King Dylan Hindi pamilyar ang nilalang na binanggit ni Inang Bathaluman. Ilang minuto niyang ikinuwento sa 'min ang nangyari sa Bizaer at hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Buong akala ko'y kapayapaan ang sasalubong sa amin sa oras na matapos ang Ikatlong Propesiya. Ngunit nagkamali ako dahil isang panibagong delubyo na naman ang parating at matindi pa sa kapangyarihan ni Federico. Ipinakita sa 'min ni Inang Bathaluman ang mga pangyayari kanina sa tulong ng kaniyang Ginintuang Maskara. Doon ay natunghayan namin kung paano pinakikitaan ng motibo ni Inang Bathaluman si Vladymir para lamang masabi nito ang tunay niyang pakay. Totoo nga ang sinabi ni Inang Bathaluman dahil ang mga mata nito ay hindi pangkaraniwan. Kung tititigan ang kaniyang mata ay para bang isan

