NABUNUTAN ng tinik sa dibdib si Sebastian. Pakiramdam niya ay nakahinga siya nang maluwag at naging malaya kay Pinky. Wala siyang ibang sinisisi kundi ang kanyang sarili. Napakalaki niyang tanga para maniwala kay Pinky. Hindi niya akalain na matagal na pala siya nitong pinapaikot. Habang siya ay nag-aalala, ang mga ito naman ay pinagtatawanan siya. Paniwalang-paniwala siya sa mga kwento ng mga ito. Nagmukha siyang tanga sa mga panahon hindi niya alam ang totoo. Iyon ang lalo niyang ikinagagalit. Tinungga niya ang alak na nasa kanyang harapan. Kasama niyang umiinom ang kanyang ina at amain nang mga oras na iyon. Siya lang sana ang iinom pero sinamahan siya nang mga ito. Matagal nang hindi umiinom ang kanyang ina pero dahil sa nangyari ay napainom ito. Hindi rin nito matanggap ang panlol

