Thirdy, hindi pa kita natanong kanina. Kumusta ang mga sugat ng asawa ko? Nag-aalala kasi akong baka masakit pa rin ito.” usisa ni Westley nang lapitan niya ito sa deck ng sinasakyan nilang barko. Binaba ni Thirdy ang suot niyang eyeglasses at bumaling sa kaibigan. “Pasalamat ka hindi normal na babae ang asawa mo. Bilib ako sa pain tolerance niya. Mukhang sanay na siyang makaramdam nito. Imagine halos tumagos na ang latay sa kanyang mga buto pero nagagawa pa rin niya ang maglakad na parang walang iniindang sakit?” Naiiling na sabi ni Thirdy sa kanya. Napakuyom si Westley sa narinig. Halos mabasag niya ang wine glass na hawak niya. Sinisisi niya ang kanyang sarili kaya nakuha nilang muli si Xanthe. Kung hindi niya ito iniwan sa isla hindi sana ito makukuha ni Deo at hindi sana nito dadan

