Scarlett Isang lalaking matipuno ang sumunggab ng yakap sa 'kin at hanggang ngayon ay nanatili kami sa aming posisiyon. Ang linyang sinabi niya kanina ay hindi ko maunawaan. Hindi ko siya kilala ngunit ang yakap at presesniya niya'y napakagaan damhin. Para bang minsan na kaming nagkasama sa hindi matukoy na panahon. Ilang sandali pa'y bumitaw din siya at humarap sa 'kin. "Scarlett, do you still remember me?" he asked. "I am Krymo, the love of your life." may kung anong kirot akong naramdaman nang banggitin niya ang kaniyang ngalan. "I can't remember you but my heart does," isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. "Buong akala ko'y hindi na kita matatagapuan. Nililipad ko ang ere araw at gabi mahanap ka lamang, Scarlett. Ilang daang taon na ang nakalipas ngunit hanggang nga

