"Tulog pa rin ba si Xanthe?” Usisa ni Thirdy kay Brandon nang lumabas ito. Kasunod naman si Faye na hihikab-hikab pa na lumabas. “Tulog pa siguro, kasi kung gising na yun eh di sana lumabas na siya ng room niya.” Ani ni Brandon sabay upo sa leather na sofa. “Nakakapagtaka, tanghali na pero tulog pa siya?” Nagdududang tanong ni Thirdy na ikinatingin din sa kanya ng dalawa. Kaya nagpalipat-lipat ng sulyapan ang tatlo hangang sa mabilis na pumasok sa loob si Faye at sumunod naman ang dalawa. “Ate? Ate Xan? Gising ka na ba?” Katok ni Faye sa pinto. Pero naka-locked ito. “Ms. Xanthe? Ms. Xanthe?” katok at tawag din ni Thirdy pero wala pa ding nagbubukas ng pinto. “Thirdy! Alis diyan!” Hawi ni Faye sa kanya at malakas na sin!pa ang pinto. Laglag ang tuka ni Brandon nang bumukas ito. “Ate

