Sofia LOVE. Kung pinaglalaruan si Sofia ng salitang iyan ay hindi niya alam. Is it true that love isn't something that you find but it's love that finds you? Or do we get to choose who to love? Malamang kung gugustuhin mo, oo. Pero may pagkakataon talaga si tadhana na baguhin ang takbo ng buhay mo. Gustuhin man natin ay hindi pwedeng mangyari at ayawan man natin ay gagawa at gagawa si tadhana ng paraan para ka ipain sa taong pinangingilagan mo namang mahalin. Ang saklap diba? Pero masaya rin naman siya. At wala siyang pinagsisihan. Hindi pala talaga napipigilan ang damdamin. Oo at nakaramdam siya ng guilt dahil si Gab pa sa dinami-dami ng lalaking pwede sana niyang mahalin. Bestfriend pa niya ulit. Ang dating isa sa ikinakatakot niyang mangyari. Na-imagine na nga niyang kahit nagka-

