Kabanata 17

3226 Words
Kabanata 17 Buntis "You're my wife," sabi niya, mas malinaw kumpara kanina. Nandito kami ngayon sa may labas. Umalis kaagad ako sa hapag matapos kumain dahil nainis ako bigla kay Carrick, pero ang loko, talagang sinundan pa ako hanggang dito. Nilingon ko siya at nginiwian. "Oh c'mon, I don't have time for your jokes Carrick." "Carrick huh? What happened to baby?" nakangisi niyang tanong, hindi ko inaasahan. "Will you stop that?" Hindi ko na napigilang magsungit. Biglang sumeryoso ang kanyang mukha. "I'm not joking." Sarkastiko akong natawa. "How can I be your wife? Eh hindi ko naman matandaan na ikinasal ako sa 'yo." "You're married to me," mariin niyang sinabi. Napakalakas naman ng apog niyang sabihin 'yon? Talaga bang wala na siyang natitirang hiya sa katawan? "Okay. Whatever," sagot ko, I almost rolled my eyes! Sandali kaming natahimik, tila nagpapakiramdaman. "Carrick, narito ka lang pal—" Naputol ang sasabihin ni Gab nang makita ako. "Ah, aalis nalang muna ako," paalam niya. "No, stay..." ani Carrick na ikinagulat ko. "Anong sadya mo?" tanong niya. "May naghahanap kasi sa 'yo sa farm," sagot naman ng aking pinsan. Sumulyap muna sa akin si Carrick bago ibinalik ang paningin kay Gab. "Who?" "Si Joaquin daw." "Joaquin is a friend of mine," sabi niya na nasa akin na ang paningin. "E, di puntahan mo na, don't make him wait," sabi ko at sinenyasan siyang sumama na kay Gab. "Okay, see you later," paalam niya saka tuluyang sumama sa aking pinsan. Nang makaalis sila ay pumasok na rin ako sa loob. Umakyat ako at bumalik doon sa kwarto na tinutuluyan namin ng aking kaibigan. "Anong eksena 'yon?" tanong kaagad ni Via nang makapasok ako sa aming silid. "Aba malay ko sa kanya, napakalakas naman ng apog niya!" inis kong bulalas. Natawa siya sa inakto ko. "Siya pala si Carrick hmm? Gwapo!" Siniringan ko si Via. "Gwapo nga, pangit naman ang ugali." "Pangit? Eh para nga akong nanonood ng romance movie kanina," aniya habang may nakakalokong ngiti. Nanunukso. Inirapan ko siya. "Tigilan mo ako Via, kung ano mang mayroon kami, matagal ng tapos 'yon." "Sus! Pero hindi nga, ikaw ba 'yong asawang tinutukoy niya?" tanong niya na naman. Gosh! Naniniwala siya kay Carrick? Really? "No!" maagap kong sagot. Hindi naman kasi talaga! There's no way na kasal ako sa kanya! Kasal kasalan pwede pa, pero hindi 'yon legit at registered. "Nako nako, siguruduhin mo lang, kawawa si Kenjie," aniya at itinuro 'yong singsing na suot suot ko. Nangunot na naman ang noo ko. Nagsisimula na naman siya! "Wala naman kaming relasyon ni Kenjie," tanggi ko. Tinaasan niya ako ng kilay pero tumango rin pagkatapos. Parang hindi na naman naniniwala! Naupo siya sa tabi ko. "Ang haba naman ng buhok mo Bella," aniya at hinaplos pa ang buhok ko. "Dalawang gwapong nilalang ang may gusto sa 'yo, teka dalawa nga lang ba? Feel ko tatlo o apat e." Bahagya akong lumayo sa kanya. "Tigilan mo ako, naiinis na ako." Tatawa-tawa niya akong tinignan. Nang maburyo sa loob ng kwarto ay niyaya ko nalang si Via na magswimming sa pool. Suot ko 'yong black two piece ko habang siya naman ay puting one piece ang suot. Nagpatagalan kami sa paglubog sa ilalim ng tubig. Naputol lang ang pagsasaya namin nang mamataan si Carrick sa hindi kalayuan, pinapanood kami—no ako lang pala. Inirapan ko siya at pinagpatuloy nalang ang paglubog. Nang huminto kami ay pumunta ako sa isang tabi, 'yong nakatalikod mismo sa gawi niya! Hindi ko siya kayang tignan, naiinis ako sa pagmumukha niya! "Nandyan pala si Carrick," bulong ni Via. Hindi ko siya pinansin. Nakangiti niya namang binalingan si Carrick. "Hi Carrick," bati niya, nagawa niya pang kumaway! Kakaiba! "Tara na Via, gusto ko ng magbanlaw," sabi ko pa at aahon na sana nang makita si Carrick sa harapan ko. Nakalahad ang kamay niya sa akin. "Give me your hand," aniya habang nakangiti. Inirapan ko siya at tinabig ang kamay niya. Umahon akong mag-isa. Naramdaman ko pa nang matalim niya akong sulyapan. "Robe mo oh." Habol niya pero hindi ko pinansin. Basta basta ko nalang kinuha ang twalya ko na nakapatong sa lamesa at ibinalabal 'yon sa katawan ko. Dumiretso agad ako sa banyo pagpasok ng kwarto, narinig ko pang tinawag ako ni Via pero hindi ko na pinansin pa. Naligo nalang ako. Paglabas ko ng banyo, wala na si Via. Nasaan 'yon? Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kaibigan ko na halatang katatapos lang maligo. "Oh, tapos kana pala, katatapos ko lang din," aniya habang dala dala 'yong swim suit niya, nakabihis na siya at may twalya sa ulo. "Saan ka naligo?" tanong ko at naupo sa harap ng vanity mirror. Naglagay ako ng cream sa mukha, gaya ng lagi kong ginagawa. "Sa baba, ang tagal mo eh," reklamo niya at naupo sa paanan ng kama. Hindi ako sumagot at ipinagpatuloy nalang ang ginagawa. Maya maya pa'y lumapit si Via. May iniabot siya sa aking maliit na box. Kunot-noo ko siyang tinignan. "Ano 'yan?" "Buksan mo nalang," sagot niya sabay ngiti. Binuksan ko ang maliit na box. Gano'n nalang ang inis ko nang makita ang pamilyar na mga singsing sa loob no'n! Bwiset ka Carrick! "Kay Carrick ba galing 'to?" inis kong tanong, napatayo ako bigla. "Oo," alanganin niyang sagot. Lumabas ako ng kwarto dala dala 'yong box. Hinanap ko si Carrick, naabutan ko siya roon sa kanilang study room. Padabog kong inilapag sa lamesa niya 'yong box ng singsing. "Hindi ko kailangan 'yan," may diing sabi ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin at awtomatiko 'yong dumako sa kaliwang kamay ko. "Bakit? Dahil ba may bago kana?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Ano naman sa 'yo ngayon kung mayroon? Hindi ba obvious? I'm wearing an engagement ring." Talagang ipinakita ko sa kanya 'yong kamay ko na may singsing. I'm sorry Kenjie pero wala na akong maisip na idadahilan sa kanya, tutal engagement ring ang tingin ng iba, might as well panindigan ko muna kahit papaano. Hindi siya makapaniwalang tumitig sa akin at tumawa. Abnormal! "You can't marry someone dahil kasal ka sa akin," sabi na naman niya! Nakakainis na, paulit ulit pa! "Ikwento mo sa pagong!" asik ko at tinalikuran na siya. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay nagsalita na naman siya. "Walang kahit sino ang makakaagaw sa asawa ko, not now, never." Hindi ko na siya nilingon pa at basta nalang lumabas ng study room. Inis akong bumalik sa kwarto, naabutan ko pa si Via na tinutuyo ang kanyang buhok gamit ang towel. "Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong niya nang makita ako. Bumuntong hininga ako saka naupo sa paanan ng kama. "Via please, huwag ka ng tatanggap ng kahit ano galing kay Carrick, maayos na ang buhay ko e." Natigilan siya sa ginagawa. She sighed. Lumapit siya sa akin. "Sige, pasensya na, akala ko kasi..." aniya at niyakap ako. Nang kinagabihan ay lumabas ako sa balkonahe pero hindi ko sinasadyang makita sina Gab at Carrick sa labas. Halatang katatapos lang niyang magswimming at pilit siyang pinupunasan ni Gab. Panay naman ang iwas ni Carrick, natatawa pa ito. Naramdaman kong kumirot ang dibdib ko, nagsisimula na ring mamasa ang mata ko. Napahawak ako sa tyan ko, pasensya na anak, mukhang hindi ko maibibigay sa 'yo ang buong pamilya na gaya ng sa iba. Papasok na sana ako sa loob nang mahuling nakatingin si Carrick sa akin, wala na roon si Gab. Nagtama ang mata namin, pero ako na rin ang kusang umiwas. Mabilis akong bumalik sa loob at doon sa banyo lumuha. Naalala ko na naman ang lahat. May relasyon sina Carrick at Gab, hiniwalayan lang ni Carrick ang pinsan ko dahil sa akin. And now they're trying to fix their relationship at ayokong masira 'yon. Hindi na ulit. Nang matapos sa pag-iyak ay dahan dahan akong nahiga sa kama, sa tabi ni Via. Pero agad ding napabangon nang biglang bumukas ang pintuan! Mabilis akong bumangon at lumapit kay Carrick, itinulak ko siya palabas ng kwarto. "Ano bang ginagawa mo rito ha?" asik ko. "Iyong nakita mo kanina—" "Wala akong pakialam Carrick, hiwalay na tayo kaya malaya ka ng gawin ang gusto mo," sabi ko pa. Sinubukan kong huwag mautal at nagtagumpay naman ako roon. Nakita ko siyang nag-iwas ng tingin. "Don't say that," umiling siya saka tumingin sa akin. "Carrick, matulog kana." Iyon nalang ang sinabi ko. Pero hindi manlang siya gumalaw mula sa kanyang kinatatayuan. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. "You love that man now?" mahina niyang tanong. That man? Sino bang tinutukoy niya? Kung may mahal man ako, siya iyon at wala ng iba! You dumbass! "Who?" "That man. Who gave you the f*****g ring," asik niya. Nakita ko pang umigting ang kanyang panga habang nakatingin doon sa singsing na suot ko. Natawa ako nang muli na naman siyang marinig na magmura. Parang hindi bagay sa kanya. Well coming from a guy like him? His family are educated and well mannered. Hindi ko talaga akalain na magsasalita siya ng gano'n. "What are you laughing at?" seryoso niyang tanong, nakakunot na naman ang noo. Tsk sungit! Mabilis akong umiling. "Wala ah, sige na matulog kana." "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," mariing aniya. Ngumiwi ako. "Inaantok na ako Carrick eh." "Tss, good night Bella," aniya at pumasok na sa kanyang silid na katapat lang ng sa akin. Kinabukasan ay maaga akong nagising, nagstretching ako roon sa may labas, sa may garden. "Aga mo naman magising." Nakangiti si Rhys nang malingunan ko. Nakatayo siya roon sa may pintuan at may hawak na tasa. Nginitian ko siya. "Good morning," bati ko. Tumango siya. "Good morning din, kumain kana?" Umiling ako. "Hindi pa, mamaya nalang siguro," sagot ko at bumalik na sa pagii-stretching. Nang pagpawisan ay nagtungo ako sa kusina at uminom ng tubig. Naabutan ko pa sa dining sina Mommy, Daddy, Tita, Tito, Rhys at Carrick. Wala si Olivia, siguro'y tulog pa, pero imbes na pumunta sa kinaroroonan nila ay nagdesisyon nalang akong maligo. "Bella, maupo kana rito, saluhan mo na kaming kumain," anyaya ni Tita Maria nang makababa ako. Katatapos ko lang maligo. I'm wearing a plain navy blue shirt and a black shorts. "Eh Tita si Olivia po kasi..." "I'm here na." Rinig kong sinabi ni Via at naupo na sa upuan na katabi ng kay Rhys. "Maupo kana sa tabi ni Carrick." Isinenyas ni Tito Fred 'yong upuan sa tabi ni Carrick. Wala na akong nagawa kundi maupo roon. Tumayo pa si Carrick upang ipaghila ako ng upuan. Tss! "So, anong plano ninyo ngayong araw?" basag ni Mommy sa katahimikan na bumabalot sa amin. "Carrick, Rhys pumunta kayo sa farm at isama niyo itong sina Bella at Olivia," nakangiting turan ni tita Maria na agad namang sinang-ayunan ng kanyang mga anak. Gaya ng napagusapan ay nagtungo nga kami sa farm, tuwang tuwa naman si Olivia sa kanyang mga nakikita. Nagawa pa niyang umani ng palay at magpakain ng mga alagang baka roon. Si Rhys ang kasa-kasama ni Via dahil napakarami nitong tanong at napapansin. Tuloy ay naiwan ako kasama si Carrick. Nang mainitan at mapagod ay umupo muna kami sa loob ng kubo. "Are you okay?" biglang tanong ni Carrick. Tinanguan ko siya. "Oo naman, why did you ask?" Bumuntong hininga siya at umiling. "Wala lang, you want water?" alok niya. "Oo sana..." nahihiya kong tugon. Tumango si Carrick at umalis saglit. Pagbalik niya ay may dala na siyang dalawang bottled water. Malamig na malamig 'yon. Tamang tama dahil napakainit talaga ng panahon ngayon, tirik na tirik ang araw. Binuksan niya ang tubig at iniabot sa akin. "Thank you," sagot ko. Nang makapagpahinga saglit ay naglakad lakad na ulit kami sa farm, pero hindi nagtagal ay bigla nalang akong nakaramdam ng hilo. Napakapit pa ako sa braso ni Carrick dahilan para matigilan siya sa paglalakad. "What's wrong? Are you okay?" nagaalala niyang tanong. Umiling ako. "Carrick, nahihilo ako," sagot ko, ang kamay ko ay naroon na sa ulo ko. "Sige, uuwi na tayo, I'll just call Rhys para—" Pinigilan ko siya. "Huwag mo ng tawagan, nageenjoy pa si Via, tayo nalang ang umuwi," sabi ko. Natigilan siya, nahuli ko pang tumaas ang gilid ng kanyang labi. He flashed a smile! "Why are you smiling?" masungit kong tanong. "Kung hindi mo sinabing nageenjoy pa si Via ay iisipin kong gusto mong masolo ako." Sumama ang mukha ko at hinampas siya. "Ang feeling mo!" "Shh, halika na, baka mapano ka pa," aniya at basta basta nalang akong binuhat! "Put me down," sabi ko nang buhatin niya ako na parang pangkasal. "Bumigat ka yata," aniya na hindi manlang pinansin ang sinabi ko. Tss kung alam mo lang! Dinadala ko ang anak mo! Sinamaan ko siya ng tingin. "Kaya nga ibaba mo na ako para hindi kana mabigatan, nakakahiya naman sa 'yo e." Umiling siya at inayos pa ang pagkakabuhat sa akin. "I want to carry you, I don't care kung gaano ka pa kabigat." "Ewan ko sa 'yo, baka makita tayo ni Gab at magalit," sabi ko at inilibot ang paningin sa farm. Nangunot ang noo ni Carrick. "Si Gab? Magagalit?" "Oo." "Bakit magagalit?" "Syempre..." "Syempre ano?" tanong niya, hindi manlang inalis ang tingin sa mukha ko! Ang lapit lapit niya masyado! Ngumuso ako. "Magagalit siya kapag nakita 'yong asawa niya na may buhat buhat na ibang babae." Nangunot ang noo niya pero bigla ring natawa. "Gab is not...she's not my wife." Nagulat man pero hindi ko ipinahalata, baka magfeeling na naman ang lalaking ito eh! "Tsk, dinedeny mo pa," asik ko. Sumeryoso bigla ang kanyang mukha. "She's not my wife Bella." "Okay, naniniwala na ako, umuwi na tayo," sabi ko nalang para matapos na. Inupo ako ni Carrick sa sofa nang makapasok kami sa kanilang bahay, umalis siya sandali at pagbalik ay may dala ng baso ng tubig. Kinuha ko 'yon at ininom. "Okay kana? Nahihilo ka pa?" sunod sunod niyang tanong at kinapa ang noo ko. Natigilan ako dahil sa ginawa niyang iyon. "Ayos na ako Carrick, salamat," sagot ko, sakto namang pumasok sina Tita at Mommy. "Oh, bakit nandito na kayo? Kayong dalawa lang?" gulat na tanong ni Tita Maria nang makita kami. Nagkatinginan kami ni Carrick. "Nasa farm pa si Rhys ma, kasama si Via," sagot ni Carrick. "Oh bakit nauna kayo? May nangyari ba?" tanong naman ni Mommy. Naupo siya sa tabi ko. Naupo naman si Tita Maria sa tabi ni Carrick. "Nahilo siya Tita kaya kinailangan na naming umuwi," sagot ulit ni Carrick. "Anak magpacheck up kana kaya? Parang napapadalas na 'yan eh, nabanggit din sa akin ng Lola mo na nagsuka ka no'ng nakaraan," ani Mommy. Mahihimigan sa boses niya ang pagaalala. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya. "Mom, I'm okay, nagpacheck up na ako last time, stress lang daw," pagdadahilan ko. Para namang nakahinga ng maluwag si Mommy dahil sa sinabi ko. "You sure about that Bella? Gusto mong ipatawag ko 'yong family doctor namin?" tanong ni Tita Maria. Mabilis akong umiling. "Nako Tita hindi na, I'm okay, salamat po." "Are you sure?" tanong niyang muli. Naniniguro. Tinanguan ko siya at nginitian. "I am sure Tita, thank you." Matapos 'yon ay inihatid ako ni Carrick sa kwarto, makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin sina Via at Rhys. "What happened to you?" nag-aalalang tanong ni Via nang tabihan ako sa kama. "Nahilo lang, but I'm fine," nakangiti kong sagot. "Are you sure?" tanong niya at mas inilapit pa ang sarili sa akin para hipuin ang noo at leeg ko. Agad akong napatakip sa ilong at bibig ko nang maamoy ang pabango ni Via. "Ang baho mo!" reklamo ko. Bahagya naman siyang lumayo at inamoy ang sarili. "Baliw! Mabango naman ako ah." "Ayoko talaga ng amoy mo," sabi ko pa habang nakatakip ang ilong at bibig. "Ang weird mo, hindi naman eh amuyin—" Bago pa man siya tuluyang makalapit sa akin ay para ng bumabaliktad ang sikmura ko. Nadiinan ko ang pagkakatakip sa aking ilong at bibig at sinenyasan siyang huwag sumunod. Mabilis akong nagpunta ng banyo at doon na nagsuka. Naramdaman ko namang hinagod ni Via ang likuran ko, inipon niya pa ang buhok ko sa likuran para hindi mapunta sa mukha ko. Nang matapos ay nagmumog ako ng tap water, inabutan niya naman ako ng tissue. Inalalayan niya akong makabalik sa kama. "Buntis ka," bigla niyang sinabi! Natigilan ako at lumingon sa kanya. "Via..." "Don't make excuses, halata ko, baka nakakalimutan mo, nurse ako at may alam ako sa ganyan, kaya pala you're very strange lately," aniya habang naiiling. Napayuko ako. "I'm sorry, I didn't mean to hide it." "Ano ka ba, kung ano mang dahilan mo, naiintindihan ko." "Salamat." "Kay Carrick 'yan diba?" tanong niya at inginuso pa ang tyan ko. I sighed. "Yeah." "Hindi mo sasabihin sa kanya?" "I don't know, hindi ko alam kung paano." "Just tell him that you're pregnant." "Pag-iisipan ko Via." "Sige lang, pero sana hindi mo ilihim sa kanya, karapatan niyang malaman ang tungkol sa bata." Matapos naming mag-usap ni Via ay hindi na siya umalis pa sa tabi ko. Palagi niya akong inaalalayan sa lahat. Lumipas ang araw at naging abala ang mga Montefalco sa gaganaping kasal ni Rhys. Sina Mommy ay hindi na ako pinasama sa medical mission, katwiran pa nila, magpahinga nalang ako. Wala kaming nagawa ni Via kundi manatili lang sa bahay ng mga Montefalco. Nakakahiya naman! Isa pa naman sa dahilan kaya ako umuwi ay 'yong medical mission. "Hey," bungad ni Carrick nang makababa ako ng hagdan. "Umalis ka riyan sa daraanan ko," masungit kong sinabi. Ewan ko ba, naiinis talaga ako sa mukha niya! Lalo na kapag ngumingiti siya, parang gusto ko siyang batuhin at hampasin bigla. Nangunot ang noo niya. "Why?" "Dahil naiinis ako sa mukha mo, ayaw kitang makita, ayaw kitang makasama, lahat na." Walang preno ko 'yong sinabi, tuloy ay kinapos ako ng hininga. Natawa siya, parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Really? Dati naman ay gustong gusto mo 'kong nakikita." Sumama ang mukha ko sa sinabi niya. 'ayun na naman kasi 'yong ngiti niya! Naaasar talaga ako roon! "Dati 'yon, hindi na ngayon," sagot ko at inirapan siya. "Sobrang sungit mo yata ngayon, this isn't you baby." Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Masungit talaga ako at anong baby? Don't call me baby!" "Unless you mean it," pakanta niyang dinugtungan ang sinabi ko kaya lalo akong nainis. "I hate you!" "Really?" tanong niya at lumapit lalo sa akin pero bahagya akong lumayo. "Lumayo ka nga sa 'kin, naiinis nga ako sa pagmumukha mo," sabi ko at nag-iwas ng tingin. "Wait..." "What?" masungit ko na namang tanong. "You're pregnant," bigla niyang sinabi! Natigilan ako at hindi nakapagsalita, hindi ko siyang tignan sa mata. Ramdam ko nang tumungo siya at ilapit lalo ang mukha sa akin. "Are you?" tanong niya. "No." Gano'n kabilis ko 'yong isinagot. "Really?" tanong niya na naman at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. "Tsk, ano naman sa 'yo kung sakaling buntis ako?" Dinilaan niya ang ibabang labi bago ako tinignang muli. Hindi siya sumagot at nanatili lang nakatingin sa akin. "Kung mabubuntis man ako, paniguradong hindi ikaw ang ama." Gano'n katapang ko 'yong sinabi sa pagmumukha niya! Naiyukom niya ang kamao at mariing tumingin sa akin. "Don't you dare." "Hiwalay na tayo, kaya please 'wag kang umasta na parang tayo pa," inis kong sinabi at iniwan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD