UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter 30 Daniel’s Point of View “Mali ang paraan mo. Mali ang kaisipan at pananaw mo. Lahat na ng tao sa mundo Alfred, naka-move on na sa pagkakaroon ng anak ng bakla at hindi sana ako kokontra kung totoo ang bintang mo. Ikaw na lang Alfred ang naniniwala na ganyan ang anak mo!” sumisigaw na si Mama. “Talaga? Pagsabihan mo ‘yang anak mo. Habang ako ang nagpapalamon sa inyo, wala kayong karapatang suwayin ako. Ngayon kung ayaw ninyo sa patakaran ko, malaya kayong makakaalis mga punyeta kayo!” singhal ni Papa saka siya umalis at dinig ko pa ang malakas niyang pagbalabag sa pinto ng kwarto nila ni Mama. Lumuhod si Mama. Niyakap niya ako habang nakasalampak pa. “James, kumuha ka ngang tubig.” “Ilang balde po ‘Nay?” “Tubig, tubig na mainom. Anong bald

