Kabanata 4

1027 Words
Agad itong nakabawi sa pagkakasampal at halos maubusan na ako ng hininga nang mabilis itong makalapit sa akin na may namumulang mukha at mata. Mariin ako nitong hinawakan sa panga at ngumisi. “In case you don’t really know whom you slapped, I’ll introduce myself to you. I am the leader of the known mafia group called Black Spades. You dare hurt me? Then, I will make your life a living hell and you will never escaped from me because I am Death.” Nanindig ang balahibo ko nang marinig ko ang malamig at malalim nitong boses. Tila nanuyo ang lalamunan ko sa kakaibang awra na ibinibigay nito sa akin. Halos hindi rin ako makagalaw sa aking kinatatayuan na para bang tinakasan ako ng tapang na hindi ko naman naramdaman noon. Sino ba talaga ang taong ito? Bakit ako nagkakaganito dahil lang sa kanya? Mariin nitong binitawan ang panga ko na halos mamanhid na dahil sa sobrang diin ng hawak nito kanina. Ngumisi ito sa akin ng nakakatakot na tila ba binabantaan ako nito. “You are being spared today because I am not in the mood to kill someone but if you made me really mad again, remember that you’ll taste your own death.” Pag-iwan nito nang salita habang nakangisi ngunit hindi pa rin makikitaan ng emosyon. Nang tumalikod ito ay sinamaan ko ito agad ng tingin sa sobrang inis. A maid passed by on us at hindi sinasadyang napatingin ito sa amin na siyang ikinalaki ng mata niya at agad yumuko na may nanginginig na kamay. Paalis na sana ito nang biglang magsalita ang lalaki na nagpahinto sa kanya sa sobrang takot. “How dare a mere maid look at us? Take her in my death’s den.” Nakita ko kung paano manlaki ang mata ng babae at kung paano namutla ng todo ang muha nito sa narinig. Agad itong lumuhod at nanginginig na nakiusap sa lalaking nagpakilalang Death. “M-Maawa po kayo sa akin, sir Death! H-Hindi ko po sinasadyang matignan kayo! Please spare my life, sir!” Halos maglumpasay na ito sa makintab na sahig upang patawarin lang ito ng lalaki ngunit walang puso itong naglakad paalis at hinayaang hilain ang maid ng mga tauhan niya at ipunta kung saan man niya ito ipupunta. Halos madurog ang puso ko nang makita ko kung paano kaladkarin ng mga lalaki ang maid na akala mo ay isang sako lang ito. Nakagat ko na lang ang labi ko dahil unti-unti kong narinig ang paglayo ng boses ng maid na tila ba nakalayo na ito sa mga gangster na nagbabantay. Nakuyom ko ang kamao ko nang makita itong prenteng naglakad paalis ngunit napabuga na lang ako ng hangin dahil wala naman akong magagawa dahil sa kalagayan ko ngayon at dahil may misyon rin akong kailangan tapusin. Naglakad ako sa malawak na area para sa mga bisita kung saan ko nahulog ang hikaw na suot ko kanina. Yumuko ako at inikot ang aking mata sa bawat sulok ng dingding at sa mga ilalim ng malalaking sofa para hanapin ang hikaw na isa sa paraan para makausap ko ang mga team mates ko ngunit kahit anong halughog ko sa buong lugar ay hindi ko ito mahanap. “Nandito lang dapat yun eh!” Naiinis na singhal ko habang patuloy na nililibot ng mariin ng aking paningin ang guest area. “Kailangan mo ng bumalik sa kwarto mo,” Pagwika ng isang guard na hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala sa puwesto ko. Peke akong ngumiti rito at kumamot sa aking ulo at nagsalita. “Sir, baka puwede niyo po akong tulungan hanapin yung hikaw ko? Importante po kasi sa akin yun eh,” Pakiusap ko sa lalaki na may malamig na tingin sa akin. Saglit kong pinasadahan ng tingin ito at napansin ang napakaraming tattoo sa kanyang malaking katawan. I think it was the Black Spades group symbol na palantandaan na sila ay kabilang sa grupo ni Death. “Wala akong pakialam sa hikaw mo. Bumalik ka na sa kwarto mo dahil yun ang utos sa akin ni Death.” Pagkatapos niyang magsalita sa pinakamalamig na ekspresyon ay tinulak-tulak ako nito na sa tingin ko ay pinapapunta na niya ako sa taas. Napapikit na lang ako ng mariin at sinunod ang utos nito. Bagsak ang balikat ko na umakyat at pumasok sa aking kwarto. “That jerk! Kasalanan niya talaga kung bakit nawala yung hikaw ko eh!” Inis kong saad at nagpapadyak sa poob ng aking kwarto. Nagpabalik-balik ako sa paglalakad sa aking kwarto upang mag-isip ng paraan kung paano ako makikipag-usap sa mga kasamahan ko. Maya-maya lang ay napahinto ako sa ginagawa ko nang maalala na nandito pa pala ang isang hikaw sa kaliwa kong tenga kung saan we also inserted a small spy camera. Umupo ako sa higaan at nagmamadaling naghanap ng panulat at masusulatan ngunit napasabunot na lang ako sa aking sarili nang makitang napakalinis ng kwarto ni Death. I shouldn’t expect him to be a bright man na maraming makikitang interesting sa kanyang mga gamit. Ano ba ang aasahan ko sa cold at merciless na lalaking iyon? Kitang-kita sa kalinisan niya sa kanyang kwarto kung paano siya maglinis ng lugar na kanyang pinagpatayan ng mga biktima niya. “What a way to piss me more!” I shouted in annoyance. Nagtagal ako roon ng ilang oras dahil hindi naman ako makakalabas dahil bantay-sarado ako nung guard kanina na malaki ang katawan. At dahil wala naman akong magawa ay humiga na lang ako sa malambot na kama ni Death at natulog. Kinagabihan ay ginising ako ng guard na para bang isa akong masamang tao dahil sa paraan ng paggising nito sa akin. I fell down in my bed when that rude jerk pulled the comforter that I was using to cover my body. “What the heck?! ang sakit!” Pagdaing ko at hinawakan ang aking likod na tumama ng malakas sa sahig. Tinignan ko ng masama ang damuhong guard na kanina pa ako ginagalit ngunit tila ba walang epekto ang masama kong tingin sa kanya. Bukod sa Death na iyon, itong damuhong ito ang isusunod kong patutumbahin at nang makaganti!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD