. Biglang nagtagpo ang mga mata namin pero ako ang unang umiwas.