Kabanata 4: Paggising sa trauma

1072 Words
Pagbalik nila sa hotel, pasado alas-tres na ng hapon. Kumain na sila ng tanghalian sa isa sa mga kiosks, kaya nagpasya silang mag-shower at magpahinga sandali. Kinagabihan, nagising si Lili mula sa kanyang malalim na pagkakatulog. Tulog pa rin si Diogo, kaya naisip niyang gisingin ito sa masayang paraan. Dahan-dahan siyang lumapit sa kama at biglang nilundagan si Diogo, dahilan upang magulat ito at magising. "Diyos ko! Lili!" sigaw niya habang nilalagay ang kamay sa kanyang dibdib, si Lili naman ay tumatawa. "Hindi na ako bata katulad mo. Tumatanda na ako, at ang mga paggulat na ganyan ay pwedeng magdulot sa ‘kin ng atake sa puso." "Huwag kang magbiro, para ka pa ring teenager sa paningin ko," sabi ni Lili upang siya'y mapalagay. "Sa paningin mo lang iyon..." Umiling siya at ngumiti. "Movie night kaya tayo?" suhestiyon ni Lili. "Gabi na ba?" tanong niya nang medyo inaantok pa. "Oo." "Tumawag tayo sa reception at magpadala tayo ng pagkain," mungkahi ni Diogo. "Pero ayoko ng maalat," dagdag ni Lili. "Sige, sige. Piliin mo ang gusto mo," pagsang-ayon ni Diogo. "Tatawag ako sa reception at pagkatapos ay magsha-shower. Ang init kasi," sabi ni Diogo. Matapos umorder ng mga paboritong junk food si Lili, pumasok siya sa banyo para mag-shower. Paglabas niya, suot niya ang simpleng itim na nightgown na medyo maikli ngunit hindi masyadong revealing o masyadong sensual. Pagkatapos magbihis, pumili siya ng pelikula para sa kanilang movie night. Habang abala siya sa pagpili, sinamantala ni Diogo ang pagkakataon para mag-shower. Nang bumalik siya, sinimulan na ni Lili ang napiling palabas at humiga nang nakadapa, ang mga paa’y nakasampa sa headboard. Sa kabilang banda, naupo si Diogo sa parehong kama, nakasandal sa headboard habang nakatutok sa palabas. Hindi niya agad napansin ang posisyon ni Lili. Nasa ikalawang episode na sila, abalang nanonood at nagsasalo sa meryenda at softdrinks. Ilang sandali pa ay napansin na ni Diago ang paraan ng pagkilos ng katawan ni Lili. Iwinawasiwas niya ang kanyang mga binti, at ang kanyang maikling shirt ay nagbibigay ng kaunting pasilip, sa suot nyang maikling short ay lumalabas na ang kanyang panty. Ilang saglit siyang napatitig dito, ngunit di nagtagal ay nakaramdam na sya ng galit. "Lili, humiga ka nang deretso," seryosong sabi ni Diogo. "Hindi, dito ako komportable," tugon ni Lili. "Sinabi kong humiga ka nang diretso..." ulit niya. Ngunit hindi siya sinunod ni Lili. "Diogo, ganito ako palaging manood ng pelikula." "Anong masama sa pag-upo o paghiga nang maayos? Maging disente ka. Isa kang babae, hindi batang walong taong gulang," sabi ni Diogo, ang tono ng boses niya ay nagbago nang bahagya, na siyang nagpaalala kay Lili ng isang masakit na alaala. Natigilan si Lili. Naalala niya ang kanyang ama, at ang galit nito, ang palagiang sigawan o pananakit sa kanyang ina. Nanatili siyang nakatulala ng ilang sandali, unti-unting nawawalan ng lakas ang kanyang katawan, at tuluyang nalaglag ang packet ng snacks mula sa kanyang kamay, muling nagbalik sa kanya ang ‘di magagandang mga alaala. "O-Okay, s-sige... uupo na ako," nanginginig na sabi Lili. Pinulot niya ang mga snacks at tumalikod kay Diogo. Sa huling dalawang minuto ng palabas na pinapanood nila, pilit niyang pinipigilan ang mga luhang gusto nang pumatak. Nang matapos ang episode, Tumayo si Lili, na hindi manlang tinitignan si Diogo, saka nagsalita ng mahina, “Matutulog na ako.” "Patayin mo na rin ang ilaw, matutulog na rin ako," sagot ni Diogo. Pinatay niya ang ilaw at tumuloy sa kanyang kama. Hindi pa siya sinabihan nang ganoon ni Diogo dati. Kahit kailangan na syang pagalitan o suwayin, palagi parin itong mabait, maunawain noong bata pa siya, at sinisikap na huwag maipaalala ang mga mapait na nakaraan sa kanya. Hindi na napigilan ni Lili ang kanyang mga luha. Puno ng mga alaala ang kanyang isipan: mga sigawan, mura, tunog ng mga bagay na binabato at nababasag, at ang pinakamasakit—ang mga iyak ng kanyang ina. Tinakpan niya ang kanyang bibig, pilit pinipigilan ang mga hikbi, ngunit naririnig pa rin ito. "Lili… umiiyak ka ba?" tanong ni Diogo. "Hindi," tugon niya, ngunit ang nanginginig niyang boses ay nagbunyag ng tunay niyang nararamdaman. Agad na bumangon si Diogo mula sa kanyang kama at lumapit sa kama ni Lili. Sa dilim, marahan niya siyang kinarga sa kanyang kandungan at niyakap nang mahigpit. "Lili..." "Bakit mo ako sinigawan?" bulong ni Lili, pilit na pinipigil ang paghikbi. "Sorry. Nainis lang ako, pero hindi iyon kasalanan, Princess." "Anong nangyari? Ano bang ginawa ko?" tanong ni Lili, ang kanyang tinig ay puno ng lungkot at pagkabigo. "Huminahon ka muna, okay?" "Sagutin mo ako, Diogo. Ano bang ginawa ko?" "Lili, minsan kasi ang postura mo ay hindi angkop. Ikaw ay isa nang dalaga at..." Pinutol ni Lili ang kanyang mga salita. "Ayoko lang maging angkop. Gusto kong maging espesyal sa ’yo." Ang kanyang mga salita ay puno ng katotohanan, ngunit may mas malalim pang kahulugan na nakatago rito. "My girl?" "Oo. At sinigawan mo ako kanina..." "Kung dahil sa nangyari, ipinapangako ko na hindi na iyon mangyayari ulit." "Hindi lang iyon. Hindi mo na ako tinatrato tulad ng dati," ang sabi ni Lili, may kalungkutang bumalot sa kanyang mga salita. "Dahil lumaki ka na, Lili. Gusto ko lang na lumaki ka nang maayos, at akala ko iyon ang gusto mo," ang paliwanag ni Diogo, puno ng kabaitan at pang-unawa. "At gusto ko naman, pero may mga bagay akong nami-miss." "Ipinapangako ko na magiging mas malapit ako," ang bulong ni Diogo, na puno ng pangako. "Matulog ka na rito," ang hiling ni Lili. "Lili..." "Tulad nung panahong natatakot ako, pinapayagan mo akong matulog sa likod mo," ang alaala ni Lili, may ngiti sa kanyang mga labi. "Pero noon, ay bente-singko kilos ka lang, at bata pa pa ako noon," ang sagot ni Diogo, sabay tawa ng may halong kalungkutan. "Ngayon, nadagdagan lang naman ng labing limang kilo ah," sabi ni Lili, may konting biro. "Dito lang ako, okay? Pero hindi ka matutulog sa likod ko,baka hindi na ako makakabangon bukas," biro ni Diogo, na may ngiti sa labi. "Okay." Dahan-dahan niyang inangat si Lili mula sa kanyang mga bisig at inilatag siya sa kama, saka humiga sa tabi nito. Ramdam parin ni Lili ang bigat ng kanyang damdamin, kaya't dahan-dahan niyang inilipat ang ulo niya sa dibdib ni Diogo at niyakap ito nang mahigpit. "Okay lang, Princess," ang bulong ni Diogo "Miss kona si Mama..." ang mahinang sambit ni Lili. "Pareho tayo," ang sagot ni Diogo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD