I dedicate this chapter to byeolshiiii! Thank you sa suggestion mo bb! Naappreciate ko sobra! I love youuu! ----------- Kabanata 20 Plano "Ano? Sasabihin na ba natin kina Mama?" aligagang tanong ni Carrick nang makabalik kami sa aming kwarto. Natawa ako sa inakto niya. "Kalmahan mo lang okay? It can wait, hintayin nalang natin na makabalik sila dito," sabi ko at naupo na sa kama. Tumabi naman siya sa akin. Inilagay niya ang kanyang palad sa ibabaw ng aking tyan. Dahan dahan niya 'yong hinaplos. "I can't wait to see her." Her? So expected na niyang babae ng anak namin gano'n? Kunot-noo ko siyang binalingan. "Her? So babae ang gusto mo?" Nakangiti siyang tumitig sa akin. "Oo, tapos kamukha mo." Ngumuso ako. "Baliktad tayo, gusto ko kasi lalaki ang panganay natin tapos kamukha mo."

