Lorraine's POV Nagising sila pareho dahil sa ingay na nagawa ng basong nabasag ko.Samantalang nanatili akong nakatayo at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanila. Sa kanilang dalawa na magkayakap habang nakaupo sa sofa,nakadantay pa ang ulo ng babae sa dibdib niya.Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko. Para namang nakakita ng multo si Seije at bigla pa itong napatayo. "Lorraine?" I shook my head.Hindi ..namamalikmata lang ako.Tell me I' dreaming.Hindi totoo itong nakikita ko. "Seije?Who is she?" Sa gulat ko ay tumayo na rin yung babae.At nang makita ko ang mukha niya ay parang nag-init ang ulo ko.Gusto ko siyang sugurin at sabunutan.Gusto ko siyang saktan!Pero bakit ganito?!Hindi ako makagalaw,hindi ko maigalaw ang katawan ko!Para akong napako sa kinatatayuan ko! Pero pilit kong

