KABANATA 16: Vannessa

2277 Words
After magpaalam ni Sasha sa Mom niya na pinayagan naman siya ay sabay-sabay kaming umakyat sa taas. Sinabi ni Tita mom na siya nang bahalang magpaalam kila Mom and Dad. “Occupied na yung guest rooms, so if okay lang sa’yo Av, sa kwarto mo nalang sila matulog? May sofabed ka naman ata dun? If that’s also okay with you girls.” Sabi ni Tita mom. Huminto kami sa tapat ng room ko. Okay lang naman sa’kin na sa kwarto ko sila matulog. Malaki naman ang kwarto ko, at malinis din. “Okay lang po, tita. Hindi rin po namin alam kung matutulog ba kami.” Sasha jokingly said. “Oh siya, I have to call someone pa. Good night and get your beauty rest.” Paalam ni Tita mom. Pumasok kami sa room ko. Agad naman nilang nilapag ang mga bags nila sa gilid. Pumunta ako sa walk in closet ko at kumuha ng dalawang hindi pa nagagamit na pajama. Ibinigay ko sa kanila yun. Pumili naman sila ng kulay na gusto nila. Naunang mag-wash up si Vannessa, at pagkatapos niya ay si Sasha naman. Hindi nagtagal ay lumabas na rin si Sasha. Umupo kami sa kama ko. Inabot ko sa drawer ang mga facial masks ko. Inabutan ko sila ng tig-isa. Sumandal kaming tatlo sa headboard. Kinuha ko ang remote at inabot sa kanila. “Pili kayo ng papanoorin.” Sabi ko. Natutuwang inabot ni Sasha at siya na ang pumili ng panonoorin. Tahimik kaming nanonood nang tumunog ang cellphone ni Vannessa. Si Sasha ay patuloy lang sa panonood. Hindi ko na rin sana papansinin ngunit nakita kong pabagsak na ibinaba ni Vannessa ang phone niya. Mukhang may problema siya. Ayoko namang manghimasok and I don’t want to make her uncomfortable. Kung komportable siyang magsabi ay magsasabi siya. Kinuha ko ang phone ko at nag-open ng messenger. Sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone ko kaya naman napatingin sila sa’kin. “GC ba natin ‘yan? Hindi ka masyadong nag-o-online ‘no?” Natatawang puna ni Sasha. “Oo nga, Av. You’re not interacting with us often.” Segunda ni Vannessa. “Ah, busy lang siguro ako.” Sagot ko. Napatango naman sila at nagpatuloy sa panonood. Magbabasa na sana ako ng mga conversation sa gc nang humarap ulit si Sasha. “Picture tayo! Inggitin natin sila.” Sabi niya habang natatawa. Napatawa naman ako at tumango. In-open ko ang camera ko at nag-ready kami para sa groufie. Nag-peace sign si Sasha, samantalang itinaas lang ni Vannessa ang wine niya. After we took five shots, tinanong ko muna sila kung pwedeng i-post sa social media. When they allowed me pinost ko na and I tagged them both. Kinuha nila ang phones nila nang marinig nilang tumunog. Nag-notif na siguro ang post ko. They reacted and both commented. @gorgeous_Van: Girls night!?? @foodieSash: With my girls♥️ Nag-react ako ng heart sa pareho nilang comment. Io-off ko na sana ang phone ko nang mag-notif ulit ang post ko. Daijon and Iurii both commented. @legrand.du: ?❤️ @poging_miyamoto: wAwErS,,, hnDi n@g-@Y@!!!¡¡??? #fo #b3tR4y3D Nag-react ako ng heart sa comment ni Daijon, pero napakunot ang noo ko sa comment ni Iurii. Hindi ko maintindihan. Bagong typings ba yun or hindi ko lang talaga alam namay ganoon pala. Then, I remembered may nakita rin akong ganoong style ng typings, pero matagal na. Siguro grade 9 ako. I composed my reply. I doubled check bago ko ine-reply. @avalie_gallegos: Sorry, Iurii. I don’t understand. Hindi naman siguro siya mao-offend sa reply ko. I tapped our group chat ng magpop-up Iurii the pogi: Bakit hindi kayo nag-aya??? Daijon: Enjoy, Av! Vannessa and Sasha. Vannessa: Thanks, Daijon! Sasha: Ang sarap ng luto ng kuya ni Avalie! Vannessa: Yung luto o yung kuya? Iurii the pogi: Ano, Vannessa? Napatingin ako kila Sasha and Vannessa nang maramdaman ko ang masamang tingin na tumatagos sa’kin. Kahit nakapatong ang mask kay Sasha, kita ko pa rin ang sama ng tingin niya kay Vannessa. Natatawang sumimsim naman sa wine glass si Vannessa. I find the joke rude, pero nag-aasaran sila. Siguro palalagpasin ko nalang. Kapag inulit, tsaka ko nalang sasabihin. Ayoko namang sirain lalo yung mood ni Vannessa, lalo pa’t mukhang hindi siya okay. Veronica ni Iurii: I hope I can join you guys! Napatingin ako sa panibagong chat. Ito siguro yung girlfriend ni Iurii. She seems nice. I typed my reply. Me: Sure. Next time. Veronica ni Iurii: Really? That’s so nice of u. Vannessa: What's with your nn? Baduy siguro nagpalit nan. Veronica ni Iurii: Oh! HAHAHAHA yea, si Iurii kasi. Papalitan ko sana, but I find it cute. Napatingin ako kay Vannessa nang marinig ko siyang suminghal. Nagpipindot pa siya ng ilang beses bago pabagsak na binaba ang phone niya at nanood nalang ng tv. Inabangan ko pa kung mag-rereply siya pero mukhang wala naman. Nag-scroll scroll lang ako sa IG. I also checked their stories, mukhang magkasama si Iurii at ang girlfriend niya kanina. Nasa story ni Iurii ang picture nila ng girlfriend niya; siya nakaakbay kay Veronica habang si Veronica naman ay suot ang jersey ni Iurii at hawak ang bola. Sa story naman ni Daijon, ay picture ng bagong gawang music room niya. Ini-story ni Sasha ang picture nila ni Tita mom kanina habang hawak niya ang autograph nito. Si Vannessa naman ay ipinost ang picture nila ni Tita mom kanina. Nag-photoshoot sila kanina sa may garden. Para silang mga model. I leave my comment and nakita ko pa na nag-comment din si Tita mom. In-off ko ang phone ko at nagpatuloy na rin sa panonood. After a few minutes, sabay-sabay naming tinanggal ang masks. Natahimik kami ng ilang sandali. Hindi ko alam kung anong iniisip nila. Hindi naman ako sanay sa mga ganito dahil ngayon ko lang ito naranansan. Kung ako lang mag-isa ay baka natulog nalang ako. Bumuntonghininga si Sasha, kaya napatingin kami sa kaniya. “Come on, tell us. Umamin ka na, may gusto ka sa kaniya ‘no?” Tanong niya. Nakaharap siya kay Vannessa. Nanlaki naman ang mga mata ni Vannessa sa kaniya. Naguguluhan naman akong nagpapalit-palit ng tingin sa kanila. Ano raw? Hindi ko sila maintindihan. Gusto, kanino? Si Vannessa? “What? Shut up, Sash.” She crossed her arms and looked away. “The f**k are you saying?” Mahina niya pang dagdag. Natatakot naman ako na baka magkainitan sila. “Hay nako! Mas masakit ‘yan kapag kinikimkim mo.” Gatong niya pa. “Tss, nakakainis ka.” Humiga siya sa kama at tumulala sa kisame. Nagkatinginan kami ni Sasha. Natatawa siya habang umiiling. “May gusto ka kay Iurii.” Seryosong sabi ni Sasha na para bang tama talaga siya at iyon ang totoo. Nagugulat naman akong tumingin kay Vannessa. Hindi ba palagi silang magkaaway? Inaasar sila, pero akala ko ayaw nila sa isa’t-isa. Hinihintay ko ang matinding pagtutol ni Vannessa. Pero imbis na batok at sigaw para kay Sasha, unti-unting lumandas ang luha sa mga mata niya. Itinakip niya ang mga braso niya sa mata, pero nakikita pa rin namin ang patuloy na pag-agos niyon. Humihikbi na siya kaya naman medyo naalarma na ako. Sasha sighed and went to her. She patted her shoulders hanggang sa medyo kumalma na si Vannessa. Umupo si Vannessa at nahihiyang tumingin sa’kin. “Yun ba yung stupid realization mo?” Tanong ko. Dahan-dahan siyang tumango. “How did it happen? I thought you dislike each other?” Nagtataka kong tanong. Huminga siya ng malalim bago nagsimulang mag-kwento. “Remember my Dad?” Tanong niya. Tumango naman ako. “Nakita niyang pinapagalitan ako ni Dad before. Matagal na yun, bago pa tayo magkakilala. Dad almost slapped me, pero pinigilan niya. After that day, sinimulan niya nang guluhin ang buhay ko.” Tahimik kaming nakikinig ni Sasha sa kwento niya. Dahan-dahang inabot ni Sasha ang chips at tahimik ulit na nakinig. “I am the type of person na ayaw makita ang kahinaan. I don’t want to be seen as fragile, kaya palagi ko siyang sinusungitan. Hindi ko naman talaga siya gusto, before. Ayaw na ayaw ko sa kaniya, until recently… pinakilala niya yung girlfriend niya. Akala ko kasi may mutual understanding kami. He’s there whenever I needed someone to talk to. He makes me feel better. I didn’t entertain anyone kasi akala ko okay na’ko mag-isa. Yun pala, okay na’ko kasi nandiyan naman siya. Mahirap pala yung walang kasiguraduhan. Hindi ko naman naisip na pwede siyang mag-girlfriend kasi akala ko okay na siya sa tropa.” Pinunasan niya ang luhang tumakas sa mga mata niya. Inabot ko sa kaniya ang tissue box na tinanggap niya naman. “Bakit hindi ka kasi umamin?” Tanong ni Sasha. “Nakikinig ka ba? I told you, recently ko lang na-realize. I don’t want to entertain serious relationships diba, what more kapag feeling of love? I grew up thinking that love’s only to those good people. Am I good to you? At saka isa pa, I don’t want to trust any guy, paano kung kagaya lang sila ni Daddy? Yung unang lalaki sa buhay ko niloko si Mom pati ako, paano pa yung hindi ko kadugo?” Seryosong sagot niya. Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, dahil hindi naman ako maruning mag-comfort. Sa sarili ko pa lang ay hindi ko na magawa, because I always neglect my feelings paano pa kaya sa kaibigan ko or ibang tao? “I don’t just trust anyone, but then… I unconsciously trust him. I did, unconsciously.” Dagdag pa niya. Halata sa kaniya na gusto niyang pagsisihan pero hindi niya magawa. Dahil miski siya ay ginusto ring pagkatiwalaan si Iurii. Niyakap siya ni Sasha. Lumapit din ako at tinapik ang likod niya. “It’s easy to find someone to love, but hard to find someone that will love us back.” Nakatulog na sila Sasha and Vannessa. Magkatabi sila sa sofabed. Malaki naman yun at kasya sila. Napangiti ako dahil, ang saya lang siguro na may bestfriend ka. Dadamayan ka sa lahat at susuportahan ka. Hindi ka iiwan. Masaya ako na naging kaibigan ko sila. And I’m happy that she trusts us, she trust me. She opened up and I hope kahit konti gumaan ang loob niya. Kinabukasan, mas nauna akong magising sa kanila. Nag-toothbrush ako at naligo na rin. Pagkatapos kong maligo ay naabutan ko silang nag-aayos ng gamit. “Good morning.” Bati ko. “Good morning, Av! Pagamit ulit ng C.R a?” Nakangiting paalam ni Sasha. Tumango naman ako kaya kinuha niya ang tuwalya niya. “Wait, may pamalit ba kayo? May mga clothes pa’ko na hindi nagagamit?” Sabi ko. “Pwedeng pahiram, Av? I’ll buy you a new one if ever. Please.” Sabi ni Vannessa. Napatawa naman ako at umiling sa kanila. “No need to buy me a new one. You guys can have it.” Sabi ko pa. Dumiretso kami sa closet ko at pinapili ko sila sa mga bagong damit na hindi pa nagagamit. Pinili ni Vannessa ang isang mini-skirt and bodysuit top, samantalang pinili ni Sasha ang isang shorts at oversized shirt. Pagkatapos maligo ay bumaba na kami para mag-breakfast. Medyo tanghali na kaya wala na rin sila Mom and Dad. Si kuya ay nasa dining na kasama si Tita mom. “Good morning, ladies! Looking fresh.” Bati niya. Nahihiya namang ngumiti si Sasha. Si Vannessa naman ay ngumiti bago bumati pabalik. “But not as fresh as you, tita.” Pambobola niya pa. Natawa naman si tita at napailing na lang. “Have a seat. Let’s eat na.” Aya niya. Masaya kaming kumain. Nag-kwentuhan pa sila tita mom at Vannessa ng about sa modeling. Tita mom was willing to scout her sa agency niya. Sasha and kuya Darian are having a small talk about the food. Recipe kasi ni kuya ang naka-serve ngayon, and Sasha being a food lover wants to know how to make it. Napangiti naman ako dahil alam kong nag-eenjoy sila. Because of them, I forgot about my problem. Napagaan nila ang loob ko kahit hindi nila alam. Pagkatapos kumain ay nag-excuse si kuya na may tatawagan lang. Si Vannessa at Sasha naman ay nag-aayos na ng gamit para sa kanilang pag-alis. “Ipahahanda ko na ang driver na maghahatid sa inyo. Just wait at the front door.” Sabi ni Tita mom. Ngumiti naman kami at nagpasalamat. “Uy, thank you for having us, Av! Sorry sa abala.” Nahihiyang sabi ni Sasha. Ngumiti naman ako. “Hindi naman kayo abala. Natuwa pa nga ako na pumunta kayo.” Sinsero kong sagot. “Thank you, Av! Bawi ako next time.” sabi nI Vannessa sabay yakap sa’kin. Niyakap ko siya pabalik, at nang bumitiw sa yakap ay nginitian ko siya. “Hatid ko na kayo sa labas.” Tuloy pa rin ang kwentuhan namin hanggang sa makarating kami sa labas. Habang naghihintay sa sasakyan ay natanaw namin si kuya Darian na parang nakikipagtalo. Iiling-iling niyang binaba ang phone niya. “Kuya, you okay?” Tanong ko ng makalapit siya. Tipid naman siyang tumango bago ngumiti. “Uuwi na kayo?” Tanong niya sa kanila. “Yes. Baka nakakaabala na kami.” Pabirong sabi ni Vannessa. Natawa naman si Kuya sa kaniya. “Girlfriend?” Tanong pa niya. Tinutukoy ang kausap ni kuya. Kita ko ang lihim na kurot ni Sasha sa kaniya. Binulungan niya pa ito ng kung ano. “Uh, no.” Sagot ni Kuya. Tumango-tango naman si Vannessa. “Boyfriend.” Dagdag ni kuya Darian na nagpagulat sa amin. _____________________________________ FB: Shan Calixtro IG: xxorphicxx/_shxnnnnn TIKTOK: xxorphicxx ____________________________________ Please vote, and comments are highly appreciated! ;
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD