Tahimik ang paligid ng maliit nan silid kung saan gaganapin ang kasal. May mga bulaklak sa bawat tabi. Simple lamang ang kasal dahil gusto lamang nila mairaos. Simpleng selebrasyon lalo na sa kalagayan ni Dimitri. Sa gitna, nakatayo si Jade, nakasuot ng simpleng puting bestida. Katabi niya si Dimitri, tahimik at walang kamalay-malay sa mga nangyayari, ngunit sa araw na iyon, siya na ang magiging asawa ni Dimitri. Sa tabi ng altar, nakaupo si Nanay Elena at Tatay Manuel, parehong may luha ng saya at pag-aalala. Saksi ang mga ito sa kanyang mga pinagdaanan. Ang abogado, seryosong binabasa ang mga papeles ng kasal, habang naghihintay na magsimula ang seremonya. Nang dumating si Senyor Rafael, agad siyang lumapit kay Jade. Nakasuot ito ng maayos na barong, at sa kanyang mga mata ay bakas

