KABANATA 12: HOME

2377 Words
“You guys, go home first. I might stay a bit longer” Napatingin kami kay Daijon sa sinabi niya. Nagkibit-balikat na lamang sila bago sumakay sa van namin na maghahatid sa kanila pauwi. Kinawayan ko sila hanggang sa hindi ko na matanaw ang sasakyan. Humarap ako kay Daijon na nakatayo lamang sa gilid ko habang nakabulsa ang dalawang kamay. Napatingin siya sa akin sabay ngumiti at napakamot sa kilay. Tumaas ang kilay ko sa iniasta niya at bahagya pang napakunot nang mas nilakihan niya ang pagkakangiti. Napabuntong-hininga siya sabay turo sa garden. Naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin kaya sabay kaming pumunta doon. Umupo kami sa may bench doon at nanatiling tahimik sa loob ng ilan pang sandali. Hindi naman awkward ang silence. In fact, nakahanap pa ako ng comfort sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. It’s like in the midst of chaos, this silence is my comfort. “They’re not here anymore. You can take off your mask.” He seriously said. I looked at him confusingly. He sighed before continuing. “You can just say no if you’re not comfortable having us right now, Av. You don’t seem fine to me.” Napaharap ako sa kaniya matapos niyang sabihin iyon. “What do you mean?” He sighed and shrugged his shoulder. “I like having you guys. Did I kill the mood? I’m—” “No, of course not. That’s not what I meant. I can feel that there’s something bothering you. I don’t want us to burden you more. Look, I… I’m worried… as your best friend.” Napatitig ako sa kaniya ng ilang saglit. Bakas nga ang pag-aalala sa kaniya. I licked my lips before looking away. Napatungo ako bago napangisi. “You know, we’re not together for how many years but you still know me, don’t you?” Napatingin ako sa kaniya. Ngumisi lamang siya sabay iling. “You’re right. There’s something bothering me. I just found out that my tita mom and my dad was once a couple. My mom loves my dad since the beginning. And the most shocking was that I have an older brother.” Napatingin ako sa kaniya dahil hindi ko siya naririnig na nagre-react. I don’t know if I’ll laugh or I’ll stay serious after I saw his shocked face. Nanlalaki ang kaniyang mga mata at naiwang nakabuka ang kaniyang bibig. Gulantang sa mga sinabi ko ngayon lamang. After nang ilang minuto ay tila natauhan siya. Kumunot ang kaniyang noo sa’kin. “Av… Av… What I am—” napabuntonghininga siya at iiling-iling na tumingin sa’kin. Napakurap lamang ako sa kaniya, trying to understand him. “Nagpaiwan ako to talk to you and to make you feel better… at least. I’m not here to force you to tell me, what’s bothering you.” Naiiyak na paliwanag niya sa’kin na parang hindi ko siya maintindihan. Ayos lang naman sa’kin na malaman niya ang problema ko. Hindi na rin naman siya iba sa’kin. As I have said, isa siya sa mga komportable akong pagsabihan ng problems. Wala naman akong pake kung hindi niya ako matulungan, ayos na sa’kin na alam kong nakikinig siya at nandiyan siya para sa’kin. Natahimik kami ng ilang segundo. Medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko mula kaninang umaga. Narinig ako ang pagbuntonghininga niya ngunit pinanatili ko ang mata ko sa kalangitan. “Are you… feeling at least, a little better? Do you want a hug? Or am I allowed to hug you?” He asked. Bakas ang pag-aalinlangan. Napangisi naman ako bago tumingin sa kaniya. This guy really needs to learn how to read the mood. Pero isa naman yun sa gusto ko sa kaniya, ang nagtatanong muna bago gumawa ng actions. “You know, when you want to do something, sometimes you don’t need to ask for permission. Just do it.” Napataas naman ang kilay niya sabay usog papalapit sa akin. Unti-unti niyang ipinalibot ang braso niya sa akin. I can feel his warmth slowly enveloping me. Tinapik-tapik niya pa ang likod ko na parang inaalo ako. Napapikit na lamang ako at niyakap din siya pabalik. His hug was comforting. Hindi masyadong mahigpit at hindi rin ganun kaluwag, tama lang. It’s not disturbing and awkward, it feels like you’re at home. “When you need someone to cry on, share things with, rant or whatever. If you want to talk to someone or if you need someone, don’t hesitate to call me. You’re never a bother to me, Av. I want you to share everything you’re comfortable to share… with me.” He softly said. I nodded. It’s been days since our last encounter. Our professor suspended our class because of the virus na kasalukuyang lumalaganap ngayon. Hindi pa kami sure kung kailan ulit kami babalik, but for now, we’re stuck in our houses. Mom and Dad is still not in good terms. Mom refused to talk to Dad and she’s more strict to me. Dad’s son, Darian will come to our house this week for his stay that’s why the maid was busy fixing the guest room. I am still in shocked but I kept that feeling away from me. Mom said that I should focus on school and she became more demanding kaya wala na rin akong panahon para mag-isip ng ibang bagay. Nakausap ko rin si tita mom kahapon, sinabi niya sa’kin na nakauwi na siya and she’s currently staying at her place in Manila. Lockdown doon ngayon kaya hindi pa siya makakauwi dito. I also heard from the news na ban muna ang pagt-travel ngayon para maiwasan ang paglaganap ng NCov. Napatingin ako sa phone ko nang marinig kong tumunog. It’s a direct message from Heaven. Heaven: Hey, Avalie! This is Heaven, from Tourism department. Can I ask if may number ka ni Daijon? Need ko lang for educational purposes. Thanks in advance! Pagkatapos kong basahin ang text niya ay saglit akong napa-isip. Educational purposes, huh. I typed my reply bago i-send sa kaniya. I said, tatanungin ko muna si Daijon bago ko ibigay sa kaniya ang number. Magtitipa pa lang sana ako ng text kay Daijon ng mag-text na naman si Heaven. Heaven: Avalie, can I have it like right now? Super kailangan ko na kasi talaga. Marami pa rin akong gagawin… Napataas naman ang kilay ko. I ignored her message and tap Daijon’s name. ‘Hey! Just wanna ask if it’s okay to give your number to Heaven Sefri. She’s from tourism department. Need daw niya number mo for educational purposes.’ Sent. Hindi rin nagtagal ay tumunog and phone ko. Message from both Heaven and Daijon. Tiningnan ko muna ang text ni Heaven sa inbox. Tinatanong niya if I have it na raw. Napailing naman ako at tinap ang message ni Daijon. Daijon: Hey, Av! Sure, you can send her my contact number. Anyways, how are you? Nag-isip muna ako ng ilang sandali bago nagtipa ng reply sa kaniya. Sinend ko na rin ang number niya kay Heaven. Nagpaalam muna ako kay Daijon na magbabasa muna. Napabuntong-hininga ako bago in-off ang phone. Ipinagpatuloy ko na rin ang pagbabasa. Nagdaan na rin ang ilan pang araw na paulit-ulit lamang ang ginagawa ko. Magbabasa lang ng ilang libro, magpapahinga at pagkatapos ay magbabasa ulit. Ngayon ay nagbabasa na naman ako. Napabuntong-hininga ako at tiningnan ang libro. Sinara ko iyon at itinabi sa shelf. Ngayong araw ay nandito si Dad sa bahay para personal na i-welcome si Darian. Hindi ko alam kung iku-kuya ko ba siya or okay na sa kaniya na pangalan niya na lang. Mamayang tanghali ay nandito na siguro siya. Narinig ko pang gusto ni Dad na siya na ang magsundo sa kaniya pero mukhang tumnaggi siya. Nagpahanda si Dad ng ilang mga dishes sa baba, samantalang nandito lang ako sa kwarto. Tatawagin na lang siguro ako. Si Mom ay maagang umalis. Tulog pa ata si Dad noon, dahil hinanap niya si Mom kanina. Hindi pa rin sila nagkikibuan. Kapag may itatanong ay doon lamang magsasalita ai Mom. Pumunta ako sa kama at pabagsak na naupo. Tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko ang phone at tiningnan ang group chat na ginawa nila Vannessa. Vannessa: Hey! How’re you guys? I’m so bored. Sasha: Same! Wala na akong magawa kung hindi ang kumain at magbasa ng comics dito. Iurii: Bored ka lang ata @Vannessa dahil hindi mo ako nakikita e. Sus! Miss mo lang ata ako. Vannessa: Yuck! Manahimik ka, kung ayaw mong i-remove kita dito sa gc? Iurii: Ay grabe naman yon:( Sasha: Ano meetup na ba dis? Daijon: Hi @Avalie Sunod-sunod ang pag-uusap nila kaya panay din ang tunog ng phone ko. Nag-reply lang ako kay Daijon, at balak ko na sanang i-off ang phone, nang tumawag si tita mom. Sinagot ko naman agad ang tawag. Bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ni tita mom. “Hi hija! Kumusta ka na? I missed you so much.” Bungad niya. Napangiti naman ako. “I miss you too, tita mom. Okay naman po ako. Kayo po?” Umayos ako ng upo bago nilagay ang phone ko sa aking phone holder. “Okay naman. I’m so bored. Gusto ko na sanang pumunta diyan kaya lang lockdown pa. Mga next week siguro, baka pwede na.” Napatango naman ako. Hindi ko pa nasasabi kay tita mom ang nangyayari dito sa bahay ngayon. Hindi ko rin naman alam kung dapat ko bang sabihin. Baka magalit sa’kin si mom. Naguguluhan na rin ako. “Oo nga po. Pati po mga kaibigan ko bored na rin daw.” Napapangiti kong kwento. Nagliwanag ang mukha ni tita mom at parang naging attentive. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kaniya na may kaibigan na ako. “You have new friends? Make kwento na Av! Hindi ka na nagsaaabi sa’kin magtatampo na’ko.” She pouted her lips at nagkunwaring nagtatampo. Napatawa naman ako at sinimulang ikwento sa kaniya ang mga bago kong kaibigan. Tuwang-tuwa si tita mom at tahimik lang na nakikinig sa’kin. Alam kong masaya siya para sa’kin dahil ngayon lang ako nagkaroon ulit ng kaibigan matapos umalis ni Uri. Nakwento ko na rin kay tita mom na bumalik na si Uri at nagkakasama na rin kami dahil nasa iisang group of friends lang kami. Hindi namin namalayan ni tita mom ang oras. Kung hindi pa ako tinawag ng maid para sa lunch ay baka hanggang mamaya pa kami ni tita mom mag-uusap. Nagpaalam kami sa isa’t-isa at sinabi niyang tatawag nalang ulit siya bukas. Ngumiti naman ako at tiningnan ang hitsura sa salamin. Nang masigurong presentable na ay bumaba na rin ako. Si Dad ay nasa pintuan at hinihintay lamang ako. Nang makalapit ay sabay kaming lumabas upang salubungin ang paparating. Isang kotseng itim ang pumarada sa gilid. Hindi nagtagal ay lumabas ang isang matangkad at matikas na lalaki. If I were to estimate his height, he’s probably 6’3 and a half. He looks presentable and clean. He’s handsome, kamukha niya si Dad noong binata. Sinalubong siya ni Dad. Tinapik niya ito sa balikat habang nakangiting binabati. Inilabas niya ang mga bagahe niya habang patuloy na kinakausap ni Dad. Kinuha ng mga maid ang gamit niya, ayaw niya pa sanang ibigay dahil mabigat pero sa huli ay isinuko rin. Pinasalamatan niya ang mga maid at pagkatapos ay nagpatuloy. “Welcome, hijo. Come in.” Iginiya ni Dad ang bisita at sabay-sabay kaming pumasok. Dumiretso kami sa dining table, kung saan nakahain na ang mga pagkain. “Ah, by the way this is Avalie, my daughter. She’s in her last year sa college. Avalie, this is your kuya Darian.” Pagpapakilala ni Dad. “Hi, Avalie. Nice meeting you.” Ngumiti siya sa’kin ng tipid, sabay lahad ng kamay. Tinanggap ko naman ito at bahagya ring ngumiti. Habang kumakain ay nagtatanong si Dad sa kaniya na sinasagit niya naman. Samantalang nanatili naman akong tahimik. Nagsasalita lamang kapag tinatanong, na bihira rin. Habang pinapakinggan ko sila ay napansin ko na hindi rin palasalita si kuya Darian. Malinis din siya kumain at pino kung kumilos. He also has a nice deep voice. Pagkatapos kumain ay dederetcho na sana ako sa kwarto ng tawagin ako ni Dad. “Ituro mo muna ang kwarto ng kuya mo sa kaniya.” Nakangiti niyang utos. Tipid naman akong tumango sa kaniya. Tiningnan ko si kuya Darian na tahimik lang ding nakatingin sa’kin. Itinuro ko ang daan at naunang maglakad. Nakasunod naman siya at nang makarating sa harap ng guest room at itinuro ko ito. “Thank you.” Pasasalamat niya. “You’re welcome.” Tipid lang ulit akong ngumiti. “I’ll go ahead. Nasa pangalawang pinto lang yung room ko, if you need anything pwede ka nalang kumatok or tumawag sa maid. Feel at home.” Dagdag ko pa. Ngumiti siya sa’kin at tumango. May dimple din pala siya sa pisngi. “Avalie, you can call me whatever you want. Kuya or just Darian, kung saan ka komportable.” “Okay, kuya.” I think this is just right. I hope we get along, since he’s my brother. Naiisip ko pa lang na magiging okay kami, ay may nabubuong tuwa sa puso ko. Pero kapag naaalala ko si mom, nalulungkot din ako. Sana maging okay na si mom. “Sige, I’ll go to my room na.” Paalam ko. Tumango siya at tipid na tumango. ____________________________________ A/N: Hi! Good evening, love. Let me know what you guys think of this chapter... See you! FB: Shan Calixtro IG: xxorphicxx/_shxnnnnn ____________________________________ ;
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD