KABANATA 19: Avoid

2765 Words
Lumipas ang ilang araw na tanging sila Sasha and Vannessa lang ang kinakausap ko. I am more active in our group chat than the other one. As much as possible, iniiwasan ko ang mga ways na magkakaroon kami ni Daijon ng interaction. Kahit sa social media. Paminsan-minsan ay nagte-text siya or hindi kaya ay nagcha-chat to check up on me. Nire-reply-an ko siya minsan at agad ding tinatapos ang usapan kapag alam kong medyo napapahaba na. Self-care. Maaga akong nagising ngayon dahil nagkayayayaan kami nila Vannessa na mag-jogging dito lang sa subdivision namin. Mas malapit ang bahay ni Sasha sa amin kumpara kila Vannessa, ngunit si Vannessa mismo ang nag-aya, ayun pala kila Sasha siya nags-stay for the mean time. May problema ata sa bahay nila. Pumayag naman ako since wala ako masyadong ginagawa these days, kung hindi ang magbasa lang at i-entertain ang sarili ko. I wore a sports bra na pinatungan ko ng maluwag na top and a leggings. Sinigurado kong nakatali ng maayos ang sintas ng sapatos ko. Pinuyod ko rin ang buhok ko at nagsuot ng headband at face mask. Pagkababa ko ay pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. Pagkakuha ay dumiretcho ako sa may pinto at aalis na sana nang magkasalubong kami ni Kuya. Mukhang kauuwi niya lang galing sa mama niya. “Out for a jog?” Mahinang tanong niya. Halata sa kaniya ang pagod at mukhang wala pa siyang tulog dahil sa eye bags na namumuo sa ilalim ng mga mata niya. Tumango ako at ngumiti sa kaniya. “Kasama ko sila Van and Sash.” Sagot ko. Tumango siya at tumingin sa loob. “Nagpaalam ka?” Tanong niya. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses. Nakakunot din ang kaniyang noo kaya mas napansin ko ang guhit sa noo niya. Mukhang stressed na talaga siya, dahil kahit nasa Pilipinas ay inaasikaso niya ang trabaho niya sa Seattle na mukhang hindi maganda ang lagay. Tapos ngayon ay tinutulungan niya rin nag kaniyang mama. “Yes, kuya. Baka pagalitan ulit ako.” Pabiro kong sabi sa huli. He chuckled before nodding his head. Pagkalabas ko ay binuksan ko nag phone ko para itanong kung nasaan na sila. Napag-usapan namin na sa malapit sa gate kami magkikita, dahil sa kabilang subdivision pa nakatira si Sasha. Pagka-send ko ng message ay agad din naman silnag nag-reply. Malapit na raw sila. Inilagay ko ang phone ko sa bag bago sinimulang mag-jogging. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na ako sa may guard house. Nakita ko agad sila. Kinawayan nila ako habang tumatakbo papalapit sa akin. “Good morning, Av! Let’s go!” Energetic na sabi ni Sasha. Nakangiti siya sa amin at agad nanguna. “Hey, wait! Huwag ka nga manguna, saulo mo ba ‘tong sub?” Tawag ni Vannessa sa kaniya. Nagsimula na rin kaming mag-jog. Nginisihan lang kami ni Sasha bago talikuran at sinimulang tumakbo. “Racing tayo! Ang mahuli, siya sasagot ng breakfast!” Sigaw niya pa saka kumaripas ng takbo. Nanlaki naman ang mata namin ni Vannessa. Hindi ko na sana papansin at hahayaan na lang siya pero nagulat na lang ako nang magsimula na ring tumakbo si Vannessa kaya naiwan ako sa huli. Binilisan ko na rin ang pagtakbo, dahil baka ako pa ang mahuli. “Si Avalie na sasagot ng breakfast!” Sigaw ni Vannessa sabay tawa. Napailing naman ako at mas lalong binilisan ang pagtakbo hanggang sa maunahan ko siya. Lumalabas ang pagiging competitive ko. Rinig ko ang pag-angal ni Vannessa sa likod. Hindi ko na lamang siya pinansin at mas binilisan pa ang pagtakbo. Bahagya naman akong natawa sa sarili. “Hala, mauunahan mo na’ko! Ahhh!” Nagmamadaling sigaw ni Sasha. Napangiti naman ako nang malagpasan ko siya. “Bilisan mo, Sash! Dapat sagot ni Av yung breakfast.” “Ikaw kaya!” “Saan ba yung finish line?” Tanong ko habang patuloy sa pagtakbo. “Diyan sa may kotse. Yung may naglilinis na hottie.” Natatawang sabi ni Vannessa. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya at huminto katapat noon. Malayo sa may naglilinis, shempre. Hinintay kong makalapit sila. Pangalawa si Sasha at panghuling nakarating ay si Vannessa. Tatawa-tawa kami habang naghahabol ng hininga. “Grabe, napagod ako!” Si Vannessa habang nakahawak sa tuhod niya at naghahabol ng hininga. Ibinaba niya rin ang face mask niya sabay nagpunas ng pawis. “Tubig! Pagkain! Bigyan niyo ako ng pagkain!” Napatingin kami kay Sasha na nakaupo na sa sahig. Napatawa ako sa kaniya habang nags-stretching. “Hey, girls.” Sabay-sabay kaming napatingin sa lalaking nagsalita malapit sa amin. Napalayo naman ako nang makita kong malapit siya sa akin. Iyong lalaking naglilinis pala ng sasakyan. “Hey.” Bati pabalik ni Vannessa. Siya lang ang kumausap sa lalaki. Si Sasha ay tumayo lang at tahimik na nago-obserba gaya ko. “Went out for jog?” Nakangiting tanong ng lalaki. Napataas naman ang kilay ko. Obvious ba? “Yeah. How about you? How can we help you?” Nakangiting tanong ni Vannessa. “Ah, wala naman. You see, I’m new here so I was trying to make friends.” Tumatangong sabi ng lalaki. Paano ba kami makakaalis dito? Hindi ako komportable sa lagay namin, at maging si Sasha ay mukhang ganun din. Si Vannessa naman ay natural na sa kaniya ang pagiging social. “Oh, really? Then, I’m Vannessa.” Pagpapakilala ni Vannessa. Ngumiti naman ang lalaki sa kaniya. Mukhang interesado pa yata siya kay Vannessa, base sa pagkakatitig niya dito. Napatingin ako kay Sasha. Masama ang tingin niya sa lalaki. Mukhang gaya ko ay hindi rin maganda ang lagay nitong lalaki sa kaniya. “This is Sasha,” itinuro niya si Sasha na tipid namang tumango, “and this is Avalie.” Tiningnan ko lang siya. Ngumiti siya kay Sasha sabay naglahad ng kamay sa’kin. “Hi, I’m Tim.” Pakilala niya. Tiningnan ko lang ang kamay niya. “Av?” Nanlaki ang mata ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. Dahan-dahan akong napatingin at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Daijon. What a timing? Ano na namang ginagawa niya dito? “Oy, Daijon. Good timing!” Rinig kong bati ni Sasha. “Hey, Daijon! Aga mo ah?” Napatingin ako kila Vannessa nang tabihan nila ako. Binati nila ang kararating lang na si Daijon. Napatikhim naman ako at napaiwas ng tingin. Kung sino pa nga yung gusto mong iwasan, yun pa yung palagi mong makakasalamuha. Ano na fate, makisama ka kaya sa'kin? “Oh, hi Van. Hi, Sash.” Bati pabalik ni Daijon. “Good morning, Avalie.” Bati niya pa. Sinulyapan ko lang siya bago tinanguan. Humarap ako kila Vannessa at Sasha, para sana magpaalam na. Pero inilahad ni Vannessa ang lalaking kausap niya kanina. “Uy, nga pala. This is Tim.” Naiilang namang ngumiti ang lalaki sa kaniya. Tiningnan lang ito ni Daijon bago humarap sa’kin. Bahagya pang napataas ang balikat ko. Why do I feel kind of nervous? Pasimple kong pinag-aralan ang sitwasyon namin. Ang lalaki kanina ay mukhang naiilang, samantalang si Sasha ay lihim na napangisi at itinaas ang kaniyang mask. Si Vannessa naman ay nakikipagbatian sa seryosong si Daijon. Napaiwas na lang ako ng tingin. Inayos ko muna ang sasabihin ko sa isip bago humarap sa kanila. Ayoko nang maiwan pa sa awkward na sitwasyon na ito. At isa pa, kailangan ko nang makaalis dahil nandito si Daijon. I can't face him nor be with him any longer. “Sash, Van, una na’ko. Baka hinahanap na’ko ni Mom.” Mahinang paalam ko. Napaharap naman sa’kin si Sasha at parang nagulat pa sa biglaang paalam ko. “What? Maaga pa. Mamaya ka na umuwi. Kasisimula lang kaya natin.” Pigil niya pa. Alanganin naman akong ngumiti sa kaniya. “Oo nga, Av. Tsaka sabay tayong magb-breakfast diba? Tamang-tama nandito si Daijon, siya na lang manlibre.” Segunda ni Vannessa sabay dinugtungan ng tawa. Umiling naman ako at magdadahilan pa sana nang magsalita na si Daijon. “Sure! Let’s go eat some breakfast. Sounds fun.” Batid ko’y nakangiti pa siya. May malaking parte sa’kin na gustong sumama pero, hindi. Kailangan kong tatagan ang loob ko. Tsaka isa pa baka pagalitan talaga ako ni Mom. Teka, nasa bahay ba si Mom. Napailing ako sa naisip. Hindi nga Avalie. You’re not going with them. Don’t think about the chance, think about the ways of how to avoid him, because you should avoid him. No. You must avoid him. “Hindi na talaga. Baka pagalitan ako.” Nahihiyang tanggi ko. Nag-pout si Sasha samantalang ngumiti lang ng tipid si Vannessa. “Okay. Let’s just chat later. Mauna na rin kami ni Sasha, pero next time dapat sumama ka na, ha?” May bakas pa nang pagbabanta ang boses niya kaya tumango ako at napatawa. “Sure ako pa manlilibre.” Sagot ko. Kinawayan ko sila. “Suot niyo mask niyo, Sash, Van. Ingat kayo sa daan.” Paalam ko. Napatingin naman ako kay Daijon sa tabi. Nahihiya akong kausapin siya kaya naman ay tiningnan ko lang siya at bahagyang tinanguan bilang paalam. Si Tim naman ay bumalik na sa ginagawa niya. “Hatid na kita.” Rinig kong habol ni Daijon. Nanlaki naman ang mata ko, at napalunok ako bigla. “Hindi na, okay lang.” Naiilang na sagot ko, sabay tawa. “It’s fine. Baka kung sino pa makasalubong mo.” Sabi niya sabay nanguna sa paglalakad. Hindi masyadong malinaw sa’kin ang sinabi niya nung huli kaya medyo napakunot ang noo ko. Hindi ko nalang siya pinansin. Medyo nagtaka rin ako sa ikinilos niya dahil nangunguna siya ngayon sa’kin. Umiling nalang ako sa sarili. Baka pagod lang, or problema sa bahay? Pero mukhang okay naman sila ng family niya. Hindi ko pa nga pala naitatanong sa kaniya kung bakit siya dito nagj-jogging sa subdivision namin, e malayo ang bahay nila dito. Nasa likod niya ako at tahimik ko siyang sinusundan. I’m a little curious kung anong iniisip niya ngayon. I hope he’s fine. Nahihiya akong kausapin siya. Gusto ko sanang tanungin kung kumusta na siya pero, ayokong lumala yung nararamdaman ko. I feel contented just by looking at him. I’m comfortable with this silence. “Siya nga pala, Av. Mom said she misses you.” Huminto siya sabay harap sa akin. Napahinto rin ako at sinalubong ang tingin niya, pero hindi nagtagal ay napababa ako ng tingin. “Ah, thanks.” Nahihiya kong sagot. Ilang sandaling katahimikan pa ang lumipas. Nagsimula na siyang maglakad kaya tahimik lang din akong sumunod sa kaniya. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa tapat ng gate namin. Humarap siya sa akin. “Thank you.” Mahina kong sabi sabay bukas ng gate. Pagkapasok ko ay sinulyapan ko ulit siya. Nandun pa rin siya, nnakatayo “Gusto mo bang pumasok muna?” Labag sa loob na tanong ko. As a sign of respect, kailangan ko siyang tanungin, kasi nakakabastos naman kung pauuwiin ko siya agad. “Hindi na. Uuwi na rin ako.” Tumango siya sa akin bago kumaway. Nang tumalikod siya at magsimulang maglakad ay tinawag ko ulit siya. Napatingin siya sa’kin at naghihintay ng sasabihin ko. “I miss…” napatikhim ako nang may magbara sa lalamunan ko, “I miss her too.” Sabi ko. Nakita kong napangiti siya sabay tango. But the glimpse of sadness in his eyes didn't escape my sight. Are you okay? I want to ask him, but I'm afraid I can't stop myself. “I’ll tell her.” Sabi niya sabay nagpatuloy na sa pag-alis. Ilang araw pa ang lumipas at iyon na pang-huling encounter namin ni Daijon. Patuloy pa rin naman siya sa pagt-text kaya lang ay hindi ko na siya nire-reply-an. I feel bad, but I make sure to communicate with his Mom. Paminsan-minsan ay tinatanong ko kay Tita ang whereabouts niya. Madalas ay hindi, dahil siya na mismo ang nagsasabi. Kapag alam ko naman na okay siya ay iniiba ko na lang ang usapan namin. Alam ko naman na kung hindi siya busy sa music room, ay naglalaro sila ni Iurii at kung hindi ay naga-advance study siya. “Tapos ayun na nga, he accidentally told me Veronica’s not his girlfriend talaga. She’s his cousin. Tinutulungan lang siya.” Napabalik ako sa reyalidad nang magpatuloy sa pagk-kwento si Vannessa. Magka-video call kaming tatlo ngayon dahil hindi pinayagan si Sasha na umalis. Si Vannessa naman ay bumalik na sa bahay nila. “So ano nang gagawin mo niyan? Umamin ka na?” Bakasang pang-aasar sa tono ni Sasha. Exaggerated naman na umiling si Vannessa. “Of course not. Over my dead gorgeous stunning sexy body. Siya nga yung umamin e. Pero manigas siya diyan. Ilang gabi akong umiyak tapos pinsan niya pala yun? No way.” Pag-iinarte pa niya. Lihim naman akong natawa. Halata naman sa kaniya na umaasa rin siya na gumawa ng move si Iurii. Naghihintay lang talaga siya. But I’m glad, malinaw na sa kanila na gusto nila ang isa’t-isa. Hindi pa nga lang alam ni Iurii. “Sus! Kilig ka naman diyan.” Natatawang asar pa sa kaniya ni Sasha. “Heh! Tigilan mo’ko, Sasha. Baka hindi mo alam na alam ko na gumagawa ka ng move sa kuya ni Avalie.” Gulat akong napatingin kay Sasha. What!? She’s making a move to who? “You what, Sasha?” Gulat na tanong ko. Napatakip naman siya ng mukha. “Hindi a! Vannessa, you liar! I didn’t do such thing. I’m innocent.” Kinakabahang sabi Tumawa lang ako at hinayaan siya. Well, it’s her choice naman. Gaya nga ng sabi ko before, wala akong pakialam sa relationships ni Kuya. Siya ang magde-decide nun. If he’s happy, then I’m happy. “So ikaw nalang ang wala pang nagugustuhan sa’tin, Av.” Sabi ni Vannessa. Napatigil naman ako at napangiti lang nang tipid. “Or wala nga ba?” Tanong niya pa. I shrugged my shoulders. Kayo bahala mag-isip. Gulat na napahawak sa labi si Sasha, samantalang napangisi naman si Vannessa sabay simsim sa kaniyang wine glass. “I didn't say anything.” I said. Mukhang hindi rin naman sila maniniwala kaya hinayaan ko lang. “Hulaan ko kung sino.” Natatawang sabi ni Sash, kahit wala akong sinabi na meron. “I think alam ko kung sino.” Sabi naman ni Vannessa. Inilagay ko ang index fingger ko sa tapat ng labi ko. Sabay silang napahawak sa labi habang nanlalaki ang mga mata. Ngumiti sila nang pagkalaki-laki sabay nagtatalon. “Oh my gosh! I knew it!” “Sabi na magkakagustuhan din kayo! Hindi lubog ang ship namin.” “It’s not what you think.” Seryosong sabi ko. Napatahimik naman sila at sabay napahinto. Umupo sila ng maayos at saka ko sinimulang ikwento ang gusto kong mangyari. “So paano na ‘yan? You’re not going to tell him about your feelings?” Tanong ni Vannessa. Umiling ako. “Edi you never got a chance to know what he feels too? Hindi ba, unfair yun? For me lang, Av, ha.” Seryosong sabi niya. Napatango naman ako. May point naman siya. But I’ve made up my mind. Hindi ako aamin at kahit anong mangyari, sa akin lang ito. Sa amin, ngayon. “Tsaka Avalie, what if the feeling is mutual. Tapos nauna siyang umamin at may gusto ka rin sa kaniya. Tatanggihan mo?” Tanong ni Sasha. Pinag-isipan ko ang tanong niya. If ever man na ganun ang mangyari… “I think, I’ll reject him. Hindi pa rin ako aamin. As long as I’m a mess, I will never confess.” Seryosong sagot ko. Napatahimik naman sila. Siguro kapag maayos na ako. Pero baka kapag nangyari yun, he already found someone. He's a great person kaya malabong wala siyang mahanap na babaeng para sa kaniya. I felt my chest tighten at that thought. He’s too good for me. He’s so good that it scares me. I don’t want to love him so deep that I’ll be drown. Iyong tipong hindi na ako makakaahon pa dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka gustuhin ko na makasama siya. At gustuhin ko rin na mahalin niya ako pabalik. Ayokong humingi ng sobra sa kaya niyang ibigay. And I don’t want him to be stuck with someone like me. That's why I've been avoiding him. Good heavens, take this feelings away from me. It’s so good, but I don’t want to want it. ____________________________________ FB: Shan Calixtro IG: xxorphicxx/_shxnnnnn Tiktok: xxorphicxx ____________________________________ Let me know what you guys think of this chapter. Please vote and comment your thoughts about this story. See you on the next chapter. ;
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD