NATIGILAN si Mercilita nang ipakita sa kanya ni Steph at Wena ang flyers na nakakalat sa labas ng Herrera Holdings. Natataranta ang mga ito sa paglapit sa kanya. Kadarating lamang niya ng opisina. Mukha niya ang nakalagay sa flyers at may nakalagay sa ilalim ng kanyang mukha na salitang The Lewd Mistress. Nanginig ang kanyang katawan dahil sa kahihiyan. Maliban sa hawak ni Steph at Wena ay may mga nakadikit pa sa pader ng building. Ang ilan ay nililipad na ng hangin. Nagmamadali niyang inalis ang mga iyon. Ang ganda sana ng kanyang umaga pero sinira lang ng mga flyers na pinagpupunit niya ngayon. Kahit ilang oras yata siyang magpunit ay hindi siya matatapos sa dami no’n. Tinulungan din siya nang ilang empleyadong naroon. Ang iba ay deretso nang ipinasok sa garbage plastic. Maiyak-i

