UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter 26 Daniel’s Point of View “Tungkol ba ito sa grado mo sa akin?” seryosong tanong niya sa akin. “Tungkol ho kay Janine.” Lumingon siya sa paligid. Parang naalangan siyang si Janine ang pag-uusapan namin sa Faculty Room. “Nagmiryenda ka na?” malakas niyang tinuran iyon. “Busog po ako. May itatanong lang ho sana ako tungkol sa inyo ni Janine?” sinadya kong lakasan iyon. Lumingon sa amin ang iba pang mga teachers. “Gutom ka hindi ba?” may diin na iyon. Halatang napipikon na sa akin. “Tara sa canteen. Magmiryenda tayo.” “Busog pa nga po ako.” “Gutom ka. Tara na.” Tumayo siya at tinungo ang pintuan ng Faculty Room. Lumabas na siya at sumunod ako. Nakasunod lang ako sa kanya. Hindi siya sa akin lumilingon. Mabilis ang kanyang paghakbang at

