NABIGLA pa si Mercilita nang makita niya si Sebastian sa harapan ng kanyang office. Pawis na pawis nito. Mukhang tumakbo ito sa hagdan maabutan lamang siya. Hinahabol din nito ang paghinga. Nakonsensiya tuloy siya kung bakit hindi niya ito pinasabay sa elavator kanina. Parang wala siyang nakita at nilagpasan niya lang ito. Hindi niya ito pinansin na akala mo aya wala siyang nakita pero ang totoo ay nag-aalala siya sa lalaki. Binuksan niya ang kanyang opisina at tulad ng kanyang inaasahan ay sinundan siya ni Sebastian. “What do you want?” hindi niya mapigilang tanong dahil naiinis na siya sa kakabuntot nito. “Wala ka na bang gagawin kundi ang bumuntot sa akin?” dagdag niya pang tanong sa lalaki. Natatakot siyang masanay na palagi itong nasa tabi niya. Napangiwi siya dahil para itong t

