UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter 44 Daniel’s Point of View “Bakit hindi kayo nagpakilala? Bakit hindi kayo lumapit kahit minsan sa amin?” “Hindi ko kasi kayo puwedeng malapitan dahil hindi iyon papayagan ng Papa ninyo. Sa Mama mo lang ako may lihim na contact. Nang mga bata palang kayo ni James at wala pa si Vicky, nakipagkita ako sa Mama ninyo nang patago para makarga ko kayong mga apo ko. Ngunit nang malaman nang Papa ninyo ang ginawa ng Mama ninyo ay napagbuhatan niya ng kamay at mula noon, kapag lumuluwas ako ng Manila ay nilalabas kayo ng Mama ninyo para makita ko kayo ng patago. Hindi ko nga lang kayo malapitan at makausap ngunit masaya na akong natatanaw ko kayo noon." Hindi ko maiwasang hindi maawa kay Lolo. "Salamat sa pagkupkop sa akin 'Lo" "Tungkulin ko ito ap

