Sofia Continuation some eight years ago... "ANONG gagawin natin dito, Sofia?" napakunot noo na napatitig si Gab sa labas ng Pintado. Pag-aari iyon ni Borgy Manalo, isa sa mga kaklase niya sa UP. Kagaya niya ay may pasyon rin ito sa art, sa pagta-tattoo nga lang ang forte nito. "Basta halika na!" Nangingiti-ngiting hinila niya ito papasok sa glass door. "Bogs!" masiglang sigaw niya ng makapasok na sila ni Gab sa loob. "Sofia, napadalaw ka?" Napatayo si Bogs mula sa counter na kinauupuan nito. Nangingintab sa tattoo ang buong braso at leeg nito. Tinanguan nito si Gab na nasa kanyang likod. "Gab." Minsan nang naipakilala niya ang dalawa ng magkaroon ang UP College of Art ng campaign, isa sila ni Bogs sa mga facilitator niyon. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. "Wala kabang appointmen

