Kabanata 1

472 Words
The burden black sheep I am now looking my reflection in front of a human size mirror.  Nakikita ko ang sarili ko na punong puno ng lungkot,  unang tingin pa lamang sa aking mata'y ito ay agad mapapansin.  Masayahin kapag kaharap ang ibang tao,  pero kapag nag-iisa ay para ng isang patay na bata,  na walang patutunguhan, ang lanta-lanta.   Chubby mang tingnan ay sakitin naman.  " Luisa Marie!  Lumabas ka na diyan sa kuwarto mo!  Kakain na tayo!  Di ka nga marunong magluto puro kain lang naman ang alam mo.  Di ka na nga nag-aaral ng maayos, bumagsak ka pa sa exam ! Hay nakong bata ka!  " Binuksan ko ang pinto ng aking kuwarto para lumabas at pumuntang lamesa,  yan na naman ang sermon nila.  Isang taon na mula ng bumagsak ako sa exam na yun wala na ba silang nakikita kundi lagi na lang ako?  "Ano tutunga-nga ka na lang diyan?  Ilagay mo itong mga pinggan sa lamesa! " si Mommy sabay abot ng mga pinggan . "Nasaan po ba si  Julian nay? " tanong ko kasi wala ito ngayon sa mesa.  "Andoon sa Kuwarto niya at nag rereview!  Di katulad mo! " Yan na naman, wala ng katapusan. Nakakahilo na, paulit-ulit na lang ang issue! Yung tinutukoy ni Nanay ay pag bagsak ko sa isang exam na napaka importante sa isang University,  if you didn't pass the exam, you are obliged to transfer is other school ,campus or better to shift your course if you don't want to be kick out in the University. And the problem is, i didn't shift nag transfer ako sa isang Private College dito sa probinsya namin sa Albay. Kaya ayon Private College may tuition, medyo malaki . Kapag may problema sa pera sakin kaagad sisisihin. "Bilisan mong kumain! Ang kupad mo talaga kahit kailan e! Maghuhugas ka pa ng pinggan." si Daddy galit din lagi kasi yung suweldo niya napupunta lang sa tuition ko, ang anak nilang walang kuwenta, waoang ginawang matino sa mundo,  bobo at marami pang iba.  HAHAHA  okey lang sanayan na lang yan. "Ay oo nga pala Lui paki laba na din yung mga damit ko,  wag ka ng mag reklamo at ako ang nagbibigya ng baon mo!  Kukuda ka na naman! " si kuya . Tama nga naman siya bat pa ako mag rereklamo e siya ang nagbibigay ng baon ko.  200 isang linggo, tinitipid ko na lang dahil obvious naman na kulang na kulang.  "Opo" tanging sagot ko na lang  at tumayo na para dalhin yung mga pinagkainan sa lababo at mahugasan na.  Tapos na akong maghugas ng pinggan, maglaba at linisin yung mga kalat nila sa sala.  10:45pm na,  may 3 pa akong Assignment sa major at may 2 pang report na kailangan kong tapusin ngayon,wala na namang tulugan.  Nakakapagod na. Wala naman silang alam sa mga nangyayari sa akin.  Madramang buhay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD