King Dylan Nang bitawan ko si Alucio ay agad siyang naglaho. Hanggang sa mapagpasiyahan kong magtungo sa Rafas para hanapin si Inang Bataluman. Nagdaan ang oras na paghahanap ay muli akong nabigo dahil wala ito sa kahit saang sulok. Maging ang mga nilalang doon ay walang alam kung na saan nga ba siya. Nang makabalik ako sa Kaharian ay agad akong sinalubong ni Spencer. KASALUKUYAN akong nakatayo sa harap ng mga kristal at binhi. Hindi ako na 'ko makapaghintay na mabuksan ang mga ito. Alam kong ito na ang magsisilbing solusiyon sa lahat ng mga katanungang hindi ko masagot at maging si Inang Bathaluman. Muling nagawi ang tingin ko sa kwintas na ngayon ay payapa't hindi kumikislap. Bakit nga ba kapag nariyan si Samara ay kumikislap ito ngunit kapag wala siya'y wala ring ilaw na kumikislap

