Kabanata 2

1600 Words
Unti-unti kong minulat ang mata kong tila hinihila pa ng antok ngunit pinigilan ko ang pagpikit nito at saglit na in-adjust ang nanlalabo kong paningin. Bumungad sa akin ang isang dim na paligid at mataas na ceiling. "Agent Eighteen? Can you hear me?" "Agent Eighteen! Agent Eighteen!" Napangiwi ako sa malalakas na sigaw ng aking mga kasama sa kabilang linya kaya hindi ko maiwasang mapahawak sa aking kanang tenga kung saan naroon ang isang audio speaker sa aking pinakamaliit na hikaw. Magsasalita na sana ako ng mapahinto ako sa isang malalim at malamig na tinig na nagsalita. "Anong masakit?" Nalingon ko ang nagsalita at napahinto sa kakaibang awra na ibinibigay nito sa akin. Naka-dekwatro ito habang nagbabasa ng isang makapal na libro na hindi man lang tumitingin sa akin. Katamtaman lang ang laki ng katawan nito ngunit nakikitaan ko ito ng kakaibang lakas at awra na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. Napapitlag ako ng isinara nito ang libro at tumingin sa akin ng diretso. Malamig at walang emosyon ang mga mata nito na nakatingin sa akin kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkabahala. "Let me ask you again. Ano ang masakit?" Halos manginig ang kamay ko dahil sa kanyang mabigat na awra kaya agad kong tinago sa ilalim ng aking kumot ang kamay ko upang pakalmahin. "W-Wala. N-Nasaan ako?" Nauutal kong wika at iniwas ang tingin upang mabawasan ang kaba sa dibdib ko. Who is this man? Bakit binibigyan ako nito ng nakakatakot na awra? Muli ko itong nilingon ng may mapagtanto ako at mahinang nakagat ang labi. Teka! Huwag mong sabihin na siya ang boss ng Black Spades? Tumayo ito at nakapamulsang lumapit sa hinihigaan ko. "You are in my room, Miss." Inikot ko ang paningin ko sa sinabi nito at halos mamangha ako sa linis at ganda ng kwarto nito. Gaya ng sinabi ko kanina ay dim lamang ang ilaw na ito kaya hindi ganun kasakit sa mata ang ilaw, ang paligid naman ng kanyang kwarto ay may halong puti at itim ang pintura. Wala rin itong gaanong gamit sa kanyang kwarto maliban sa mga painting na nakasabit. Sinubukan kong tumayo nang maramdaman ko ang hapdi sa aking tagiliran kaya napapikit ako ng mariin dahil sa sakit. Naalala ko tuloy kung paano ako saksakin ng dalawang miyembro ng Black Clover kahapon. May araw rin ang mga iyon sa akin. "Ilang oras akong tulog rito?" Pagtanong ko muli at tinignan ito na hindi pa rin pala inaalis ang tingin sa akin. Bahagya itong ngumisi sa akin na ikinataka ko. "You are asleep for three days. Now, let me ask you. Who are you?" Mariin na tanong nito sa akin kaya hindi agad ako nakasagot. "My name is Eighteen," Diretsong sagot ko at tinignan ang reaksyon nito ngunit wala akong nakita na kakaiba. "I already know your name. Ang gusto kong malaman ay kung sino ka talaga?" Unti-unting sinakop ng kaba ang dibdib ko dahil sa tanong nito sa akin. Did he background check me already? Palpak na ba ang plano ko? "Why are you calm despite facing me?" "Bakit, isa ka bang killer o gangster para katakutan ko?" Sagot ko na pabalang upang hindi nito maramdaman ang kaba ko kaya hindi nito maiwasan kumunot ang noo. "I mean, you look normal to me, sir." Hindi ito umimik sa sinabi ko kaya tumahimik na lang ako. Tumunog ang tiyan ko bigla kaya napayuko na lang ako at napapikit dahil ngayon pa talaga ako nakaramdam ng gutom. "I bet you’re hungry already. Let’s go," Wika nito sa malamig na tono at nagpatiunang lumakad papunta sa pintuan. Tumayo ako kahit na hirap na hirap ako dahil bukod sa masakit ang buong katawan ko ay nararamdaman ko na talaga ang gutom. Sumunod ako rito ng tahimik at alertong nagmasid ng palihim sa bawat sulok na nilalakaran namin. Halos nalibot na ng mata ko ang bawat sulok ng malaki nitong bahay ngunit nakaka-frustrate na wala man lang akong makitang kakaiba na maaaring makatulong sa akin. “It seems like you are used to be in a stranger’s place. Hindi ka man lang ba matatakot na isang estrangero ang kasama mo sa buong tatlong araw?” Napalunok ako sa tanong nito sa kalmadong tono habang hindi man lang tumitingin sa akin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Sa buong buhay ko bilang isang agent ay bibihira lang ako makaramdam ng kaba at takot. Masasabi kong itong undercover ko ay ang pinaka nagbibigay sa akin ngayon ng takot at kaba. This is insane! Is it because I am finally inside the biggest and the most dangerous mafia’s lair? “I can feel that you are a good person. Dahil kung masama kang tao, I bet my friends would be bawling their eyes in my cold body right now,” Wika ko na kahit sinong makakarinig ay iisipin na may punto ang sinabi ko. Napatigil ako sa paghakbang sa hagdan ng bigla itong huminto at hindi ko alam kung bakit ngunit agad rin itong nagtuloy-tuloy sa pagbaba at hindi na muling nagsalita. Masasabi ko na para ba akong nasa isang palasyo sa sobrang laki at lawak ng mansyon nito. Sa kabila ng laki nito ay halos bilang lamang ang nakikita ko rito sa loob at ito ay mga tagapag-silbi pa. Ang mga ito ay nakayuko lamang at hindi man lang tumitingin sa amin at naiintindihan ko naman ang mga ito. Who would dare look at the mafia’s boss who killed a lot of people? Pagdating namin sa mahabang lamesa ay natakam ako sa mga nakahaing mga iba’t-ibang klase ng pagkain. I usually don’t eat a lot with a strangers, except Grey pero dahil ang iba ang sitwasyon ko ngayon, I need to bring back my energy by eating a lot of foods today. Tahimik akong umupo at sinimulan ang pagkain. Hindi ko inalala na may kasama akong isang delikadong tao dahil sa sobrang gutom ko. Habang kumakain ay marami na rin ang pumapasok sa isip ko. Ano na ang susunod kong hakbang? Papaalisin na kaya ako nito? Hindi ba ito magtatanong tungkol sa akin? Natapos ang pagkain namin ng walang nagsasalita. Kahit naman may pagkamatapang ako, hindi ko gustong makipag-usap agad sa mafia boss na ito dahil kailangan kong pag-isipan lahat ng sasabihin at magiging aksyon ko. Hindi naman ako natatakot kung sakaling nakita na nga nito ang personal information ko dahil noon pa man ay may peke na kaming identity na palagi namin ginagamit. Ang pinagkaiba lang ay palagi kong gamit ang pangalan ko at ang code name ko na Eighteen dahil wala naman akong totoong pangalan talaga. Lumipas ang ilang oras ay inimbitahan ako nito sa kanyang malawak na hardin upang kausapin. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang sabihin basta ang kailangan ko ay maging handa. Agad akong lumapit rito nang makita ko itong nakaupo at naka de kwatro sa isang puting bakal na upuan habang malayo ang tanaw. “Bakit mo ako pinatawag?” Tanong ko rito na para bang kaibigan ko lamang ito kung kausapin. Hindi ito lumingon pero nagsalita ito na walang emosyon. “The night you were stabbed, do you remember the people who did that to you?” Lumingon ito sa akin na wala man lang kahit anong bakas ng emosyon sa kanyang mata. Bigla akong napaisip sa tanong nito at inalala ang nangyari. Ano nga ba ang nangyari sa akin that time? Katulad nga ng aming plano, kailangan kong mapalapit sa grupo ng Black Spades na hindi man lang sila maghihinala sa katauhan ko. Ang plano dapat ay gagawa lang kami ng fake blood sa katawan ko at humingi ng tulong sa kanila pero biglang sumulpot ang Black Clover ng mas maaga sa usapan ng Black Spades. Dahil doon ay ginawa ko iyong pagkakataon para maging totoo ang fake blood na plano namin. My members strongly opposed my plan pero kailangan kong mag take ng risk. I approached one member of Black Clover by asking the right way pero that pervert harassed me. Sinuntok ko ito sa mukha pero I let him stabbed me para magawa ko ang plano ko at doon ko na ginawa ang misyon ko. Iniwas ko ang aking tingin at kalmadong sumagot. “I don’t remember them clearly but one thing’s for sure, they look like gangsters wearing black shirts and white handkerchiefs na nakatakip sa kanilang bandang bibig,” Pag-amin ko rito na tinanguan niya. What I said is actually true. They have a unique way of hiding their identity. “Do you see a black clover on their handkerchief?” Tanong nito kaya kunwaring napaisip ako. Bilang isang agent, trabaho ko ang maging suspicious at maging observer sa bawat paligid ko kaya I wouldn’t miss that logo of their group. “Ahh—Oo! Meron akong nakita na black clover sa pantakip nila!” Wika ko na tila ba naalala ang sinabi nito. Tumango lang ito at hindi umimik. Maya-maya lang ay tumayo ito at lumapit sa akin na nakapamulsa. “Do you want to know what happened to them?” He asked while looking at me with his dangerous eyes. Napalunok ako dahil totoo ang nararamdaman kong takot sa ibinibigay nitong titig sa akin. Nararamdaman ko ang pagpawis ng palad ko at ang lamig nito. Hindi pa ako nakakasagot nang magsalita muli ito na nagpatigil sa aking paghinga ng husto. My head started to feel numb as I can see his cold smirk towards me. I’ve met psychos, killers, druggies and even like him—mafias before but I’ve never felt this fear before. “They are all killed and beheaded by me,” and he smiled innocently.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD