King Spencer Hindi ko akalaing gano'n ang maririnig kong usapan sa pagitan nina Scarlett at ng aking kapatid. Bakit naman kaya pinahintulutan niya sina Scarlett at Krymo? Ngayon pang higit na kailangan ng tapat ng tagapaglingkod ng Haleia. Hindi maaaring mabawasan ng kasapi dahil kapakanan ng lahat ang nakasalalay. Hindi ako makapapayag. Hinintay ko na matapos sila sa pag-uusap dahil nais kong ipabatid sa aking kapatid ang hindi ko pagsang-ayon sa kasunduan nila ni Scarlet. Maya-maya lang ay dumaan na ang aking kapatid kaya naman agad akong lumapit sa likod niya. "Maaari ba tayong mag-usap?" tanong ko dahilan para ito ay tumigil sa paglalakad at humarap. Tumango ito KASALUKUYAN kaming naririto sa loob ng silid bakantaneg silid kung saan walang makaririnig sa aming dalawa. "Narinig

