UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter 28 Daniel’s Point of View Hanggang sa biglang may tumapik sa akin balikat. Naamoy ko ang pamilyar na pabango. Kahit hindi pa ako lumilingon alam kong si Janine na iyon. “Kanina ka pa?” tanong niya. “Nauna lang ako ng ilang minuto,” sagot ko nang hinarap ko siya. Naka-leather jacket siya ng itim at itim din na hapit na jeans at nakapasok ang jeans na iyon sa kanyang boots. Parang babaeng action star ang kanyang pormahan. Napakalakas ng dating niya. Napakaganda lalo niya. Bumagay kasi sa kanya dahil matangkad siya. Lalo siyang naging kaakit-akit sa paningin ko. May hawak siyang helmet. Ibig sabihin, nag-motor siya para puntahan ako. Umupo siya sa tabi ko. Tahimik lang siyang nakamasid sa mga iba pang mga naroon. Halatang nag

