"WHAT DO YOU mean, sir, na hindi na tayo ang kukunin nila to advertise their product?" nabigla at nagtatakang tanong ni Sheryl sa boss niya.
Biglang sumakit ang ulo niya. Akala niya makapagsimula na sila once na ma-approve na 'yung idea nila sa client.
Paanong nangyari na hindi na sila ang kukunin?
Ang buong akala pa naman 'din niya ay maayos na ang usapan nila ni Mr. Andrew Ravena at ang advertising agency nila ang napili nito.
"Biglaan at hindi na si Mr. Andrew Ravena ang may-ari ng kumpanya. May nakabili nang malaking shares at ito na ngayon ang tumatayong CEO. Hindi nagustuhan ng bagong may-ari ang idea natin."
"Ganun kadali?" Sino ba ang taong 'ito?
"Why not try talk to him – the new owner, baka sakaling magbago ang isip niya, Sheryl?"
"I will do that, sir." Ano hawak na nila mapupunta pa sa iba.
Pagkalabas niya ng opisina ng boss niya, agad niyang hinarap ang kanyang computer. May ilan siyang binago sa proposal idea nila. Ilang Lingo nilang binuo at pinag-isipan pagkatapos ire-reject lang nang kung sinong bagong may-ari.
Limang taon ng nagtatrabaho si Sheryl sa kilalang advertisement agency. Nagsimula siya sa mababang position hanggang sa ma-promote as Media Planner.
Ngayon ay kailangan nilang i-present ang idea sa Lala's Play–It's a Toy Company na gumagawa ng mga high-end toys and children's book, na hindi lang sa mga mall nakikita. The company also exporting outside the country; From collectible dolls, RC' Toys and board game.
Ngayon ang latest business venture nito ay sa mga learning video games. Nalaman din niyang papasukin na nito ang pagdi-develop ng isang app.
Hindi namalayan ni Sheryl ang oras at kailangan na niyang umuwi. Pero bago iyon dumaan muna siya sa isang kilalang fastfood chain para maibili ng pasalubong ang anak niya.
Gusto niyang bumawi dito dahil alam niyang nagtatampo na ito sa kanya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay naging busy siya. Pero nangako naman siya na babawi siya dito.
Bukod doon ay nagsisimula na rin siyang tanungin ng anak tungkol sa ama nito, hindi naman sa wala siyang balak sabihin kung nasaan ang ama nito. Mas maganda kung hindi na lang nito malalaman kung sino ang ama nito.
Natatakot siya na baka madulas siya at masabi dito na buhay pa ang ama nito.
What if kung kunin ng mga ito sa kanya ang anak niya?
Makapangyarihan ang mga Lizalde at magagawa nito na kunin sa kanya ang anak sa oras na malaman ni Cupid na may anak sila. Umiling siya at winaglit sa isip ang tungkol sa ama ng anak niya.
Hindi namalayan ni Sheryl na nasa harap na siya ng establishment. Naghanap siya ng mapagpa-parking-an ng sasakyan at bumaba. Pagkatapos mabili ang pasalubong ay nagpasya na siyang umuwi.
Pag-uwi niya sa bahay ay may hindi siya inaasahang bisita. Katabi nito ang anak niya na nanonood ng cartoons.
"Kuya Dante?" tukoy niya sa kapatid ng biglang napatayo ng makita siya.
Biglang nagdilim ang paningin niya nang maalala ang kasalanan nito.
"Anong ginagawa mo dito?" Sa tingin ba nito na ganun nalang 'yon na kapag nagpakita ito makakalimutan na niya ang ginawa nito.
"Ate Linda, hindi ba sinabi ko sa inyo na huwag kayo basta basta magpapasok nang hindi niyo kilala?" pagalit na sabi niya sa yaya ng anak.
"Eh, kapatid niyo daw po siya maam," paliwanag nito.
"Ate Linda dalhin niyo si Ron sa taas," utos niya.
"Opo, maam." At hinawakan nito sa kamay ang anak niya. "Doon nalang tayo sa taas Ron manood ng cartoons."
Bago 'yon lumapit muna sa kanya ang anak niya at yumuko naman siya para halikan ito sa pisngi.
"Hindi ko alam na nagkaroon ka ng anak? Si Cupid ba ang ama niya." Mabuti nalang at nakaakyat na sa taas ang anak niya.
"Makakaalis ka na kuya," malamig na sabi niya.
Kung noon masaya siya na malaman na may kapatid pala siya. Anak sa una ng ama niya bago nito makilala ang ina niya at pinakasalan. Sampung taon lang siya ng mamatay sa aksidente ang mga magulang niya. Napunta siya sa tiyahin niya na matandang dalaga, kapatid ng mama niya. Labing siyam na taong gulang siya ng magpakita ito sa kanya at magpakilala bilang kapatid niya. Siyempre natuwa siya na meron pala siyang ibang kamag-anak bukod sa tiyahin niya.
Pero problema lang pala ang dadalhin nito sa kanya na naging dahilan ng maagang pagkamatay ng tiyahin niya.
Kilalang magnanakaw ang kapatid niya na tumakas lang sa lugar nito at pinaghahanap ng mga pulis. Hindi pa 'rin ito huminto sa masamang gawain nito hanggang sa makulong.
Kung hindi dahil sa perang binigay ng mama ni Cupid ay hindi niya ito mailalabas sa kulungan. Ang kalahati ng perang dapat na itatabi niya para sa pagpapagamot ng tiyahin niya ay ninakaw nito at hindi na nagpakita sa kanya.
"Sheryl..." Akmang lalapitan siya nito ng umatras siya.
"Please lang kuya Dante umalis ka na." Pagtataboy niya dito.
"Sheryl, nagbago na ako. Kaya lang ako nagpunta dito para humingi ng tawad sa 'yo."
"Hindi ko alam kung kaya kitang patawarin kaya umalis ka na." Hindi niya ito nilingon hanggang sa makaalis ito.
Nang makaalis ito saka lang siya nakahinga ng maluwag. Naninikip din ang dibdib niya sa galit.
* * * * *
WALA SA plano ni Cupid na sundan ang sasakyan ni Sheryl- dati niyang girlfriend, pero heto siya at nasa harap na raman ulit ng bahay nito.
Hindi niya maintindihan ang sarili pero right after makauwi siya ng Pilipinas, ito ang una niyang naisip.
Her smile, the familiar scent of her cologne. How warm and soft the way he held her in his arm.
Malinaw na nakikita niya ang mukha nito sa isip niya.
Pero agad napalitan iyon ng mukha ni Sheryl at nang lalaking pinalit nito sa kanya
Napasabunot siya sa ulo.
Niloko ka niya, yun ang gustong itatak niya sa isip.
Walong taon na ang nakalipas pero sariwa pa 'rin sa kanya ang ginawa ni Sheryl, nakipaghiwalay ito sa kanya without explaining until he knew the reason. His mother told him that Sheryl was having an affair. Hindi siya naniwala dahil alam niya na hindi gusto ng ina si Sheryl at tutol ito sa relasyon nila, na baka gumagawa lang ng kwento ang kanyang ina hanggang siya mismo ang nakakita at inamin ng lalaki ng komprontahin niya ito na may relasyon nga ito. Nasaktan siya lalo na nang malaman niya na kapalit ng pakikipaghiwalay sa kanya ni Sheryl ay tumanggap ito ng pera mula sa kanyang ina.
Nasa ibang bansa siya isang taon na ang nakalipas ng makipag-hiwalay sa kanya si Sheryl. Tumawag sa kanya ang ina para lang sabihin na nagpunta si Sheryl sa bahay at nanghingi ulit ng pera sa ina. Nagpadala ito ng recorded na pag-uusap nito at ni Sheryl.
He was hurt and devastated hindi niya alam kung anong klaseng babae ang minahal niya.
Dapat kinalimutan na niya ito pero hindi niya alam kung anong masamang hangin ang nagtulak sa kanya at hanggang dito ay sinundan niya ito.
Napaayos siya ng upo nang makitang may lumabas na lalaki sa bahay ng dating girlfriend. Napahigpit ang hawak niya sa manibela ng mamukhaan ito.
So, sila pa 'rin hanggang ngayon.
Hindi niya alam kung ano ang nakita ni Sheryl dito.
But he felt a terrible stabbing pain in the heart.
Napansin niyang may kinuha itong kaha ng sigarilyo mula sa bulsa nito pagkatapos ay nagsindi at umalis din.
Sinundan niya ito.
At hindi niya nagustuhan ang nakita niya.
Right at the moment he wanted to punch him in the head or kill him instead.
Nakita niya itong huminto sa eskinita, may lumabas na babae na naka-duster na lumapit dito at inakbayan nito at pumasok na sa loob ang dalawa.
Totoo ba ang nakikita niya? Obviously this man is cheating, katulad ng ginawa sa kanya ni Sheryl.
Ito ba ang lalaking pinalit mo sa akin huh Sheryl, parang gusto niyang matawa.
He felt insulted.